Chapter 6 "Tour Guide"

523K 14.7K 1.4K
                                    

Liryu's POV

"Her name is Saisumi Morales. Ayon sa nakuha kong record n'ya sa school's database, galing s'ya sa isang sikat na school sa Tokyo, Japan. Horikoshi Gakuen? Bro, it's an elite school!"

Manghang sigaw ni Louie. Teka, hindi pa s'ya tapos.

"At pag sinabi kong elite, elite talaga! Tatlong klase lang ng tao ang nakakapasok do'n, alam n'yo ba? 'Yong mga celebrity, sobrang yaman, at sobrang talino lang! Brad, isang alamat si Saisumi!"

"Hm," maikling sagot ko kay Louie habang naglalaro ako ng isang online game sa cellphone. Wala akong panahon sa pagiging fanboy n'ya. Ano naman kung sobrang talino o sobrang yaman n'yang nerd na 'yan? 'Wag na natin s'yang ipilit sa category ng celebrities. Alam nating lahat na hindi bagay. Ang gusto ko ay idea kung paano ko s'ya mapagtitripan.

"Ah, oo nga pala. Alam mo bang kaklase rin natin siya? Section 1," dagdag ni Louie.

And he did give me an idea just now.

Itinigil ko na ang paglalaro at tumingin sa kanila sabay ngisi. Mukhang magiging masaya ang school year na 'to.

"Humanda kayo bukas." Kumuha ako ng isang candy sa candy bowl ni Ken. "Papasok tayo sa klase."

Biglang napaubo si Ken at pinaghahampas sa balikat si Louie. Nakahawak s'ya sa lalamunan n'ya at parang paos na sumisigaw ng 'help'. Hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura n'ya.

"N-Nalunok ko 'yong candy!" Parang mamamatay nang sigaw n'ya.

"Ano ba?! Eh, bakit hinahampas mo ako?!" Iritadong sigaw naman pabalik ni Louie.

Umubo-ubo pa s'ya bago kinuha ang tumbler n'ya at uminom. Oo, may tumbler s'ya na may design pa ng pagmumukha ng isang super hero character. Hindi ko talaga alam kung saan ko napulot ang isang 'to.

Nang naka-recover na s'ya...

"Boss! Anong sabi mo?! Papasok tayo?! Alam mo bang nasanay na ako sa routine nating pasok sa school, tambay dito, tapos uuwi. Wala doon ang pagpasok sa klase! Wala!"

Hindi ko pinansin 'yong reklamo ni Ken at tumingin kay Louie na katabi n'ya.

"Louie, bago kayo umuwi mamaya, idaan mo muna 'yan sa psychiatrist."

"Noted," seryosong sagot n'ya sa 'kin.

"Bakit ganiyan kayo sa 'kin?! Isusumbong ko kayo kay mommy!"

"Ayan na naman po s'ya... Sandali. Nasaan si Mirco?" Tanong ni Louie habang lumilingon.

Bumalik ako sa pagkakasandal sa sofa at naglaro ulit. Naghikab pa ako. Parang mas masarap matulog ngayon.

"Nandoon sa principal's office. Inuutusan ni Mom," walang kabuhay-buhay na sagot ko.

"Buti, hindi ikaw ang inutusan?" Nakikiosyosong tanong rin ni Ken.

"Alam n'yang hindi ako susunod."

Tuluyan na akong nahiga sa sofa at sinuot ang headphones ko. Matutulog muna ako.

Saisumi's POV

Kung dati, nakakalokong tingin lang ang nakukuha ko sa school na 'to, ngayon, pati mga nakakatakot na ngiti ay nahahakot ko na rin. Tingin ko, may kinalaman 'to sa nangyari kahapon. Ang galing. Biruin mo nga namang ilang malas na agad ang tumama sa 'kin simula nang napunta ako rito.

Nandito ako ngayon sa mini park ng school. Nakatayo ako sa tabi ng isang pond habang tinitignan sa tubig ang repleksyon ko. Nakikita ko sa tubig si Saisumi Morales. Sinubukan kong takpan ng isang kamay ang kalahati ng mukha ko mula sa ilong hanggang sa baba. Now, I see Saisumi Almante. Cool.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now