Chapter 5

14 2 0
                                    

Crying Pride

Nang makarating ako sa aking kwarto,doon ko lahat ibinuhos ang aking hinanakit.

Biglang dumating si mommy.

"Ady, what did you do? Anak... Hindi mo sila nirespeto."

Humikbi ako.

"Respeto!? Ako ba binigyan niyo ko ng respeto?"

"Ady, eto ang makabubuti sa ating lahat." Aniya

"Makabubuti? O para sa kompanya niyo lang!? You're so desperate, ultimong anak ninyo parang binebenta niyo na, for sure ikaw lang may gusto nito! For some reasons pinilit niyo lang si Dad na ipakasal niyo ko sa lalaking iyon!" Ewan ko ba, kung bakit ko ba nailuwa lahat ng mga salita na yan sa harap ng aking ina.

At naramdaman ko na lang na may dumapong kamay sa aking pisngi.
Alam kong galing kay mommy yon, but i know i deserved this dahil pinagsalitaan ko siya ng masama.

"How dare you to say that! Pinapalamon ka namin, parang wala kang utang na loob sa sinabi mo! Hindi ka namin pinalaki ng ganyan Ady para lang sabihin mo sakin yan ng harap-harapan." Aniya at nakita kong maluha-luha ang kanyang mata.

Shit ka talaga Ady!

"I'm so sorry Mom." Paumanhin ko habang umiiyak pa rin.

"Thalia! Give her some space." Namalayan ko na nakapasok na din pala si daddy sa aking kwarto

At naglakad palabas ang aking ina habang pinupunasan ng marahan ang kanyang luha. Feeling ko tuloy ang sama kong anak. Hay.

"Sige anak, just rest. Alam kong pagod ka." Dad said with a smile then ako nalang mag-isa sa aking kwarto.

Seeing my mom in tears after i say awful words to her. It hurts like hell. Kainis ka Ady bakit mo pa kasi nasabi iyon!

-------------------------------------------------

Kinabukasan.
It's monday. As it same routine.
Pagkadating ko sa opisina, nakatingin lahat sa akin ang mga nag ta-trabaho roon.

Then I saw my secretary Rita walking closer to me. Para siyang natataranta.

"M-miss Ady." Nauutal na sabi niya.

"Yes? You look nervous."

"Uhm, si Mr. Randall po kasi hanap po kayo."Aniya

Aba! Bat may demonyo kayong pinapasok dito!? Pero syempre joke lang yun. Umayos ka Ady!

"Oh? Tapos, ano?" I said lazily

HA-HA as if naman matataranta ako tulad ninyo! Sino ba siya!?

"Kasi po hinahanap ka niya." Aniya

Ano naman bang balak nun at hinahanap ako. Ah basta! Hahayaan ko lang siyang maghanap sa akin. Akala niya ah.

"Puntahan niyo na po siya Ma'am." Sabi niya

Aba't inuutusan pa talaga ako!

"Bakit ko naman siya pupuntahan?" Inis kong tanong.

"Kasi po fiance niyo po siya?" Iritang tanong niya pabalik sa akin.

Naku! Baka naman, ipapatigil niya na yung kasal? Baka cancel na? Ohmygad Ady!

Ng walang ano-anoy nilagpasan ko si Rita at nakita ko pang nabigla siya sa inasta ko nung nakita niyang tumakbo ako, papunta sa aking opisina.

Nang pagkabukas ko sa pintuan ng aking opisina. Nakita ko siyang nakaupo sa aking swivel chair, habang hawak ang kanyang labi at malalim ang iniisip. Tila hindi niya napansing may pumasok kaya, tumikhim ako.

At napalingon siya sa akin at para bang nabigla.

Bigla siyang tumayo "Your here.." Aniya

Tinitigan ko lang siya.

Tumingin siya sa kanyang relo at ibinaling sa akin ang tingin.
"You're 20 minutes late." Aniya

Aba ang gago! Sino ba siya! Tell me sino ba! Woah kaloka. Chill Ady chill.

"So ano gusto mo gawin ko?"

"Your Mom called me, and yeah your office is now mine. But don't yah worry, hindi ka pa naman matatanggalan ng trabaho. May pwesto ka pa naman dito, yun nga lang sa mga cub na kung saan makakasama mo ang mga empleyado dito." Aniya na ikinagulat ko.

"What!? Do you mean na hindi na dito ang pwesto ko?" Pagtatama ko ulit.

At ng tinignan ko ang pangalan na nakalagay sa mesa. Hindi nga ako nagkaka mali siya na ang may ari nitong pwesto ko.

Dashwell Magnus F. Randall

"Ah, i guest hindi pa sinabi sayo ni Tita?" Aniya

Namuo ang luha ko, si mommy pala ang may pakana nito. Tinanggalan niya ko ng pwesto para lang mapapayag ako. But hindi ako papayag sa gusto niya. Strong ka Ady STRONG. Sinasabi ko sa isip ko. Pero ang mga walanghiyang letcheng luha ko ay kusang tumulo.

"There is something wrong Ady? Bakit ka umiiyak?" Aniya

First time niyang binanggit ang pangalan ko wow.

"Ah? Luha? Hindi! Tears of joy 'to dahil wala nakong trabaho! Wala ng lecheng stress sa buhay ko!" Sigaw ko sakanya na ikinabigla naman niya.

"Wait may trabaho ka pa naman, yun nga lang--" Hindi ko na ipinatuloy ang kanyang sinabi.

At lumabas na lamang ako sa opisina. At tuloy tuloy nalang akong nag lakad habang lumuluha. Wala akong pake kung may makakakita man sakin. Kung ano man isipin nila. Wala akong pakielam kung bakit nila nakikitang umiiyak ang may-ari ng kumpanyang ito! Pero ang iisipin ko nalang ngayon, kung bakit nagawa iyon ng aking ina.

Well call me hyperbole or some O.A pero masakit pa rin na tanggalin niya ng sariling pwesto ang kanyang sariling anak.

Ano ka ba Ady! Stop crying, pride nalang ang meron mo! Lunukin mo at taasan mo pa ang pride mo please.

I know masamang taasan ang pride. Pero ano bang magagawa ko? Eto nalang ang makakapitan ko para hindi ako mag mukhang nasasaktan.




Ano na guys? Huhu. Comment naman kayo or vote please! I'm begging you! Charot haha.
Pero seryoso guys. Paramdam naman kayo. Desperada na oo! Add niyo naman sa library niyo hahaha <3

THANKYOU!

Spousal With YouWhere stories live. Discover now