Chapter 4

11K 187 23
                                    



[RATED SPG!!!!]

LOIS' POV

Maganda ang gising ko kanina dahil nagising ako ng nakayakap saakin di Trevor. Di ko alam pero para akong dalaga na napansin ng lalaki. Sobrang saya ko. Pero nawala lahat ng yon dahil sa pagtabig ni Trevor sa soup na niluto ko na para siyang nangdidiri. Tapos di niya man lang ako tinulungan sa pag kuha ng bubog. At dinabugan ako nung pumasok siya sa banyo.

"Magayos ka. Mamayang gabi lalabas tayo kasama mga kaibigan ko. Gusto ko magbihis ka ng maayos. Yung descent tignan. Ayoko ng litaw ang kaluluwa mo." Sabi saakin ni Trevor pagkalabas na pagkalabas niya sa banyo. Hindi ko alam kung bakit ngayon palang ay kumikilos na siya. Pero excited na ako kasi nung kasal pa namin ni Trevor ang huling kita namin ng mga kaibigan niya.

"Bakit? What's the catch?" Humarap naman sakin si Trevor ng nakakunot ang noo.

"Wag ka nang makulit at matanong. Basta mag ayos ka mamaya." Tumango nalang ako at hindi nagsalita. Ayoko kasi pati to pag awayan pa namin.

Naka pambahay lang naman ang suot niya pero lumabas siya at pumunta dun sa library na dala dala ang loptop.

Naiwan ako mag isa sa kwarto. Napaigtad nalang ako ng narinig ko ang cellphone niya na nagriring.

+639170303033 calling...

Sino naman to? Napa kunot ako ng noo at pinindot naman yung answer button.

[Hello? Trevor?] sabi sa kabilang linya. Di ko alam pero naiinis ako. Boses kasi ng babae ang naririnig ko.

[Hey! I miss you. Kelan tayo magkikita ulit? Di mo sinasagot tawag at texts ko. And please next time pag pumunta ka dito dala ka foods and some protection. I don't want to get pregnant eh. You know, gusto ko pa matapos ang pagaaral ko. I don't want to miss the opportunity isang taon nalang. S---] I cut her off by ending the call.

Lalabas na ako para puntahan si Trevor sa library. Hawak hawak ko na yung door knob ng nagulat ako dahil hindi siya nakasara at paglaki ko ng buka ng pinto ay nandun si Trevor sa labas, he's leaning on the wall.

"Who told you to touch my phone?" He said in low but dangerous tone.

"Hindi mo ba nababasa yung lock screen wallpaper ko? Ako ang magbabasa sayo." Hinablot niya ang phone niya saakin.

Itinapat niya ang phone niya sakin. "Do not touch my phone! Ayan ang lock screen wallpaper ko. Ang laki laki tapos di mo mabasa?!" Sabi niya emphasizing 'do not touch my phone' thingy.

"Come closer." Sabi niya. Kinilabutan ako sa pananalita niya. Ako naman tong tatanga-tanga, lumapit pa lalo.

My eyes widened at Nagulat nalang ako ng sinampal niya ako. "Simpleng panuto Lois, di mo masunod." Napahaplos naman ako sa pisngi ko na sinampal niya.

"But I wa----" I was cut off because he slapped me again on the other cheek.

"Don't. Talk. Back!" Madiin na sabi niya. After that he walked away and left me there dumbfounded.

Pagtapos nun ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pagluluto ng lunch. Magluluto ako ng chicken curry kasi isa yon sa mga paborito ni Trevor.

Di ko naman ugali ang mangielam ng phone ng iba pero iba ang kutob ko kanina kaya ayun sa di inaasahan ay kinuha at sinagot ko ang tawag.

Pero di ko talaga maiwasan maiyak. Una, dahil wala akong idea kung sino yung babae at ano ang mga sinasabi niya. Pangalawa, ako dapat ang magalit at manakit. Dahil ako yung nasasaktan, naloko at biktima dito. Pero wala. Siya pa ang may ganang manakit.

The Devirginizer's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon