Summer Training (Short Story)

149 4 4
                                    

"Tiffany, gising na. male-late ka na sa first day ng summer training mo."

ginising ako ni mama ng mga 6 am kasi yung pasok namin ay 7:30 am

"sige po, ma. thanks"

_____________________________________________________________________________

hello! ako nga pala si Tiffany. 4th year high school na ako patungong college life na. nagsa-summer training ako sa taekwondo. dati pa lang, kahit may pasok pa kami, nagte-training na ako. ganadong-ganado din ako pumasok ng training kasi nandun halos lahat ng kaibigan ko. kahit wala ang crush kong 3rd year pa lang, okay lang. masaya naman kaming magkakaibigan, eh.

ang aga kong aalis ng bahay, 7 am pa lang kasi, eh. pero sige na nga, sayang naman yung oras kung tatambay lang ako dito sa bahay, eh. magte-training na lang muna ako mag-isa sa school.

pagdating ko, as expected, wala pang tao. nagpunta ako sa may locker area at nagbihis na ako ng uniform namin. 

nga pala, upper red belter na ako. hindi sa pagmamayabang pero ako na ang highest sa aming lahat.

kinuha ko yung mat at nilatag ko. nagpractice na ako mag-isa.

mga 7:15 am, bumukas yung pintuan. akala ko, yung mga kaibigan ko na kasi hindi ko pa masyadong makita, maliwanag kasi s alabas at shadow lang ang nakikita ko pero nagkamali ako. lalaki siya at parang kasing height ng crush ko. sinarado niya yung pintuan at nakita ko na ang mukha niya. SIYET! si Kirby!!! yung crush ko.

"hello po"

"hello din. ano kailangan mo?"

"gusto ko sanang mag-training. pwede pa ba?"

"hindi ko lang alam. hintayin mo na lang si Mr. Chu. siya yung instructor namin, eh. upo ka muna diyan."

"sige po. salamat"

"sige"

GOSH! kinakabahan ako. first time lang naming magka-usap. ang cute-cute talaga ng smile niya. lalo tuloy akong nai-inlove

magpapahinga na nga lang ako kasi nakakahiyang mag-practice na alam kong ako lang yung pwede niyang panoorin, eh

umupo ako sa kabilang upuan at uminom ako ng tubig. humiga ako at ng paidlip na sana ako, biglang dumilim. dinilat ko yung mga mata ko at nakita ko siyang nakatayo sa harap ko. bigla akong napatayo at bumagsak ako sa lapag

"aray!"

"ok ka lang ba?"

inabot niya yung kamay niya at kinuha ko naman yun.

"salamat"

"ok lang. ako nga pala si Kirby. Tiffany right?"

"oo! ako nga! teka, pano mo nalaman yung name ko?"

"kasi dati pa kita gustong makalaban, eh"

"talaga? bakit naman?"

"alam ko kasi na ikaw ang may pinakamataas na rank sa kanilang lahat. i want to try my skills once more"

"so, nagta-taekwondo ka na dati?"

"oo. kaya lang super tagal na. do you want to see it?"

"sure. tara dun tayo sa mat para hindi masyadong masakit."

"sige"

pagka-apak ko sa mat, bigla siyang sumugod sa akin. sinipa niya ako and i dodged it. sinapak, siniko, tinuhod at kung ano-ano pa ang ginawa niya sa akin pero i dodged it all. nung sisipain ko na siya, na-out of balance ako at nahila ko siya kasama ko sa pagbagsak.

Summer Training (Short Story)Where stories live. Discover now