Diary~♥ 2

1.3K 19 5
                                    

Dear Bestfriend,

Thank goodness at nakauwi na rin ako. Wala na ang ma-iingay kong kaklase. Peaceful na. ahehe Kaso lagot naman ako dahil hindi ako umattend sa practice namin para sa Field Demonstration. Yung Field Demonstration na yun ay para daw sa Foundation Day ng school. Grabe sasayaw kasi  kami e. Festival dance something siya. Nahihiya ako kasi pang-girly yung sayaw. You know.. basta yun na yun.

-Danie

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mag-iilang weeks na kami sa pagpa-practice para sa field demo at palagi akong nagkwekwento kay Bestfriend and thank goodness wala yung mga ibang classmates ko sa classroom kasi may practice pa sila para dun sa show nila para sa Foundation day. Theater arts yun e.Lagi silang excuse sa klase at dahil nga kakaunti lang kaming mga estudyanteng natira e walang lessons ang mga teacher! yehey! haha.. ang kaso,, halos mga boys lang ang naiwan.. lima lang kaming mga babae naiwan. Ang Masaklap e hindi ko masyadong close yung mga yun. Pero take note haha.. kasama ko si Sane. Ang bestfriend ni Alice. hehe ^__^ mabuti na lang. si Alice kasi kasama dun sa theater arts e.

okay and to say na mga boys nga lang ang makasama dito ano pa ba ang ineexpect ko?? e di walang ibang kung di sandamakmak na pangaasar sakin..

“Danie! Tara na! Kain na tayo lunch na oh.”

“O sige Sane eto na, saglit lang ayusin ko lang to mga libro ko kasi nakakalat alam mo naman pinaglalaruan ng mga boys.”

“Sila nanaman. Hay nakow! Mga wala talagang magawa sa buhay.”

“Mabuti ka pa nga e hindi ka nila inaasar.Ako lang ata.”

“haha wag mong sabihin yan.  Lahat kaya inaasar ng mga yun. haha..hindi mo lang napapansin.”

“Hi Danie!”

“No…no…noel, bakit?”

“wala lang. hehe gusto mo sabay tayo mag-lunch?”

“ha..ha?” o//////o

“sabi ko kung gusto mo sumabay sa’kin maglunch.”

“ah.. sorry kasabay ko si Sane e.”

“Ay ganun ba? Haha sayang hindi kita makakasabay kumain ng spabetty.. hahahaha.. o di kaya carbobetty! Hahaha.. masarap kaya yun.”

“Che! Bahala ka diyan”akala ko pa naman seryoso siya. Haay.. umasa nanaman si ako. Wala talagang pag-asa ang katulad ko.

Tumalikod na ako kay Noel at hinanap si Sane pero.. pero.. bakit wala siya?...

“So? Paano ba yan? Mukhang wala kang kasabay ah?.. Tayo na lang sige na.. haha.”

“ayoko nga. Sanay naman ako mag-isa kumain e.”

“Bahala ka na nga.” At tuluyan na siyang umalis na lumabas ng classroom.

Dug.dug.dug.dug.dug.dug

*sigh* mabuti na lang at umalis na siya at kung hindi e baka magkaheart attack ako. Di joke lang. haha.. paano na lang kaya kung kasabay ko siya kumain di ba? Nosebleed na ako nun.

Siya si crush ko na hindi ko man lang ma-abot dahil hindi niya ako type. gwapo siya, ako? Ewan ko lang. Marami siyang crush at kanino ko nalaman? Kay Alice at Sane. Mga usisera yung mga yun e.

Oo nga pala! Speaking of Sane! Saang lupalop ng lugar pumunta yung babaeng yun at iniwan ako.

 Pumuta ako ng canteen at doon ko nakita ang babaeng yun. aba nauna na talaga siya.

"ay.. haha sorry danie. Nauna na ako e kasi tinawagan ako ni Alice kasi may pinapakuha siya sa'kin e."

"ah okay, apology accepted. I understand haha."

"So, tara na!"

(at house)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dear BFF,

Oh ayan may bago akong tawag sa'yo. ahaha wala lang kinikilig kasi ako e. anong connect? haha ah wala basta! Alam mo ba na niyaya ako ni Noel na sabay daw kami kumain kaso ang masaklap i know naman na joke lang yun. Hindi naman masamang umasa di ba? pero wala talaga e. Alam naman na may iba siyang crush. Imma sleep na. goodnight. zzzzz..

-Danie

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[a/n] note: the pictures that i am using for characters are ulzzang people. It is only used for the imagination of readers. :D

------> Picture of Alice and Sane on the side.

LEFT: ALICE RIGHT: SANE

Diary of A Nerdy Lover ~♥ (Re-Writing/Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon