Chapter 1

159 2 0
                                    


Nash Pov

"Ano na? Tutunganga nalang ba tayo dito?" Reklamo ni John

"Pwede ba John? Para ka namang hindi lalaki. Alam mo namang mahinhin yung mga girls na yun." Sabi ko

" Mag iisang oras na tayong naghihi--

"Hi guys sorry nalate kami traffic e" sabi ni Mika at nagpupunas pa ng pawis.

"Tara na? Excited na akong mag PE ngayon" sabi ni Alexa at oo PE day namin ngayon at makikita nanaman ulit namin ang mga matatalino pa kesa sa amin. Hays section 1-B kami at ang rival section naman ay 1-A. Pero we are friends.

"Guys makikita ko kaya sya? Grabe parang feeling ko nababakla na ako" namumulang sabi ni Brace

"Alam mo matagal mo nang sinasabi yan. Pero sino ba talaga yang babae na yan? Baka mas maganda pa yung crush ko dyan!" pagmamayabang ni Joaquin

"Ang hangin mo! Tingnan lang natin!" Sabi naman ni Brace

"Guys awat na mamaya na yan." Pagsasaway ni Grae

"We are heeeeeeeere" sigaw ni Sophia

" Ang ingay haaaaays" bagot ng katabi kong kanina pang tahimik ang bestfriend ko si Jai.
Umiling nalang ako

"Goodmorning class so I think kompleto na tayo. So are you ready?" Tanong ni Sir Gab teacher namin sa PE

"Yeeeeees" sigaw naming lahat.

"Sir ano po ba ang pe natin ngayon? About what?" Tanong ni alexa kay sor Gab

"Volleyball at may magtuturo sa inyo" sagot ni Sir Gab at lahat naging mas excited dahil makakasama namin ang ibang section

-----
"Okay class be ready. So nabigay ko na ang teams blue team and red team Go with your teams now" sabi ni sir namin every teams may 15 members

Kateam ko sina Alexa, Mika, Andre, Jai and Grae nasa Blue team kami. Sa ibang team sila Sophia, John, Brace, Joaquin and Kobi.

"Kompleto na kayo?" Tanong sa amin ni Sir Gab

"Sir kulang po ka---"

"I am really sorry Sir Gab. Unexpected person came." Sabi ng babae

"Bagong student?" Tanong ni Alexa kay Josh from Section 1-A

"Yes, sobrang bait ,sobrang ganda at pwede nang palitan si Alice sa pagiging muse." Sabi ni Josh

"A.K.A Dyosa ng buhay ng mga boys sa 1-A" nakangiting sabat ng gf ni Josh si Barbs

"Exactly." Sagot naman ni Josh

"Okay guys, students from 1-B this is Sharlene San Pedro at sya ang magtuturo sa inyo and Shar you'll be on the red team." Sabi ni sir Gab sa kanya at ngumiti sya.

"Yes sir" pumunta sya sa grupo nya at nakipagkilala.

"Baka matunaw" sabi ni Jai saken

"Crush mo?" Biglang sabat ni Alexa

"Agad?" Sagot ko din agad at tumawa kami.

Nagturo sya ng Do's and Dont's. Sabi ni sir Gab sya ang bagong varsity player galing sya sa ibang bansa 4 years sya dun. 1-4 year high school nung grumaduate sya dun lumipat sya dito para dito nalang daw mag-aral ng grade 11.

"Okay guys so I think we are done with this tutorial and its time to play as a teams." Sabi nya at nagsign ng ready kay sir. May nanunuod din sa amin kase may mga vacant ngayon.

Sa una pahinga muna ko at sila Alexa, Mika, Jai at Andre lumaban pati narin yung 2 grupo namin sa 1-A hanggang sa 5 mins. na break.

"Grabe nakakapagod pala to." Sabi ni Alexa at inabutan ko sya ng tubig

I'm Inlove With HerWhere stories live. Discover now