50. Trap of Fate

3K 105 21
                                    

"It hurts when something good ends, but it hurts even more if you cling to it, knowing that its not there."

🌻🌻🌻

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Pero hindi ko din maiwasang mamangha sa nakikita ko.

Ang linis ng paligid. Sobrang tahimik ng lugar. Nilibot ko ang aking mga mata at may nakita akong isang hagdan.

Hindi ko alam pero may nag-uudyok sa'kin na umakyat sa hagdan na 'yon. Humakbang ako ng isa. Maingat ako habang umaakyat dito.

Patuloy pa din ako sa pag-akyat. Bawat pagtapak ng mga paa ko ay ramdam ang kaginhawaan sa aking puso.

"Heaven Agatha.."

Napalingon ako sa tumawag ng aking pangalan. 'Di ko namalayan na sa bawat paghakbang ko ay nakarating na pala ako sa tuktok.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napaluha din ako dahil sa saya na nadama. Totoo ba talaga ang nangyayari ngayon? Nasa harap ko talaga siya?

"Papa.."

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Sobrang higpit ng pagkakayakap ko. Alam ng Diyos kung gaano ko siya namiss.

"Pa, namiss kita!"

"Ako din anak, lubos akong naliligayahan at nakita kita."

Humiwalay siya ng yakap sa'kin. Pinunasan niya din ang luha mula sa mga mata ko.

"Ako man ay nasisiyahan sa pagpunta mo dito, pero labis akong nagtataka. Handa ka na ba talaga?"

Naguluhan ako sa sinasabi niya. Anong handa na? Para saan ako maghahanda?

"Wala ka bang naaalala?"

Tumango ako. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.

"Anak, nawalan ka ng malay habang nasa iyong bisig ang isang binata. Maraming sugat at pasa ang 'yong natamo, kabilang na pati ang mga kaibigan mo. Ngayon tatanungin kita, handa ka na bang sumama sa'kin?"

"Opo, handa na ako."

Matamis niya akong nginitian. Nagbukas ang higanteng gate na kulay puti. May isang hagdan kaming tatahakin bago makarating sa pupuntahan.

Ang hindi ko lamang maintindihan, bakit bawat paghakbang ko ay unti-unting bumibigat ang loob ko?

"Anak, may problema ba?"

"W-Wala po."

Kasama ko ang aking papa, pero bakit pakiramdam ko ay may kulang? Hindi kumpleto ang pagkatao ko at hindi ko alam kung bakit.

Huminto kami ni papa sa paglalakad. Napatingin naman ako dahil sa kanyang ginawa.

"Nararamdaman kong hindi ka pa handa. Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mong sumama sa'kin."

Nagulat ako nang biglang may isang hologram ng ala-ala ko ang nakita kong nakalutang sa ere. Tila ba nagfa-flashback ang lahat ng nangyayari, pati na din ang mga pangyayari sa kasalukuyan.

Heaven's Last Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now