Chapter One

2 1 0
                                    

"Babye Freya!" paalam ng aking kaibigan na si Frostee.

"Bye Frostee, Bye Guys!" I waved and gave them a flying kiss.

Sobrang nakakagutom at dahil favorite ko ang Chillz sa MiniStop, I decided to go there. Walking distance lang naman.

I think wala na akong mauupuan. Sobrang dami ng tao sa labas palang.

Pagpasok ko buti nalang mayroon pang isang table with one chair.Eksaktong eksakto for me.

So, I put my bag on the chair and walk into the counter.

"Isa pong Chillz yung big size at 3 Kariman Chocolate" I ordered.

"Php 70.00 Ma'am" the staff said.I gave her my payment. At tumabi ako sa gilid para intayin yung order ko.

Nagtataka ako kase hindi binigay sakin yung resibo ko.

When I was waiting for my ordered I take a selfie and send it to our groupchat with a caption of 'atm'.

After 5 minutes wala parin yung order ko."Uhm. Ate yung Chillz ko po?" I asked.

"Um-order ka ba?" she asked.

"Yes po." I answered. Yung facial expression niya parang nagda-doubt.

Tapos the heck tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Parang nagdududa kung um-order talaga ako.

Ibang iba yung tingin niya lalo na at naka school uniform ako. Yung school kase namin sobrang sikat, to the point na sikat sa dami ng kalokohan and troubles.

Magnakumlawde kuno' it means school ng mga magnanakaw.School ng mga palaaway, mga palengkera, walang modo.

All the negative andun na.

And everytime na pumunta ka sa ibat ibang malls and stores suot ang uniform namin iba yung tingin kase nga public lang.

"Ah wait lang." sabi nung staff.

"Bakit kase di binibigay yung resibo" I whispered. Sobrang nakakainis. Binigay niya yung order ko ng medyo padabog.Na siyang lalo kong ikinainis. Maglalakad na sana ako papunta sa table ko ng biglang magsalita yung babae.

"Ilan gang resibo ang gusto. Tatlo? Bigye nga ng madaming resibo yan" pagpaparinig niya. At dahil nagpanting na yung tenga ko. Di ko mapigiling di mapaimik.

"Excuse me po. Kung minamasama niyo ang paghingi ko ng resibo, karapatan ko na humingi talaga. kase po as a costumer niyo, yun ang patunay na bumili talaga ako ng produkto niyo at binayaran ko. Edi sana kung binigay niyo yung resibo edi hindi kayo tumitingin ng ganyan kasasama na parang nagsisisnungaling ako!" walang tigil na sabi ko.

Sobrang nakakainis yung staff na yun. Nawala na ako sa mood kumain kaya naman kinuha ko na agad ang bag ko at umalis.

Super nakakayamot lang sa mga tao this generation na ang dali dali nilang magjudge.

Hindi naman porke may nagnakaw or may gumawa ng kalokokhan sa isa sa mga estudyante sa school namin ay lahat ganun na.

Well, hindi lang sa ganon kilala ang School namin syempre kilala rin kami sa pagiging magaling sa acads.Kaya wag nilang mamaliit maliit kami.

When I was walking papunta sa sakayan ng jeep, naramdaman kong di ko dala ang staedtler ko. "Shit naman oh" I silently told to myself.Naiwan ko sa MiniStop. Nandun pa naman nakalagay ang mga gamit ko for drafting.

Nagdadalwang isip ako kung babalikan ko ba ito o hindi. Ano bang dapat kong gawin. Eh naman kase bat ang shunga shunga ko.

"Ateeeeeee!" lumingon ako sa likod ko at nakita ko yung lalaking taga St. Claire.

Hawak hawak niya yung staedtler ko.

"Naiwan mo kanina. Buti nalang naabutan kita" sabi nung lalaki at iniabot na sakin ang aking staedtler."Thankyou po" sabi ko.

"Welcome. Ingat" sabi niya. Ngumiti nalang ako at pumara na ng jeep. Buti nalang talaga.

Pagdating sa bahay, ibinaba ko na ang aking gamit at nagpalit ng pambahay. Habang naggagawa ako ng one point perspective biglang pumasok sa bahay ang pinsan ko.

"Aba Freya pede ka na palang mag- architect. Kaganda e." pamumuri nito sa aking gawa. "Hermp. Wag ka ngang ganyan kuya kapanget nga." sabi ko.

"Nga pala nasan ang iyong soon to be wife? bakit di mo kasama?" tanong ko.

"Di naman dapat palagi kaming magkasama diba." sabi naman nito. "Sabagay" mahinang sabi ko.

"Kukunin nga pala namin ikaw na abay sa kasal namin. Nasabi ko na sa tita" pahayag nito.

"Eh? Ba nga naman tuloy na tuloy na talaga" pagbibiro ko.

"Syempre naman." pagmamalaki nito.

"Buti nalang pumayag na magpakasal sayo si Ate Faith eh sakit ka non sa ulo lagi hahaha" natatawa kong sabi. "Syempre gwapo ito eh" pagmamayabang ni kuya at sabay pose ng pogi sign.

Sobrang fan talaga ako ng dalwang yun. Kahit na laging sakit sa ulo ni Ate Faith si Kuya Paul mahal mahal niya yun.

At ang galing lang kase after 7 years magpapakasal na sila.

How I wish na sana ganun rin mangyari sa lovelife ko. Nang matapos kong gawin ang aking assignment sa Drafting, niligpit ko na ito at kinuha ang aking cellphone.

Nagbukas ako ng facebook. At nagulat ako dahil nagsent ng friend request sakin yung lalaking nagbigay nung staedtler ko.

"How did he find my account?" tanong na nabubuo sa aking isipan.

At dahil wala namang masama sa pag-accept. Pinindot ko ang 'accept'. Atsaka wala naman akong dapat isipin, in-add lang naman ako.

Ang ingay ingay naman ng messenger ko. Kakatamad magchat kaya naman turn off chat muna. Kaingay na naman sa aming GC. Nakaweeds na naman yata ang mga yon.

May update na kaya sa JTS? Tanong ko sa aking sarili. Ganon talaga mahilig kong tanungin ang sarili ko.

Binuksan ko ang wattpad at yes may notif! Sana update na to. At dahil mabait akong bata meron nga.

Habang nagbabasa, tinawag ako ng aking nanay para sa hapunan.

"Freya kakain na" sigaw nito mula sa kusina. Ngunit para lang hangin na dumaan sa aking tenga ang sigaw ni Mama.

Nagtalukbong ako ng kumot para magpanggap na tulog. Habang nakatalukbong ng kumot nakakapagbasa ako hihihi.

Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko at feeling ko ay nanay ko yun. Kaya naman pinatay ko muna yung phone ko at dahan dahan pinikit ko ang mata ko.

"Hay nako, tulog na agad" rinig kong sabi ni mama.

Narinig ko naman ang biglang pagsarado ng pinto. Nakaalis na siguro ang mama. Tinanggal ko na ang kumot at nagulat ako ng makita ako ni mama na gising pa. Nakatayo pala siya sa gilid.

"Sabi ko na nga ba eh, nagtutulog tulogan ka na naman!" galit na sabi nito

"Hahahaha. Eh mama hehe. tara na kumain" sabi ko dito ng natatawa.

Endless LoveWhere stories live. Discover now