#12: Elizabeth Villarama

182 9 11
                                    

Choice #12: Elizabeth Villarama

                “Okay, class. Please pass your assignment.”

                Nanlaki ang mga mata ko habang halos sabay-sabay nilang inilabas ang mga assignments nila. Ano’ng assignment? Bakit hindi ko alam? Dumaan ang sabado’t linggong nakanganga lang ako sa kwarto ko, tapos may assignment pala. Masyado ko na sigurong iniisip ‘tong tumatawag sa’kin.

                Habang pinapasa ang mga papel papunta sa unahan, may isang papel na dumaan sa’kin; papel ni Mae. Tiningnan ko ito para malaman kung ano ba ‘yung sinasabi nilang assignment. Drawing. Drawing ng top view ng isang bahay. Oo nga pala, naaalala ko na. Meron ngang sinabi last week, siguro hindi ko lang naisulat sa notebook ko kaya hindi ko naalala. Nakakainis.

                Nakolekta ni Sir Balais lahat ng papel, saka s’ya bumunot ng random sa mga papel para tignan. May isa doon na nakakuha ng kanyang pansin. Binitiwan n’ya ang ibang papeel sa kanyang mesa at iniharap sa klase ang pinakanapansin n’ya.

                “Sino si Ms. Villarama?”

                “Sir!” Nagtaas s’ya ng kamay.

                “Very impressive, Miss.” Walang emosyon sa mukha n’ya. “Ganito ang tamang drawing!”

                Nagpalakpakan ang buong klase. Nakipalakpak din ako nang mahina. Maganda naman kasi talaga, e. Detalyadong detalyado at malinis ang pagkaka-guhit. Expected naman palagi na kapag si Elizabeth ang gumagawa, palaging ganu’n.

                Nang makauwi ako sa bahay, agad kong ibinaba ‘yung bag ko sa gilid ng kama saka kinuha ‘yung binili kong drawing paper, lapis at ruler sa bag. Pwede pa naman daw magpasa bukas kaya gagawa na ako. Sayang din ‘yun.

                “Kring! Kring!”

                Inis kong sinagot ‘yung telepono. “Ganda ng timing, ah.” Buti na lang hindi s’ya nagalit.

                “Regla.”

                “Ha? Ano’ng regla?”

                “Regla.”

                Natatawa ako pero pinipigil ko. “Ano bang--?”

                “Spanish.”

                May naisip ako. Binuksan ko ang laptop ko sa gilid ng study table ko saka nag-type sa Google. “What is Regla in Spanish?” Hindi ko alam kung ano’ng trip n’ya pero wala namang mawawala.

                “Regla in Spanish is Ruler.”

                Kinuha ko ulit ang telepono ko’t nagtanong. “Ano’ng meron sa ruler?”

                “Ano ba ang gamit ng ruler?”

                Kinuha ko ‘yung ruler sa table.  “To measure and create perfect straight lines?”

                “Tingin mo ba palaging perfect at straight ang mga linyang ginagawa ng ruler?”

                “Teka nga, ano bang kalokohan ‘to?”

                “May kinalaman ‘to sa susunod na pamimilian.”

                “Sino?”

                “Si Elizabieth Villarama.”

                Si Elizabeth ay pinalaki bilang isang responsable at perfectionist na babae. Lahat ng gagawin n’ya ay dapat na maganda, dapat na malinis. Hindi pwede ang pwede na. Hindi pwede ang okay lang. At ito ang naging dahilan kung bakit s’ya ang naging presidente ng klase mula pa nu’ng first year. Mula sa pagle-lettering, hanggang sa mga schematic diagrams; mula sa mga isometric hanggang sa paggawa ng visual aids, kailangang maganda at malinis. Kailangang perpekto ang lahat.

                Ngunit sa panahong inaakala n’yang perpekto na ang lahat, biglang dumating si Helena.

                At winasak nito ang halos perpekto at tuwid n’yang buhay.

                “Bakit mo ba ‘ko pinapunta dito?” Nakaupo sila sa isang fast food restaurant, at hindi alam ni Elizabeth kung bakit nga ba s’ya pumunta pa roon. “Kailangan kong umuwi nang maaga.”

                “Wala lang.” Matipid na sagot ni Helena.

                “Anong wala lang? Pinapunta mo ‘ko dito tapos sasabihin mong wala lang?”

                Ngumiti lang ito.

                Ginulong n’ya ang mga mata n’ya saka tumayo. “Sorry, pero hindi na ‘ko magtatagal.” Kinuha n’ya ang mga gamit n’ya saka tumalikod.

                “Sandali!” Hinawakan s’ya nito sa kamay para mapahinto. “Gusto kita.”

                Natulala s’ya.  Hindi n’ya alam ang tamang response. Ngunit may tamang response nga ba? Hindi s’ya makakilos. Bago ito para sa kanya. At hindi n’ya maintindihan kung bakit ito nangyayari.

                Hinarap n’ya si Helena. “Anong sinabi mo?”

                “Sabi ko, gusto kita.”

                “Babae ka, babae ako. Hindi ta—“

                “--Please. Kahit isang chance lang.”

                Hindi n’ya na alam kung ano’ng gagawin. Ayaw n’yang makasakit; ayaw n’yang maging masama sa mata ng ibang tao. Kaya nakita na lamang n’ya ang kanyang sariling nagpapaligaw sa kapwa n’ya babae.

                Hindi naging sila ni Helena, ngunit habang tumatagal, natutunan n’yang mahalin ito. Unti-unti, nabali ang ruler.

                At nang tuluyan na itong nabali, saka s’ya iniwan ng manliligaw.

                Nabalitaan na lang n’ya isang araw na may karelasyon na itong ibang babae. At s’ya naman ang naghabol kahit alam n’yang wala na s’yang mahahabol. Hindi na s’ya ito. Hindi na n’ya kilala maski ang kanyang sarili. Lahat-lahat ng mga tamang bagay na itinatak n’ya sa kanyang isipan mula pa nang bata s’ya ay nabura sa loob lamang ng isang iglap. Isa itong laban sa pagitan ng tama at mali; ng dapat at hindi. At hindi na n’ya alam kung kanino s’ya papanig.

                Ngunit narito ang kanyang mga kaibigan, sa pangunguna ni Norlyn. Pinapaalala sa kanya kung sino s’ya; na s’ya si Elizabeth, isang matalino at halos perpektong babae. Na narito lang sila para punasan ang kanyang mga luha. At sinasabihan s’ya na mali ang ganitong uri ng relasyon

                Ngunit may mali nga ba pagdating sa pag-ibig?

                At ang isasagot n’ya’y wala. Walang mali sa pag-ibig. Kaya’t hanggang ngayo’y narito s’ya.

                Bali-bali at luhaan.

Ang Mga PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon