MBMMP Chapter 1

264 0 0
                                    

“UMALIS KAYO DIYAN!!!” sigaw ko habang hinahabol ang sira ulo kung schoolmate… tinulak ko ang mga taong nakaharang sakin. Kainis naman oh. Dahil break time na crowded na sa hallway kaya hirap mahabol ang baliw na yun…

No choice tumalon na ako sa fence ng school namin para lang mahabol siya. (nakapalda pa ako niyan) makita na ang short ko wag lang siya makatakas…

And

boogsh…

Nang mahabol ko na siya ay hinawakan ko ang likod niya at sapilitan ko siyang pinaharap sabay suntok sa mukha niya. Dinala ko siya sa Dean ng school namin.

Hawak hawak pa rin niya ang pisngi niyang namumula…

“Mr. De Vera, ikaw nanaman ang nagpasimuno nito noh?” tanong ni madam Chavez ( Dean namin).

“Madam it just an accident, hindi ko po sinasadya na mahawakan ang leegs ni Ms. Liton” paliwanag niya.

“anong hindi sinasadya? Matagal mo ng binubusohan ang bestfriend ko at Madam hindi niya lang hinawakan yung leegs ni Fiona yinakap pa niya ito at muntik pa nga niyang halikan, kaya nga umiiyak pa rin si Fiona.” hay chillax lang, inhale exhale. Kung wala lang batas dito sa school ay pinatay ko na ang manyak na to.

“Mr. De Vera kailangan kung kausapin ang mga magulang mo, papuntahin mo sila dito mamayang hapon. For now you may go back to your room” yun lang ang sasabihin ni Dean. Hay naku makakapatay talaga ako ng tao (opps hindi pala tao, mukhang chimpanzee naman pala to kaya animal na lang makakapatay ako ng animal).

Bumalik na ako sa classroom, dahil sa paghabol ko sa chimp na yun hindi na tuloy ako nakapagbreak.

Nakita kung umiiyak pa rin si bessy (ang ganda kasi kaya tuloy madalas manyakin). Pinuntahan ko siya sa upuan niya.

“bessy tahan na.” yinakap niya ako. “wag kang magalala sa susunod na may gumawa sayo nito babalian ko na talaga.

“salamat best ha, mahal na mahal mo talaga ako” inayos na niya ang kanyang sarili at bumalik na ako sa upuan ko.

Pagkatapos ng klase ay pumunta na kami sa canteen para kumain (gutom na gutom na ako). Nagbubulungan nanaman ang mga student kalat nanaman ata yung nagyari. Hay mabilis talaga kumalat ang balita dito sa school marami kasi ang chismosa…

Nang makabili na kami ng pagkain ay naghanap na kami ng table.

“best dun tayo” tinuro ni Fiona yun vacant na table at dun na nga kami umupo. (sa wakas makakakain na rin).

May lumapit sakin na mga babaeng chismosa.

“bilib na ko sayo akalain mo yun sinuntok mo si Mr. De Vera. Galing mo talaga” ngumiti pa sila, syempre ako marunong rin makisama kaya ito nginitian ko rin sila.

Ms. Bitter meets Mr. PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon