CHAPTER 1: Jennika Alexandra Uy

401 14 6
                                    

dedicated kay Lyfavie. Ang cool nung story niyang Liz eh. Basahin niyo! Unique yun, ganda ng plot! :D

------------------------------------------------------

CHAPTER 1: Jennika Alexandra Uy

Gusto mo ba talagang malaman? Ako! Ako ang problema!

Kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan.

Sana kaya ko na lang tiisin ang sakit na nararamdaman ko… kasi ako yung humiling nito, diba?

Ako yung may gusto.

Sana kaya ko na lang sabihin sayo na masaya ako para sayo.

 Para sa inyo.

*sniff sniff*

Sana kaya ko.

Sana kaya ko.

Pero hindi e.

Ang sama-sama kong tao. Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mong, sana ako pa rin, ako na lang-- ako na lang ulit.

*sniff sniff*

~boink~

“Aray! Kuya naman eh!” tsk. Nanonood ako eh. batukan ba naman ako. Aisshh.

“Hoy Alex! Ang aga aga nanonood ka. Pa-ulit2x naman. Mag se-seven thirty na oh. Nakatutok ka pa rin jan. tsk.”

“I don’t care. Eh sa maganda eh.”

“Bahala ka, una na’ko. Daan pa’ko sa studio.”

“Go!”

She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang lahat ng yon.

“yeah. Sige na. I gotta go. Kiss ko.” Kainis naman eh. Kiniss ko siya sa cheeks at bumalik sa panonood.

“oo nga! Go na! go na! go na!”

“Alright! Di ka ba sasabay? Late ka na oh.”

“I don’t effin care, Ku---- What time na ba, Kuya?”

“It’s 7:15.”

“7:15 pa lang naman eh---- WHAT. THE. FUDGE. 7:15 na? BA’T DI MO SINABI AGAD KUYA?!” sigw ko sa kanya.

“AHAYYY! LATE NA’KO!” dagdag ko pa. -_______-

“Eh tutok na tutok ka jan eh. Let’s go. Hatid na kita.”

And you chose to break my hea------

Nagmamadali kong pinatay yung DVD player at TV at agad agad na sinuot ang aking sapatos sabay kuha ng aking bag at dali-daling pumunta sa garage.

“eh kuya, pano yung bike ko? Waaaaa! Late na talaga ko!” turo ko sa bike ko

“wag mo nang dalhin yan. Pasundo ka na lang kay Mang Romy mamaya.”

“ah pero---- ah sige na nga. Halika na Kuya! Bilis!”

Nagdrive na nga si Kuya papuntang school.

Drive.

Drive.

Drive.

Drive.

Drive.

Yes! Sa wakas, dito na kami.

TIME CHECK: 7:20.

Whew! Buti na lang malapit lang ang school ko sa bahay.

Hindi na kase ko pwede ma late.

Yoko naman makatanggap ng DP no. (Disciplinary Probation)

Pag kasi naka 3 SDR (Student Disciplinary Report) ka na, ma D-DP ka. 3 lates = 1 SDR.

Eh 2 SDRs na ko tas isang late na lang, ma e-SDR na ulit ako. Hala!

“Oh sige na Siobe! Pasundo ka na lang mamaya ha.” Sabi ni kuya

“Sige sige na nga kuya! Salamuch ha! Baboosh!” akmang bubuksan ko na yung pinto ng..

“Ooopps. Kiss muna.”

“Eh kuya naman eh. Di na’ko bata.” Sabi ko sabay kiss sa cheeks ni Kuya.

“haha. Ingat ka baby.”

“Ewan ko sa’yo!” sigaw ko sa kanya.

Yan ang kuya ko. Si Jayson Patrick Uy. Si Kuya JP. College na siya at ang course niya… ABPHOTO. Yep! He’s taking up Photography. Kaya idol na idol ko yun eh. Gusto ko din ng ganon. ^_____^

May girlfriend na rin yun. Si Ate Aika, pero di ko siya feel. Ewan ko, basta ayoko sa kanya, maganda naman siya pero ewan, parang anooo. Basta. Hush lang kayo ha..

4th Yr. High School na nga pala ko, pero bini-baby pa rin ako ni kuya. Kainis nga minsan eh. ahhh Palagi pala. Hehe.

HALA!

Di pa pala ko nagpapakilala. Sorry po. (^_^)V

Ako nga pala si Jennika Alexandra Uy. 17 na taong gulang. Nag-aaral sa Xavier High. Bwahahahaha.

Ako ang pinakamataas sa aking mga kaibigan! Hindi sa height ha! Haha. sa boses ata. Ewan ko, uhmm. panu ko ba sasabihin? Basta… haha. yung height ko? Nevermind. Hihi.

Eh kasi maliit lang talaga ko eh. Pinagkakamalan nga akong 1st yr. HS. Ehhhhhhhhhh. Cute naman eh!

Oo kaya! Cute kaya! ^_^

Mahilig akong manood ng mga love stories! Lalo na yung One More Chance! Basta gusto ko yun. bwahahaha.

Anla! Late na nga pala ko, kung ano-ano pang pinagsasabi ko. Aissshhh.

TIME CHECK: 7:25

5 minutes na lang!

Hala! Kelangan ko na talagang magmadali. 4th floor pa naman classroom namin. Tsk.

Takbo.

Takbo.

Takbo.

*kringggggggggggggggggggggg*

Nako lagot! Nag bell na. Hala!

Takbo.

Takbo.

Takbo.

BOOOGSHHH.. SPLASHHH..

Hala! May nabunggo ako!

Natapon yung hot choco ata niya. HALA times two!

Lord patawarin niyo po ako. Sorry po. Pero di ko siya matutulungan. Late na po talaga ako eh. Sorry sorry po.

“Oh Fvk! What the hell? Please watch where you’re going miss! Tsssss!”

“WAAAAA! KUYA! SORRY PO! SORRY SORRY TALAGA! LATE NA PO AKO EH! SORRY SORRY PO! SORRY TALAGA! BABAWI NA LANG PO AKO NEXT TIME!” sigaw ko sa kanya habang tumatakbo pa rin. Hayyy! Yae na! Lord, sorry po talaga. 

------------------------------------------------------------------

A/N: Yey! New story! :D Sana po magustuhan niyo. 

INSTANT BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon