Mister Twelve Thirty Four.

16.1K 793 155
                                    

Para number din yung title. Naisip ko yung kantang 1,2,3,4.. 

Continuation 'to ng Miss 12:51 (Click external link for Miss 12:51). Salamat sa mga nagustuhan yun. And since maraming nagrequest, eto na.. Haha. Sorry medyo mabilis ang phasing. Sana okay pa rin 'to sa inyo kahit papano.


Follow me on twitter: @erinxdizon :)


Miss Twelve Fifty One Part Two.

_______________________________________________________________________

GAB'S POV.

Busy akong naglalaro ng PS3 habang bakasyon. Kakasembreak lang kasi namin at eto, petiks petiks lang.

"Uy pre!" Sigaw ni Ruwi pagpasok niya sa bahay kasama si Mico. Manggugulo na naman 'to.

"O?"

"Nakita namin si Miss 1251!" Excited na sabi ni Mico.

"Oo pre, kaso akala ko single yun? Bakit may kasama?" Nang-aasar na tanong ni Ruwi.

"Ulul."

"Seryoso! Diba tol? Parang seryoso nga yung pinaguusapan eh. Puntahan mo na! Baka andun pa sila." Pambubuyo pa ni Ruwi.

"Bakit ko naman pupuntahan?"

"Kasi patay na patay ka dun." Sagot ni Mico at nakiagaw sa PS3.

"Dun ka nga! Naglalaro eh. Tsaka, hindi ako patay na patay dun noh. Ano ako, double dead?"

"Korni mo, dre." Binato naman ako ni Ruwi ng unan.

"Diba close na kayo? Nagdedate nga kayo minsan eh. Tapos magkachat pa kayo gabi gabi. Lalo na ngayong sembreak." Dagdag pa ni Ruwi.

"Gago. Gabi gabi ka dyan."

"Eh ano?"

"Araw gabi lang." Nakangisi kong sagot. Binatukan lang naman ako nilang dalawa.

Ang kapal ng mukha ng mga 'to, sila na nga 'tong bisita sila pa nambubugbog sa akin.

Ang totoo, alam ko naman kasing lumabas si Miss 1251 ngayon.  Este si Kaye.

Wag kayong maniwala na nagdedate kami minsan minsan kay Ruwi.

Kasi ang totoo, madalas yun. Araw araw.

Hahahahaha! Joke lang. Syempre lagi ko siyang hinihintay after class tapos hinahatid ko sa dorm niya. Para sa akin pag magkasama kami, date na yun eh.

Chance ko na yun para dumamoves.

Pero deh joke lang, syempre pakipot muna ako. Matext nga yun, baka ipagpalit ako.

"To: Miss 1251 <3"

Oh diba, may puso pa talaga? Tinamaan ako eh.

Nakakabakla pala pag inlove noh?

"Miss 1251, nakita ka ng mga tropa ko. Buti pa sila nakita ka. Wag mo kong ipagpalit ha?" Haha, kapal ng mukha. Pero ganun talaga, para-paraan lang.

"Reply from: Miss 1251 <3

Sila yata yung nag-hi sa akin tapos nagsabing isusumbong ako sayo. Kapal mo talaga. Aalis na ko mamaya."

Mister Twelve Thirty Four (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon