Chapter 2

25 2 0
                                    

                   Lizette's POV

"Bakit ngayon ka lang?" Nag aalalang tanong sa akin ni mama. 7 pm na kase ako nakauwi, dahil nagpractice pa ako sa theatre room kanina. Aba, hindi naman ako papayag na palitan ako ng ibang babae bilang "Julia".

Ramdam na ramdam ko ang pagkabigat ng aking ulo. Pagod lang siguro ito.

"Sorry ma, nag practice pa po kase ako kanina" sabay kamot ko sa aking batok.

"Anak, alam kung ginagawa mo ang lahat para sa scholarship mo. Pero huwag mo naman pabayaan ang sarili mo" sabi ni mama

Bukod sa scholarship ko, sumali talaga ako sa performance arts para makasama ang aking long time crush. At hindi alam ni mama iyon. Si ate Lianne lang at ang aking mga kaibigan ang nakakaalam.

Napaka strict at over protective sa akin ni mama. Iniwan kase kami ni papa nung 6 years old pa lang ako. It turns out, may kabit siya. Sobrang nagalit si mama kay papa. Halos mamatay siya nung mga araw na iyon, dahil sobra rin siyang nagluksa sa pagloloko na ginawa sa kanya ni papa. Pinalayas ni mama si papa, at simula noon hindi na namin siya nakita.

At since si papa lang ang may kaya sa buhay, we end up living here in the squatter's area. Pero kahit na ganito ang buhay namin, hindi ko ikinakahiya ang estado namin sa buhay.

"Sorry po talaga ma. Hindi na po mauulit" nagpasya na lang ako na pumunta sa kwarto upang makapag pahinga.

"Nakakakilig ba?" Ate Lianne came out of no where.

"Ang alin?" Binigyan ko siya ng inosenteng tingin. Wala naman talaga ako ideya sa sinasabi niya.

"Sus, ang dalaga namin nagkukunwari pa" patuksong sabi ni ate Lianne

"Ano ba kasi iyon ate" I can't help but feel curious

"Ang ibig ko sabihin, iyong pag meet niyo ni Jacob kanina" halos mabasag ang eardrums ko sa pagtili ni ate Lianne

"Ate, baka marinig ka ni mama" sinilip ko pa ang labas ng pintuan, upang icheck kung andun si mama. Mahirap na, allergic si mama pagdating sa mga lalaki. At ang nais niya ay ang makapagtapos muna ako ng pag aaral na hindi nagkaka boyfriend.

Pero wala namang masama sa crush di ba?. Paghanga lang naman iyon eh. Sabi nga nila, nasa sa iyo na iyon kung magiging inspiration or distraction siya sa iyo.

In my case, nagsisilbing inspiration sa akin si Jacob kaya mas lalo kung pinag iigihan ang aking pag aaral.

"Sorry, can't help it" kilig na kilig pa si ate Lianne hangang ngayon.

"Ate, si Zeus nga pala?" Tanong ko, trying to change the topic.

"Ayun, kanina pang tulog" sagot niya. Si Zeus ang anak ni ate Lianne.

Flashback:

"Lianne, bakit ka nagsusuka? Buntis ka ba?!" Galit na galit si mama.

Hindi makasagot si ate Lianne dahil iyak siya ng iyak. Kitang kita sa kanyang hitsura ang takot at pangamba.

"Sagutin mo ako!. Buntis ka ba?!" Sigaw ni mama

"O-o-oo!. Buntis ako. Pero hindi ko sinasadya"  mas lalong lumakas ang pag iyak ni ate Lianne

Agad na sinampal ni mama si ate Lianne. Ramdam ko ang sakit na dinaranas ni ate.

"Sino ang ama ng bata?!" Tanong ni mama.

"S-si Yohan po"  takot na sabi ni ate

"Alam ba niya na nabuntis ka niya?!"  Medyo kalmado na si mama ngayon, pero bakas pa rin sa mukha nito ang galit

"Hindi pa po"  iling na sagot ni ate, patuloy pa rin siya sa pag iyak.

"Kaylangan niya panagutan ang ginawa niya sa iyo!" Sigaw ni mama, isasampal na ulit ni mama si ate Lianne, pero bigla kung hinarangan si ate.

"Ma, tama na po"  pagmamakaawa ko.

"Hindi kasi nag iisip iyang ate mo!. Paano na lang ang pag aaral niya?. Ano ang iisipin ng ating mga kapit bahay? Na may anak akong malandi?"  Tinuro niya si ate at binigyan ng nanlilisik na tingin.

"Paano kung hindi ka panagutan ng boyfriend mo?. Paano mo bubuhayin ang batang iyan?" Dagdag na tanong ni mama.

"Mahal po ako ni Yohan. At sigurado po ako na pananagutan niya ako"  sabi ni ate Lianne,  sabay walk out

*end of flashback*

Si Yohan Marquez, ang lalaking nagpatibok sa puso ni ate Lianne. Naging secret ang relationship nilang dalawa, dahil alam ni ate Lianne na tutol si mama sa mga relationships. Gusto kasi ni mama na makapagtapos muna kami ng college bago magka boyfriend.

Flashback:

"Oh asan na ang tatay ng anak mo?"  Agad na tanong ni mama, nung nadatnan niya si ate Lianne na kararating lang

Hindi nakasagot si ate,  nagsimula siyang umiyak.

"Asan?" Tanong ulit ni mama.

Umiling lang si ate Lianne at nagpatuloy sa pag iyak. Namumula na ang kanyang mga mata at halatang problemado siya.

"Anak,anong nangyare?"  Lumapit sa kanya si mama. Kahit ako ay kinakabahan.

"H-hindi n-niya a-ako pa-nanagutan"  sabi ni ate Lianne, at mas lumakas ang pag iyak niya.

"Hindi pwede. Bakit daw?"  Halatang galit na si mama.

"Hindi pa daw siya ready maging ama" sagot ni ate Lianne.

"Duwag siya!. Wala siyang puso!. Ganun na lang iyon?. Pupuntahan ko iyang lalaki mo!" Paalis na sana si mama, kaso pinigilan siya ni ate Lianne.

"Pupunta na siya sa US mamaya" pahabol na sabi ni ate Lianne.

Biglang nanghina si mama. Napa upo na lang siya.

"Ipapalaglag ko na lang ang bata" sabi ni ate Lianne.

Mukhang nagulat si mama sa desisyon ni ate Lianne. " Hindi ako makakapayag sa desisyon mo".

"Tama si mama, ate. Kaya natin buhayin iyong bata"  sabi ko.

Niyakap na lang kami ni ate Lianne. Kaylangan namin magpakatatag, ngayon na kaylangan na kaylangan niya kami. Hindi siya nag iisa.

Nagpapasalamat ako dahil napatawad ni mama si ate Lianne. Pagkatapos manganak ni ate, tumigil na siya sa pag aaral. Simula noon, nagtatrabaho siya sa isang opisina bilang Personal assistant. Si mama naman ay isang taga luto sa kalenderya. At ako naman ay nagtitinda ng mga luto ni mama sa school.

*end of flashback*

"Sige, ate. Matutulog na ako. Goodnight" sabi ko. Pumunta na rin si ate Lianne sa kabilang kwarto para samahan si Zeus sa pagtulog.

Agad ko namang kinuha ang mga libro ko at nagsimulang mag review para sa quiz bukas. Paniguradong mapupuyat ako ulit.

------------------------------------------------------

Note: Thanks for reading my story guys!. Be a FAN. Lovelots!

-Jameela6




The Other GuyWhere stories live. Discover now