Shot. 21

16.2K 237 18
                                    

Three more Chapter to go! Keep your Feedbacks and Votes coming for this chapter okay!! Salamat

Rated SPG AHEAD! FELLAS! ENJOY! TRIP KONG LAGYAN NG BS PARA MASAYA!!!! COMMENT KAYO HA??

--

ARIA's POV

Dumating na ang Oras kung saan kelangan ng magpaconfine ni Kai para makapag ready sa operation nya. Kahit na yun pa lang sobra na ang kaba ko. Paano pag hindi na magising si Kai matapos nito. Paano na lang? Alam ko na yung operation na lang yung tanging paraan para hindi na sya atakihin ng sobrang headache nya pero natatakot ako eh, Isang simpleng mali lang..

Mawawala sya sa akin..

Hindi ko kaya..  Aaminin ko na sa pitong taon kahit na kinaya kong mabuhay na wala sya, Siya naman ang naging dahilan para malakas ako. Na ginawa ko to para magbago sya at maging maayos ulit kami.

'Mommy! Mommy! Where is Daddy?" tanong sa akin ni Kailee, lumingon ako sa kanya kanina pa nya hinihintay ang daddy nya na nasa hospital na.

 "Daddy went on a business Tour baby" sabi ko sa kanya, Ayoko naman na sabihin sa kanya na ooperahan ang daddy nya kasi baka atakehin naman sya sa pagaalala.

'baby... is it Okay kung kay Lola ka muna? May kelangan kasing asikasuhin ang Mommy eh.. Two days lang naman na si lola ang magbabantay sayo is it okay?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan ako ni Kailee saka sya ngumiti 'Opo Mommy! Basta pagbalik mo may baby na kayo ni Daddy ha?" tanong nya sa akin. "Mommy! Ang saya saya ko po!" sabi nya sa akin. 

"bakit naman baby?" tanong ko sa kanya.

"Kasi kahit may sakit ako kumpleto tayong tatlo ni Daddy! sana mommy paggaling ko sobrang bati na kayo ni Daddy ha?" pakiusap nya sa akin.

'Magbabati kami ng daddy mo kung gagawin nya ang gusto ko.. Alam kong gagawin nya yun kaya don't worry okay? Magbabati na rin kami" paninigurado ko sa kanya.

Napangiti na lang ako sa kanya. Matapos kong asikasuhin ang mga papeles ni Kailee sa hospital, naghanda na ako para dalawin si Kai, alam kong sinabi ko na hindi ko sya dalawin hanggang sa hindi natatapos ang operation pero hindi ko rin kaya..

Siguro pag ooperahan sya baka hindi na lang ako pupunta hanggang sa hindi pa sya nagigising para naman magising sya. 

---

Pagdating ko sa hospital kung nasaan si Kai. Nakita ko si Alex na binabantayan sya. Nagkekwentuhan silang dalawa at mukhang bati na talaga sila "Akala ko ba hindi mo ako dadalawin?" pambungad sa akin ni Kai ng makita nya.

The Game of Sweet Pleasure [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon