Warning...

37.2K 125 45
                                    

©sheisinlove ♥

Isang 'seer' o nagtataglay ng third eye ang asawa ni Isabelle. May kakayahan itong makita ang future events at meron ding 'significant' ang nakikita ng asawa niya. Bukod dito, totoo na nakakakita ng 'spirit' ang asawa niya. Mga kaluluwang di matahimik.

May usapan silang mag-asawa na sa sandaling makakita ng nakakatakot ang asawa ay ilihim na lang ito sakanya. Likas kasi siyang matatakutin. Pero kapag babala ito para mag-ingat, iyon daw ang dapat nitong ipaalam sa taong yun.

Isang officemate ng kanyang asawa ang nakatakdang ikasal. Excited to the max na ang officemate ni Rodel, ang asawa ni Isabelle, sa kanyang kasal.

One time, sadyang kinorner ni Rodel ang ka-officemate. "Malapit na 'no?"

"Oo nga pare eh. Wag kayong mawawala ng asawa mo ah?"

"Oo naman siyempre. Matanong ko lang... kailan mo ba planong mag-leave sa trabaho, Pare?"

"Ang totoo walang plan na mag-leave ako. Ayos naman na lahat eh. Matagal na kasi namin itong pinaghandaan. Alam mo yon Pare, diba?"

"E, si Cindy?"

"A week before magli-leave na daw siya. Ayaw niya ding mag-leave sana. Sabi ko nang makapag-beauty rest siya. Tama naman ako don diba?" Natawa pa ito.

"Pare, payong kapatid lang to ha. Sabayan mo na si Cindy... a week before mag-leave ka na din. Pahinga ka nalang sa bahay."

Napatitig ito sa kaibigan. Lantad sa ilang kasamahan nito ang kakaibang kapasidad na makakita ng mga bagay at pangyayari. O ang pagkakaroon nito ng third eye.

"Bakit, pare.... may problema ba? Or.. shall I say may magiging problema ba? May nakikita ka ba sa iyong... third eye, ganon?"

Isa ito sa nakakaalam ng katangiang iyon sa kanya.

"Wala pare, suggestion ko lang yun."

"C'mon tol. Aminin mo na... ano talaga ang totoo?"

"Wala nga eh. Para din lang maging relax ka sa araw ng kasal mo, ayaw mo ba nun?"

Ngunit sadyang di binili nito ang alibi niya.

"C'mon tell me the truth. Anong nakikita talaga ng third eye mo? Sabihin mo na Pre."

"Hindi ka naman naniniwala diba?"

Totoo iyon. Kahit alam nitong nagtataglay ng third eye ang kaibigan ay hindi ito bilib sa ganoong bagay.

Nagkibit-balikat ito.

"Okay lang. Ano ba yun?"

"Are you sure gusto mo talagang malaman?"

Napangiti ito.

"See? Tama nga ako... may nakikita ang sabi mo ay third eye mo. Now tell me ano nga ba yon?"

"Pare hindi mo magugustuhan ang maririnig mo."

"So be it."

"Hindi matutuloy ang kasal mo."

Mabilis tumaas ang isang kilay nito. "Talaga? But why?"

"Pare..."

"Tell me... gusto kong malaman."

"Dahil mamamatay ka."

Saglit itong hindi nakaimik. Pagkuwa'y tumawa ito.

"Don't get me wrong pare. Nirerespeto ko ang.. pero sorry, hindi kasi ako naniniwala sa third eye thing eh."

"Just the same, mag-ingat ka pa din."

Iyon ang una't huling babala nito sa kaibigang nakatakdang ikasal. Isang gabi ay nabanggit ito ni Rodel kay Isabelle.

"Pero bakit mo sinabi sa kanya ang totoong dahilan? Alam mo namang hindi siya naniniwala don diba?"

"Pinilit niya ako eh."

"Sana hindi yung totoo ang sinabi mo. Alam mo namang..."

"Parang balewala naman sa kanya eh. Kasi nga hindi siya naniniwala. Ang sakin lang naman ay gusto ko siyang bigyan ng warning para mag-ingat siya. Siyempre ang Diyos pa din ang makapangyarihan sa lahat. Ipagdasal na lang natin siya.

"Hon, sabihin mo nga sakin... ano ang eksaktong nakikita mo? Paano siya..."

"Nagtatanong ka na naman ng ganyan tapos matatakot ka."

"Hindi. Paano mangyayari yun? I mean yung..."

"Car accident. Dead on the spot."

Nangilabot si Isabelle sa narinig.

4 days bago ang nakatakdang araw ng kasal ng ka-officemate ni Rodel, sumabog ang balita sa opisina isang umaga. Naaksidente nga ang officemate nito. Dead on the spot.

Ayon sa police investigation, na lumabas few hours after ng aksidente, sumalpok ang minamanehong kotse ng officemate niya sa isang van na may lamang construction steel. Isang bakal ang tumusok sa gawing dibdib nito. Hindi na nadala pa sa hospital ang biktima at agad ding binawian ng buhay.

Totoo man o hindi ang nakikita ng third eye, walang mawawala kung gagawin ang hinihinging pag-iingat.

The end.

---------------------------------------

Author's Note:

This story wasn't made by me. I just read it while I'm browsing some horror stories. And I want it to share with you guys. I know that some of you had read this story.

Thank you. I hope you like it. :) - © sheisinlove ♥

Tagalog HORROR stories (compilation by dannisinlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon