PASASALAMAT!!!

119K 1.7K 47
                                    

I am finally closing Gypsy and Eugene's story, those who will miss their antics and sweetbitter relationship don't worry. Mababasa niyo pa rin ang lambingan nila sa book 7.

Book 7: TEARS OF MINE

Is the Kissa and Pierce's story.

A preschool teacher with a dark past and lots of insecurities.

A bank tychoon who loves his family more than anybody else.

Isa lang ang gusto ni Kissa at iyon ay mahalin siya ng taong mamahalin din niya as KISSA. Kaso lahat ng lalaking dumadating sa buhay niya ay ang kakambal ang gusto niya, at siya nalang ang hinahabol dahil sa mahirap daw habulin ang kanyang kakambal.

She closed her heart because she doesnt want to feel that pain again.

But it was opened by Mr. Wrong who happens to be in love with Kirra, again. Will Mr. Right come and save her from this heartache? Or will she remain the broken one with a fake smile behind her million tears?

excerpt: (Isa sa mga scenes sa book 7)

                  KULANG pa ang salitang I am bored sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi siya makatulog at sobrang gulo na ng kama niya kung titingnan mo ay parang may nag-oorgy sa loob ng kanyang silid sa sobrang  kalat at gulo ng mga gamit niya. Kaya nga sa halip na magwala sa silid niya ay nagpasya na lang siyang bumangon.

            She slip into her hello kitty slippers and didn’t even bother looking at herself in the mirror. She doesn’t care if may makakakilala man sa kanya dahil naiinis talaga siya sa mundo. She grab her wallet and her keys. Nasa condo siya ngayon, this is her actual place. Nakikitira kasi siya minsan sa kapatid niya o kaya naman sa kaibigan niyang si Gypsy. Since Gypsy went somewhere and she can’t stand staying at Kirra’s ay dito na siya naglalagi.

            Alam niyang nakakatawa ang hitsura niya ngayon. She is wearing an old white shirt na halos hindi na mabasa ang nakaprint sa harap and her green kerokeropi pajamas and of course her hello kitty slippers. Her hair is tied into a messy bun she doesn’t have make up or anything that would make her more appealing. But she likes it this way… she likes herself simple at hindi isa sa membro ng may kayang pamilya na palaging tinitingnan ng mga tao mula sa ibaba.

            Nasa 15th floor siya kaya kailangan niyang gumamit ng elevator upang makababa, alangan namang maghagdan siya mas nakakapagod naman iyon. Pagbaba niya ay agad siyang niyakap ng malamig na simoy ng hangin na nanuot sa bawat kalamnan niya. Grrrrrr… lammiiigg! Pero papatalo ba siya sa lamig?

            Sinuong niya ang lamig at naglakad papunta sa isang malapit na coffee shop na madalas niyang tambayan. She pushed the glass door and once she stepped in she smelt that soothing aroma of the coffees fresh from the pot. Her taste buds are salivating.

            “Good morning maam.” Bati ng mga attendants ng shop.

            Napatingin siya sa malaking relos na nakasabit sa wall ng café. Morning na pala talaga dahil twelve fifteen na ng umaga.

            “Morning,” maiksing bati niya as she made her way to the counter. Tiningnan niya ang listahan ng pwedeng orderin.

            “May I know your order maam?”

            “One caramel macchiato.” She opened her wallet and pulled out some bills. “And two slices of mango cheese cake.”

            Nagpunch in na ang cashier ng orders niya and then asked for the payment. Habang naghahantay na maibigay ang orders niya ay naghanap siya ng pwedeng mapagpwestuhan and saw her favorite spot in this shop. She is leaning the glass wall as she look at the empty parking lot na walang halos laman. Ang kalsada din ay sobrang tahimik dahil sa walang dumadaang tao doon some of them probably nasa sariling mga bahay at natutulog na.

            Itinaas niya ang kanyang mga binti sa upuan hanggang sa magkalebel na ang tuhod niya at ang kanyang baba. She hugged her knees as she roam her around the entire café. Akala niya ay siya lang ang customer at gising ngayong araw na ito hindi pala. May mangilan-ngilan ding customers sa café and some of them are in pairs at naglalambingan. And the only customer na mag-isa lang din ay ang isang babae na abala sa pagtitipa ng mabilis sa laptop nito.

            Napailing siya at ibinaling ang pansin sa labas. Nagtaas pa nga siya ng kilay dahil kung kanina ay wala ni isang sasakyan sa labas ng café ay ngayon meron ng nakapark. Naamaze naman daw siya kunwari sa magandang sasakyan na nasa labas ngayon. Hindi siya pamilyar sa mga sasakyan but may dalawa siyang pinsan na parehng lalaki na mahilig sa sasakyan and saw this one sa collection nina Gin at ng kanyang kuya Cash.

            The owner must be really rich parang nacurious siya sa may-ari ng sasakyan and as an answer ay may bumukas ng kotse at iniluwa ang isang nakatalikod na lalaki. May hawak itong cellphone and her eyes immediately give the poor guy a quick assessment. He is wearing a blue shirt that hugs his masculine back really well. Sa bawat galaw ng lalaki ay kumikilos din ang mga muscles nito sa likod and that leaves her speechless.

            Bumaba ang mga mata niya sa back nito, such a sexy back. The jeans he is wearing hangs sinfully on his waist and he does have a sexy behind mahihiya si Ian Somerhalder dito eh. Oh Geez! She is openly checkin… mali dahil maganda siya kaya dapat iba ang adjectives na gagamitin niya… she is openly admiring the piece of meat standing outside with his back facing her.

            “Humarap ka please.” Lihim na usal niya and as response… ang bait ni Lord… unti-unting humarap sa kanya ang lalaki---.

------------ thanks for reading!

THANK YOU VERY MUCH, Hope to see you sa next book!!1

STATUS UPDATE: Book 6 Just the way you are  is finally signing off! BYE!

🎉 Tapos mo nang basahin ang Royale Series 6: JUST THE WAY YOU ARE (COMPLETED) 🎉
Royale Series 6: JUST THE WAY YOU ARE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon