Si Telma ang babaeng Puta

spinner.gif

Ako si Telma, ang tawag ng ibang tao sakin ay isang babaeng mababa ang lipad o kaya naman ay isang puta.

Marami na akong nakatalik na lalaki, karamihan dito eh mas matatanda sakin ng sampu hanggang labinlimang taon. Dahil sa hirap ng buhay, hindi ko na alam ang gagawin ko kaya ako napasok sa ganitong trabaho.

Ulila na ako, naiwan na lang ako sa bahay ng yumao kong ama at ina, ako na lang ang nagbabantay, binibisita ako minsan ng Tito ko sa aming bahay, minsan naman si Tita para kamustahin kung kamusta na ang lagay ko.

Buntis ako.. Oo buntis„ ang mahirap dito sa rami ng nakatalik ko hindi ko alam kung sino ang tatay. Natatakot ako na wala akong maihaharap na tatay paglabas nitong anak ko.

Naisip ko ipalaglag ito dati, pero naawa ako, ayaw kong balubagin ako ng konsensya ko, bubuhayin ko ang anak ko kahit anong mangyari, papatunayan ko sa kanya na sa likod ng pagkapalpak ko sa buhay, eh magagawa ko siyang buhayin kahit wala siyang ama. Pero swerte ko na lang din kung walang mananamantala sa akin at tatanggapin ang buong ako ng walang hinihinging kapalit.

Simula ng nalaman ko ang kalagayan ko, itinigil ko na ang trabaho ko, umutang na lang ako ng puhunan para makapagtayo ng kwek-kwekan dito sa harap ng bahay namin na may kasamang palamig.

Mahirap ang buhay, pero kailangan ko itong labanan. Napakaraming balakid diyan pero kailangan kong gupitin ang mga balakid na iyon, kung hindi gugupitin susubukan kong talunin. Basta kailangan maiahon ko ang sarili ko sa hirap at mapag-aral ang anak ko sa tamang panahon..

Itutuloy…

Comments & Reviews (80)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended