Cliché

24 2 0
                                    

                   Mamahaling restaurant. Mamahaling pagkain. Mga waiter na nagse-serve sa kanila at ang background music na pinapatugtog gamit ang violin. Isama pa ang mga eleganteng kandila na nakapatong sa lamesa nila, well-arranged kaya naman sobrang kaaya-aya tignan.

                   Isa lang ang masasabi niya ngayon: ang romantic.

                   Habang binubusog ang mga mata niya sa mga nakikita, bigla naman siyang hinawakan sa kaliwang kamay na nakapatong sa table nila ng kaharap niya. Ngumiti siya ng abot-tainga habang puno ng luha ang mga mata.

                   "Jason, y-you don't have to do this." garalgal na sambit niya dito.

                   "Yes I do. I have to. I NEED to. Kahit ano para sa pinakamamahal ko." Ngumiti naman ito ng ubod ng tamis na ikinangiti niya pa lalo.

                   "I love you.." She was out of words. Kaya bulong nalang ang naitugon niya. She was so overwhelmed. Tulo-tuloy na umagos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

                   Naluluha na rin ang lalaki kaya natawa nalang sila. Pinagtitinginan na rin sila ng iba na malapit sa table nila.

                   "Baka akala nila nag-break tayo kasi umiiyak ako. At pinaiyak mo pa ako." natatawang sabi niya habang pinapahiran ang mga luha ng panyo.

                   "Grabe ka. Umiyak din kaya ako. At tsaka hindi kita pinaiyak ah." pagtanggi nito na lalong ikinatawa niya. Naging center of attraction tuloy sila ng sandaling iyon.

                   "Oo kaya! Effort mo rin eh noh?" masiglang tugon niya kahit nanlalabo na ang mga mata dahil sa luha. "Pakshet. Instant celebrity ako nito. Agaw-atensyon eh." Natawa siya sa mga pinagsasasabi niya habang nakatingin sa paligid. Paglingon niya kaharap niya, seryoso itong tumingin sa kanya na may kuntentong ngiti sa mga labi.

                   "I love you too, Mica." Mas lalong naluha siya. Nagkatitigan lang sila ng sandaling iyon, smiling, savoring the moment.

                   "How does it feel na makasama si Jason for a night?" Para siyang nanigas sa kinauupuan niya. Agad siyang napalingon sa nagsalita sa may kanan niya and before she even knew it, may nagbuhos na ng wine sa kanya.

                   "How dare you touch my husband?!" Napatingala siya at unti-unting nanlaki ang mga mata nang mapagtanto kung sino ang ang nagbuhos ng wine sa kanya.

                   "A-alyana..." gulantang niyang sambit sa pangalan nito. Ngumisi lang ito.

                   "Hindi ka pa nakuntento kay Jerome kaya ang asawa ko naman ang nilalandi mo." pagsasalaysay nito. Aangal sana siya ngunit naunahan na siya sa pagsasalita. "Well, I can't blame my husband for being attracted by your beauty. Uh no, hindi sa ganda mo nakuha si Jason. Kasi malandi ka. Kaya you couldn't wait for your boyfriend na umuwi ng Pinas, pumatol ka sa iba. Huh, how pathetic. Hindi ka na nahiya." mahabang litanya nito.

                   "N-no, mali ka nang pag-intindi.." Patuloy sa pagtanggi si Mica sa mga paratang sa kanya nang walang sabi-sabi na hinampas nito ang lamesa.

                   "Tama na Mica. I'm so done with your fucking reasons. Hindi ka ba naaawa sa akin? Of course you won't because all you think of is how you can find a way to see my husband. And I won't let that happen again." galit na galit na sambit nito.

                   "Stop it Alyana! You're making a scene!" galit din na tugon ni Jason.

                   "Well kung ayaw mong gumawa ako nang eksena rito, you better come home with me." mariin nitong tugon. Lumingon muna si Jason sa kanya kaya nginitian lang niya ito. Humakbang na sila paalis nang biglang bumalik si Alyana sa kanya.

                 "May nakalimutan ako," sabay sampal sa kanya. Nagulat pa siya sa nangyari kaya hindi niya napansin na nakaalis na ito.

                 Hindi siya gumalaw pagkatapos siyang sampalin nang bigla nalang siyang nakarinig ng sigaw at pagbasag ng mga baso sabay paghingi ng paumanhin ng isang lalaki na nagpasira sa eksena.

                "Okay, cut muna!" sigaw ng direktor hudyat na magsilapitan ang mga staff sa kanila. Pero ang karamihan ay sa kanya dumiretso.

                   "Miss Skye! Okay lang po ba kayo?! OMG! Ice bag guys dalian niyo! Baka mamaga pa ang mukha ni Miss Skye! Towel na rin!" OA na sigaw ng assistant niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Pati ang director ay lakad-takbong lumapit sa kanya sabay abot ng tubig at bimpo. Napailing nalang siya.

                   "Eto Skye oh, water. Baka nauhaw ka sa scene mo kanina. Wow, kanina, habang nakatingin ako sa'yo, nadala talaga ako! Para ngang maiiyak na ako kanina eh. Pokus na pokus talaga ako sa'yo kanina." Of course it was a lie nang sabihin ng director nila na sa kanya ito nakafocus. Nasulyapan pa nga niya kanina na nakatingin lang ito sa isang extra na nakaupo sa isa sa mga upuan ng restaurant kanina, kasama sa mga iba pang kumain kuno doon at nakangiting-aso lang, may pagnanasa pa yata sa isang teenager na kung i-estimate niya ay halos labinlimang taon ang agwat. Napailing nalang ulit siya.

                 Nag-hysteria naman ang assistant niya nang sabihin niyang nanlalagkit siya sa wine na binuhos ng kontrabida sa kanya.

                 "Are you all dumb?! Sabi ng kailangan ni Miss Skye ng towel eh! Juice colored naii-stress ako!" sabay hawak pa nito sa ulo. Nasiunahan naman sa pagtakbo ang mga tao roon, animo'y nagpapaligsahan sa pagkuha ng tuwalya para sa kanya.

                "Ouch! Hinay-hinay lang please." Napatingin naman siya kay Ellie na sumigaw. Nakita niyang kasalukuyan itong tinutulungan at pinaupo sa sofa ng real-life boyfriend nitong si Lay, ang gumanap na Jason sa teleserye nila.

                "Ang careless kasi. Na-sprain tuloy. Thank God at hindi ka natamaan ng bubog." worried na sambit ng nobyo nito na nagpangiti lang kay Ellie.

                Naawa siya sa katrabaho. Dito kasi ay pinagsisilbihan siya na parang reyna na kahit binuhusan lang ng wine eh para bang nasagasaan siya kung alagaan ng mga tao roon. Asikasong-asikaso siya. Kaya ganoon nalang ang awang naramdaman niya nang lahat sa set ay sa kanya nagsipuntahan habang ang boyfriend lang ni Ellie ang umaasikaso dito. Considering na ito pa ang halos masugatan sa bubog ng wine glasses na nahulog nang nabunggo nito ang waiter habang nagwa-walk out.

                   "I feel you, Ellie. Dati ako 'yung kontrabida, ako 'yung hindi pinapansin, napapabayaan. Pero masuwerte ka, kasi hindi ka pinagkaitan ng pagmamahal at atensyon lang ang wala sa iyo. Ako kasi, both." mahinang bulong nito sa kawalan sabay mapait na ngumiti. Lumapit naman sa kanya ang assistant niya.

                  "Uhm, m-may sinasabi ka po Madam? Baka po uncomfortable na kayo sa suot niyo? Naku just tell me lang so I can get you clothes." nag-aalangang sabi nito. Lihim siyang napairap

                 'Sus. Kukuhanan daw ako ng damit. Eh if I know, uutusan lang niya ang mga inosenteng staff dito na wala ring ibang ginawa kundi sundin ang mga utos niya.' sambit niya sa sarili habang tumitingin sa assistant niyang halos hindi na mapakali na ikinatawa niya ng mahina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Die, Pretty WomanWhere stories live. Discover now