FIL-AM BOYS

28.4K 382 123
                                    

TEASER 

NASA gitna na ako ng basketball court. Nakatayo.

Nakalapag sa tabi ng paanan ko ang isang malaking travelling bag na laman ang mga damit ko.

Sa isang direksyon lang nakapako ang mga mata kong kanina pa nakatulala. Dun sa ring ng basketball. Kung may makakakita sakin ngayon, maraming maglalaro sa isip nila. Anong nangyari dyan? Bakit nasa gitna yan ng court ng hating gabi? Bakit sya nakatulala? Baliw ba yan o takas sa mental? Baka masamang tao?


Gusto kong sumigaw. Gusto kong manuntok ng pader. Gusto kong magwala. Pero wala akong nagawa ni isa sa mga ito. Tumulo na lang yung luha ko.

Nakatingin pa rin ako sa ring ng basketball. Hindi ako natitinag.

Ito na siguro ang pinakamalungkot na sandali ng buhay ko. Sobrang lungkot.

Bigla'y may pumasok sa isip ko, may naalala ko:

Habang mag-isa kong nakaupo, isang matandang lalaki ang lumapit sakin at tumabi sa aking pagkakaupo. Hindi ko siya kilala.


"Alam mo bang maraming hiwaga sa mundo?" sabay bungad niya sakin.


"Ho?"


"Sa mundo pa lang yan, hindi pa kasama ang buong sansinukob."


"Sansinukob?"


"Sansinukob. Universe."


"Teka ho, sino ba kayo at bakit niyo yan sinasabi sakin?"


"Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako. Pero kung bakit ko to sinasabi, simple lang. Sabihin na nating ako ang makakatulong sayo."


"Anong tulong?"


"May isang lihim akong ibabahagi sayo." Sa pagkakataong ito, hindi ko na sinagot pa ng tanong si lolo. Hinayaan ko na siyang magpatuloy magsalita. Siguro para matapos na rin siya. Pwede rin siguro dahil naging medyo interesado ako.



"Iilan lang kaming nakakaalam ng lihim na to. Pero isang lihim rin kung bakit at paano namin ito nalaman."



Tumango lang ako. Pero napaisip ako, anong sikreto naman kaya yun? Inaasahan ko na may mas mahaba pang sasabihin si lolo. Pero sa halip, may inabot lang siya saking maliit na nakatuping papel.


"Ito iho, nakasulat dyan ang link ng website na makapagsasabi ng detalyeng makakatulong sayo."


Pagkatapos umalis agad si lolo.


Tama ba yung narinig ko. Link ng website? Ayus yung matandang yun ah. Nasabi ko na lang sa sarili ko. Ang lakas ng trip. Bakit kasi pinatulan ko pa. Nasira na ata ulo sa katandaan. Bwisit, napahiya ako sa sarili ko. Kamuntikan na kong maniwala.

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now