Chapter 2: New Guy?

98 1 0
                                    

Chapter 2: New Guy?

Una sa lahat lahat, ako si Ericka Sortijas. Ang nag-iisang anak na babae sa pamilyang Erick-Jean Sortijas. Ako ang bunso sa aming apat. Tatlo ang aking mga pinakamamahal na kuya, sila Kuya Jun, Kuya Jin, at Kuya Jon. Astig ng names noh? Parang triplets lang pero hindi. XD

Si Kuya Jon ang eldest. Si Kuya Jin at Kuya Jun ang twins. :)

16 years old na ako. 3rd year high school at ilang months na lang ay 4th year na. And proudly in a relationship with Jebb Lozano, ang sikat na lalaki sa campus. Akalain niyo ba namang mapupunta sa isang LONER ang sikat na lalaki sa campus? Hahahaha. Edi yun, mas lalong dumami ang nainis sa akin. Kuhanin ko ba daw ang minamahal nila. Hahaha. Yae mo na sila. Mga inggit lang. XD

Simple lang akong babae. Di maarte sa sarili. Kung ano makitang damit, yun na lang isusuot. Di gaanong nagsusuklay ng buhok. Di ko naman kailangan ng mga kaartehan. Ayos na ko sa sarili ko. Minsan nga -----

*bzzzzt bzzzzzzzzzt*

Ay teka yung cellphone ko. 

*bzzzzt bzzzzzzzzzt*

Nasaan na ba yun?

*bzzzzt bzzzzzzzzzt*

Di na makapaghintay? Asan na ba kasi yu--- ay eto. Nakita ko na. Nasa ilalim lang pala ng unan. ^______^V

1 new message

"Ericka! Kain na! Bumaba ka na!" si Kuya Jon.

"Wait lang kuya! May ginagawa lang!" 

"Dalian mo baka ma-late ka!" 

To: Ericka

Good morning Ericka! :) How's your sleep? Napanaginipan mo ba ako? Hahaha. :) Have a nice day! Take care ah? Text me if you need me. :)

From: Kei

Siya si Kei. Textmate ko. Bigla na lang kasi binigay nila kuya yung number niya sakin. Sabi nila para daw pag may need ko ng tulong si Kei daw ang i-text ko. Parang pang-apat na kuya kumbaga. 

Nung una nga ayaw ko pa siya i-text. Parang di mapagkakatiwalaan. Pero nung unang bes na kailangan ko talaga ng advice. He helped me. Kaya ayun, lagi ko na siyang tinetext. :)

Sa totoo lang, di ko pa nakikita si Kei sa personal. Ayaw nya magpakita eh. Kahit nga tawag ayaw din niya. Pati daw yung 'Kei' di niya totoong pangalan. Ayaw niyang makilala ko siya. >3<

Teka nga. Bababa muna ako. Baka magalit na naman si kuya.

To: Kei

Good morning din! :) Ayos lang naman tulog ko pero di kita napanaginipan eh. Di ko kasi alam kung gaano ka ka-gwapo. :)) Eh ako ba? Napanaginipan mo siguro ako noh? Hahaha. Joke. :) Have a nice day din at Mag-ingat! :)

From: Ericka

Message Sent!

"kuya! Nasaan sila Kuya Kambal?" 

 I'm pertaining to Kuya Jin and Kuya Jun. ^________^v

"tulog pa! Hayaan mo na yung mga yun. Gurang na yung mga yun."

"mas gurang ka kaya kuya. -_-" 

"di rin. Gwapo ko kaya. Dalian mo na. Pag ako tinamad di na kita ihahatid."

"opo. Eto na po. Kakain na po." 

Gwapo daw? Sus. -___-'

Tapos ayun, kumain na ko at umalis na kami kuya. 20 minutes lang ang biyahe pag naka-kotse. 30 minutes pag trip mong maglakad.

Hey, Can I Fall?Where stories live. Discover now