Chapter 32

3K 28 3
                                    

Hannah's P.O.V

Nandito kami ngayon sa kotse. Papunta sa Mall >:D< treat dw ni Mommy.

''Nak'' bulong ni Mommy sa tenga ko. hindi ko katabi si John kasi nagmamaneho siya.

''Bakit ma?'' parang ang seryoso naman ni Mommy.

''Sasama ka sakin sa bakasyon'' What?

''Saan ma?''

''Sa Italy. Magtatayo tayo dun ng isa pang shop'' Kaya mas gusto ko na ung dati kung buhay eh, ung simple lang. hindi mahirap, hindi mayaman. pero wala eh, mayaman si lola. at si mama ang nagmana lahat ng ari-arian ni lola. only child kasi si Mommy. Kaya lang kami hindi humihingi ng tulong kay lola kasi ayaw ni lola kay Daddy. 

''Ma.. hindi ko kaya iwan si John''

''So ganun? nagka-love life ka lang, nakalimutan mo nko'' hala? nagtatampo si Mommy?

''Mommy, hindi naman sa ganun'' hindi na siya umimik.

''Sige ma, sasama ako'' tapos niyakap ko siya. Sana pumayag si John.

''Talaga?''

''Opo ma..'' bakas sa labi nya na mas pinili ko siya kesa kay John. Kaya lang.. 2months lang ang bakasyon, hindi malabo na abutan ako dun ng pasukan. Tsk! 

Nakarating na kami sa mall. Pinagbuksan kami ni John ng pintuan samantalang si Tita hindi nya pinagbuksan nagtampo tuloy. Haha! Hangkyuuuuuut. 

Nandito na kami sa Sinehan

''Tita, gusto ko manuod ng Hunger games!!'' Sabi ni Johnna

''Gusto ko ng unang aswang!!'' Sabi ni Tita

''No mommy! I want HUNGER GAMES!!'' Sigaw ni Johnna

''No baby! I want UNANG ASWANG!!'' ginaya pa ni tita kung panu ung boses ni Johnna, tawanan tuloy kami.

''Ganto nalang, kami ni Mommy nyo sa Unang Aswang, Kayo nila ate sa Hunger games. Ok ba yun ha?'' sabi ni Mommy kay Johnna

''Yea..'' Binigyan na ako ni Mommy ng pambili ng ticket, bala kasama ko si John ^O^

Nakabili na kami ng popcorn tsaka drinks pati ticket. pumasok na kami sa loob, good! hindi pa nagsisimula.

Nakahanap na kami ng upuan. ang pwesto namin John-Ako-Johnna

Ayaw ni John igitna si Johnna eh, haha!

''Teka lang hannah, ccr lang ako'' nag-nod naman ako.

''Ate maganda ba yung hinger games?'' 

''Hindi ko pa alam baby eh, hindi ko pa napapanuod e'' ang cute ni Johnna. Excited talaga siya manuod!

''Ah.. Miss may nakaupo?'' tanong ng lalaki sa tabi ko

''Meron''

''Sus miss kunware ka pa, ayaw mo lang ako katabi eh''.. akmang uupo na siya sa upuan ni John

''Pre alam mo ung may nakaupo? o gusto mo englishin ko pa hah?'' hala nandito na si John. hinawakan ko naman ang kamay niya, kasi hindi malayong suntukin nya ito

''Ang yabang mo ah! sorry hindi first come first serve ang sinehan namin!'' namin? it means... sakanila to? Malabo! kay Henry Sy tong mall na to eh

''Nangagarap ka dre?'' sinuntok na ni John ung lalaki. tinakpan ko naman ng kamay ko si Johnna sa mata. kitang kita ko ang pagputok ng labi nung lalaki

''John tama na'' tumayo na ako para pigilan si John. niyakap ko siya, para hindi na siya makakalas pa

''Wow! Bravo! Ganda ng love story na pinapanuod ko oh, Beauty and the Beast'' Akmang susuntukin nnman ni John ung lalaki pero nahawakan ko ung kamao nya

''Pre hindi ko naman sinabi na panget ka e, sadyang mas pogi lang ako'' tapos kinindatan ako nung lalaki, nakita ko padin un kahit madilim. tumayo na yung lalaki tsaka umalis na.

''Masyado kang mainitin'' tapos nilagay ko na si Johnna si gitna, nagpalit kami ng upuan. Ang bilis nya maasar e

''kuya what's happening?'' innocenteng tanong ni Johnna. walang umimik samin kahit isa, at sa wakas nagumpisa na ung movie.

--

''Ang ganda ng movie. ang daming cuuuutteeeee!!'' sabi samin ni Johnna. nakalabas na kami ng sinehan, tumapat kami sa sinehan ng Unang Aswang para hintayin sila Mommy

''My Gorgeous captain, Sorry na hindi ko na uulitin'' sabay hawak niya sa kamay ko

''Ok lang. hindi na talaga mauulit yun'' nginitian nya naman ako, buhat buhat ni John si Johnna, samantalang kami magkaholding hands.

''Ang cute nila mag-asawa''

''Ay kala ko wala pang-asawa si kuya aagawin ko sana kay ate e''

''cute lovers''

''ang ganda nung babae pre!''

''ang pogi nung daddy nya!''

Yan ang mga naririnig namin. Naloka naman ako sa pangalawa, aagawin pa si John sakin? kalbuhin ko siya.

''See... gusto na nila ako maging daddy'' pinalo ko naman si John dun. Parang baliw eh!

''Mommyyyyy!'' tapos binaba ni Johnna si John tapos lumapit si Johnna kay Tita

''Nakakatakot kamo baby!'' kwento ni Tita kay Johnna

''John hiramin ko muna anak ko ah?'' tapos tinanggal ni Mommy ung magkaholding hands naming kamay ni John. T____T ngumiti naman si John, nahahalata nya na siguro na nagseselos sakanya si Mommy. haha!

''Mommy, U jealous?'' umiling naman si Mommy

''No baby, may bibilhin lang ako sayo'' nagwave ng kamay si Mommy kay Tita, mukhang pinag-usapan na nila un sa loob ng sinehan ah.

John's P.O.V

''Nak panu pag umalis si Hannah at pumunta ng ibang bansa?'' anung tanong yan ni Mama? 

''Bakit? aalis ba siya'' umiling naman si Mommy

''Hindi. Nak alam mo yung PANU?'' aba loko tong si Mommy ah. pinopolosopo nko!

''Psh'' Naglakad na kami papunta sa Toy kingdom, yea! toy kingdom -____- dun gusto ni Johnna, bibili daw siya ng malaking spongebob

''Mommy. Gusto ko mas malaki Jan!'' nagulat nman si Mom, kasi ang laki-laki na nung kinuha ng sales lady eh

''Wait Madam'' Sabi nung sales lady. ang ganda at sexy nun ah! OPPPSSS! lagot ako kay Hannah

Maya-maya dumating na ung sales lady. and........... ang laki SOBRA ni spongebob!

''I want that!'' tapos tumatalon pa si Johnna.

''How much?'' tanong ni Mommy sa sales lady

''3,000 madam'' nagulat naman si Mommy sa presyo

''Sige ma hati na tayo'' nginitian naman ako ni Mommy tsaka Johnna.

Pumunta na kami sa cashier, nagbayad na ng gintong spongebob. Nakita ko na din papalapit si Hannah at Si Tita.

Nakabayad na kami. Kumapit sa braso ko si Hannah, Si Mommy naman at Tita ksabay maglakad ni Johnna

''My handsome captain, panu pag pumunta ako sa ibang bansa?'' sabi ni Hannah. sabi na nga ba eh, may possibilidad na pumunta siya dun. Tsk!

''Hindi kita papayagan'' sabi ko ng parang walang alam.

Hindi ko talaga siya papayagan ng walang magandang dahilan, kahit 1 week lang siya dun.. hindi ko siya papayagan...  Mabilis lang ako makamiss.

-------------

Ok ba update ko? :) Comment nyo! XD

When Ms. Captain ball meets Mr. Captain ball (Completed)Where stories live. Discover now