K

3K 58 1
                                    

Jho's POV

Kumakain kami ngayon ng lunch nila ate Ells at ni Bea dito sa dining pero tahimik lang ako dahil naiinis ako kay Beatriz.

Bakit? Wala trip ko lang mainis. Kaya kahit anong kausap nya sakin kahit isa don wala akong sinagot. Trip ko syang asarin.

"Beh may problema ka ba? Sabihin mo kaya." Napairap naman ako nang magsalita uli sya. Sumubo na lang ako ng pagkain na parang hindi sya narinig.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

Nako di nya ko madadaan sa ganyan ganyan nya.

"Jhow malapit na pala birthday mo no?"

Napakunot naman ako ng noo kay ate Ells. Anong date na ba ngayon?

"Gaga ka talaga! 1 month na lang birthday mo na!"

Napairap naman ako sa kanya. Jusko kala ko naman malapit na talaga. Ang tagal tagal pa eh. As if naman din na may pake ako.

"Ano plano mo beh? Maginvite ka ng mga friends mo?" Nakangiting sabi ni Beatriz.

FC hindi naman sya kasali sa usapan. Tss. Kaya tumingin na lang ako kay ate Ells.

"Nako shabba alam mo naman ayoko ng ganyan ganyan eh."

Inis kong sabi at sumubo ng pagkain. Bakit ba kailangan pang magparty? Tss pagod at gastos lang aabutin ko dun.

"Eto naman. Ang tagal mo na kaya hindi nagcecelebrate. For sure, hindi natutuwa sila tita sayo." Napatigil naman ako sa pagkain at bahagyang yumuko.

Bakit pa kasi kailangan magcelebrate kung hindi din naman ako masaya diba?

Anong silbi ng birthday ko kung yung taong gumawa at naglabas sakin sa mundong to hindi ko na kasama. Walang kwenta yung birthday ko.

"Shabba hindi matutuwa sila tita na makita kang ganyan. Malulungkot din sila kapag nakikita ka nilang ganyan." Napaangat naman ang tingin ko kay ate Ells at kay Bea na nakikinig lang samin habang kumakain.

"Ah talaga? Bakit mo alam? Nagtext ba sayo sila mama?" Pabiro kong sabi para naman maglight yung conversation namin.

"Oo shabba. Eto nga oh nagtext nanaman kinukulit ako kung gusto ko daw ba sumama sakanila." Natawa naman ako kay ate Ells habang umaakto na akala mo talaga may katext.

"Sabihin mo sama ka na." Napalaki naman ng mata si ate Ells at umiling iling kaya mas lalo ako natawa.

Tapos may epal din na tumatawa kaya naman napahinto ako. Tss.

"Nako shabba sabi ko busy pa ko kaya matagal tagal pa ko makakasama sakanila."

Napahinto yung pagtawa ko ng sumabat si Beatriz.

"Ako na lang sasama ate Ells. Para naman makilala ko na magulang ni Jho. Diba beh?" Nakatulala lang ako sakanya ng sabihin nya yun.

Mama, Papa nagjojoke lang yan wag nyo totohanin. May pangarap pa yan sa buhay. Ako na lang.

"Sige Bea sabihin ko pag nagreply na. Ang tagal eh baka naubusan na ng load." Tumawa naman sila pareho kaya kumain na lang uli ako.

Pagtapos ko ay tumayo agad ako at umakyat sa kwarto. Madadagdagan nanaman pala yung edad ko.

Pagdating ko ay humiga agad ako sa kama at hindi namalayan na umiiyak na pala ako.

Shit. Hindi lang naman sila mama ang naaalala ko kaya ayoko na din magcelebrate pag twing birthday. Pati na din si.... Baham.

Hindi ko alam pero hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na nangyayari sakin lahat ng to.

Parang nung birthday ko pa magkakasama kami. Si Mama, Papa, Baham, Jia.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now