Magmahal ka ng Wattpader

75 8 2
                                    

Author's Note:

April 19, 2017! Hello! *kaway2* Just wanna try another one shot and hope yah like it! Feedbacks will be highly appreciated by this crazy fella hahaha.

AlabBlackn'Pink,

Ate Kate/Kate

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kastellanna Samaniego

“Aish! Ano ba naman ‘yan! Kanina ko pa hinahalugad itong dictionary pero hindi ko talaga makuha ang word na hinahanap ko.”

Nakabusangot akong pumipindot dito sa phone ko. Muntikan na nga itong masira eh, sa tindi ko ba naman pumindot e for sure, kawawa ang cellphone na ito.

“Patingin nga at baka alam ko ‘yan,” tinignan ni Alton ang phone ko at parang nag-iisip na rin. Pero ang resulta, pareho kaming dalawa na kumunot na lang din ang noo kasi hindi niya rin makuha.“Magcheat ka na lang. I-adjust mo ‘yong date sa settings mo.”

“Gagana kaya ‘yon?”

“Try mo, bilis!”

I did what he said and bling! Gumana nga! Hala! Ngayon ko lang na discover ito ah? May lumabas na clue pero hindi nabawasan ang coins na naipon ko. Wow naman!

“Mygosh! Privacy lang pala ang word Alton! Grabe! Ang bobo ko!” halos mangiyak-ngiyak kong sabi. Eh grabe naman talaga e! Napaka-simple lang naman pala ng word pero hindi ko pa nakuha!

Tinawanan ako ng husto ni Alton. Nyenye. Eh pati nga siya hindi niya nakuha kanina.

“Tumahimik ka nga, ang ingay mo. Daig mo pa ang babae kung tumawa,” sabi ko sa kanya at itinago na lang ang cellphone ko. Psh. Nakakaasar lang.

“Sorry na babe—” nag-death glare ako sa kanya ‘yong tinging ‘ibabe mo pa ako at lagot ka sa'kin look’. “—este Yanna pala hahaha. Ikaw naman kasi, ba't ka ba nagfofour pics one word kung may wattpad naman.”

Mabilis na naglaho ang pagkainis ko kanina at napalitan ng sobrang galak na aura.

Bakit nga ba? Kasi ba naman, si Ace Ford, my ultimate crush since Grade seven(Grade twelve na ako ngayon) ay four pics ang favorite game! Ayiieeee meghed! Nagpost kasi siya sa kanyang ‘My Day’ sa messenger e, level 1,430 na nga siya tas ako nasa level 715 pa. Awts naman. Masyado siyang matalino.

Balang araw ay matutumbasan ko rin 'yong level niya at pag nagkataon, malay natin, malay nila, malay ko, malaysia! Hahaha. Malay natin at ito na ang magiging tulay na magustuhan niya rin ako. Awiiee.

“Maganda kaya ‘yong 4pics, nakakapagpatalas kasi ito ng isipan. Favorite game pa nga ito ni future boyfriend e. Omo! Kinikilig ako!” kulang na lang na may mabuong heart sa aking mga mata kagaya nung emoticon. Gash. Ano kayang itsura ko kapag naging kami ni crush? Aish!

Hindi ko kaya favorite ‘yan, mas nakakaaliw pa kaya ang Wattpad kesa diyan. Ang baduy naman ng 4pics! Tss.” may bahid ng inis ‘yong pagkakasabi niya. Kung hindi lang talaga naging magbeshy ‘yong mga magulang namin edi sana hindi ko nakilala ang kumag na ito.

“Kahit kailan talaga ay feelingero ka! Si Ace tinutukoy ko hindi ikaw. Atsaka ano ba 'yang Wattpad? Papel ba ‘yan?” curious na sabi ko. Wattpad? Parati ko kasing naririnig ‘yan, madalas ko ring mabasa ‘yan sa mga status sa facebook.

Nanlaki ‘yong mata ni Alton na parang may nakakamangha sa mga sinabi ko.

“Seryoso? Hindi mo alam kung ano ‘yong Wattpad? Saang lupalop ng bulubundukin ka ba nakatira Yanna? Ikaw lang ata ang babaeng walang ideya kung ano 'yon!”

Magmahal ka ng WattpaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon