30 Seconds [One Shot]

22.5K 844 120
                                    

Goals and priorities.

That's what I have since I was a little girl. Simula bata I wanted to become a doctor, not because of the money that I will earn but simply because I wanted to serve the people and falling in love is never on my list.

It was 2011 when I first saw him, ako yung commentator sa five o'clock mass sa chapel malapit sa amin. It was never my intention to look at his direction but something told me that day to look at his way and after that, I knew I was doomed for life.

"Ay friend, ang lalim? Tinanong ko lang kung paano ka nag-start magkagusto ka kay Grumpy Boy mo tapos ganyan na mga entrada mo? Parang voice over lang sa isang palabas?"

"Sabi mo paano nagsimula, eh 'di sinasagot ko lang."

"Alam ko pero kailangan may 'goals and priorities' ka pang nalalaman sa simula? Pwede namang simulan mo sa napatingin ka sa direksyon niya kasi biglang may umatsing ng malakas sa side na yun."

"Okay fine Lysie na magaling, ipagpatuloy mo yang kagalingan mo."

"Alam ko Ziazia na makata, ipagpapatuloy ko talaga! No need to tell me. Behlat! Oh bilis na, ano nang progress? Magkakaanak na kayo?"

"Hahahaha! Hahahahaha! Wish ko lang pero sana magkausap muna kami kasi hindi pa kami nagkakausap eh."

"Akala ko ba nagkausap na kayo n'ung isang beses yung nakisabay ka sa kanila tapos naka-boxer shorts lang siya tapos..."

"Waaa! Pinaalala mo na naman, hindi nga ako makatingin ng diretso sa harap kasi dumadako talaga yung mata ko sa legs niya. Medyo parang nagkausap lang naman kasi yung nanay niya talaga kinakausap niya."

"Yun na rin yun kasi ikaw kausap ng nanay niya tapos sumisingit siya. Naguusap na kayo n'un, indirect nga lang. Saka malay mo pasimple lang yun kasi baka type ka rin tapos natotorpe lang."

"Huwag ka nga paasa, sa gwapo niyang yun mukha siyang 'di torpe! May tattoo kaya siya."

"Eww, may tattoo? Akala ko ba turn off sa'yo may mga tattoo? Shet true love yan tanggap mo kahit may tattoo! Todo na 'to! Pakasalan mo na yan!"

"Dapat makausap ko muna."

"Ay, yun lang. Teka, 2014 na 'di ba? Kailan mo pa balak kausapin? 2011 mo siya unang nakita 'di ba?"

"Three years pa lang yung akin, eh yung sa'yo? Mag-twelve years na ngayong 2014 yung love story niyo ni Jebo mo ah?"

"Huwag mo sinisingit ang mga bagay na walang kinalaman sa usapan natin. Hahahaha! Gago ka Ziazia ah? Umabagan kaya kita paulit-ulit?"

"Oo na, stop na ako. Naiinis lang ako kasi feeling ko I'm out of his league."

"Kay Grumpy Boy mo? Why is that?"

"Yung set of friends niya halos parang puro model-like."

"Kasi?"

"Payat, sexy, maganda..."

"Oh eh ikaw? Maganda saka matalino."

"Ang healthy ko, Lysie. Huhu."

"Kalokohan yang mga nagse-set ng standards kung ano ang sexy, yang kasexyhan nawawala pero ang katalinuhan kahit hanggang kamatayan dala mo. Leche sila."

"Nawawalan na ako ng pag-asa sa kanya, feel ko talaga malabo."

"Wala ka talagang pag-asa kung yan ang iniisip mo, Ziazia uulitin ko sa'yo yung dati ko pa sinasabi, hindi basehan ang kasexyhan or kahit itsura sa love. Kung talagang mahal ka, kahit mukha ka pang plato, timba, o poste tatanggapin ka niya! Saka ano naman kung maganda mga nakapalibot sa kanyang mga chikababes? Baka ganda lang panlaban n'un!"

30 Seconds [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon