Kabanata 3

28 4 2
                                    

Phantasm: Death or Ruin
Kabanata 3

Third person's PoV

Mag iisang linggo na rin mula ng mangyari ang kagimbal-gimbal na trahedya sa isang estudyante ng 11-Trinity. Hanggang ngayon balot pa rin ng madilim na awra ang buong building.

Samantala nagkakagulo naman sa silid-aralan ng 11-Trinity, kanya-kanya silang gumagawa ng kahit ano lalo na ang mga boys.

Kanya kanya din sila ng kuro kuro kung sino ang salarin.

"Baka si Ella, diba stalker niya si Matthew?"

"Yeah right, siya rin ang unang nakakita sa bangkay ni Matthew sa cr."

"Hmm.. somethings fishy."

Hindi malaman ni Ella kung maiiyak nalang ba o magtatago. Hindi niya kaya ang mga naririnig.

"Tumahimik nga kayo!" Saway ni Ivy Villacorte na naririndi na sa kaingayan ng mga kaklase niya. Saglit na bumaling ang atensyon sa kanya at bumalik din sa pag-iingay. Napabuntong hininga nalang siya.

"Ano ba. Wala ba kayong narinig? Sabing tumahimik diba." Napatigil naman ang lahat at tumingin kay Edward Alexus na prenteng nakaupo pero halata ang pagkainis sa tono ng pananalita nito.

"Wala ba kayong konting respeto manlang? Parang walang nangyari sa klase natin ah." Pagpapatuloy nito. "Parang wala lang yung nangyari kay Matthew sa inaasta niyo." Dugtong niya habang ang atensyon ay nakatuon ang atensyon sa kandilang nasa desk ng pumanaw na kaklase. 

Sa tinuran nito napatigil ang lahat at namayani ang katahimikan na tila ba napukaw ang lahat sa reyalidad at nagsi balikan sa kanilang mga upuan. Maya-maya ay nabaling ang atensyon ng lahat sa marahang pagbukas ng pinto at siya namang pag pasok ng kanilang guro. Bahagya pa itong nagulat na tumingin sa kanila marahil sa nakakabinging katahimikan ng mga ito. Saglit pang natuon ang atensyon niya sa upuan ng pumanaw na estudyante bago nagtungo sa harap at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Okay class, open your book on page 53." Saad ni Bb. Alcantara na pilit pinapagaan ang atmospera sa silid. Kung dati maririnig ang pagkabagot at mahinang pag angal ng mga ito, ngayon ay tahimik nilang nilabas ang mga libro at tinungo ang binanggit ng guro.

Sa kalagitnaan ng talakayan ay biglang may kumatok sa pinto, nabaling naman ang lahat ng atensyon dito. Maya maya ay bahagyang umawang pabukas ang pinto at sumilip ang mukha ng kanilang school coordinator. Agad naman na naglakad palapit ang guro dito at nagtungo sila sa labas ng silid.

Maya-maya ay pumasok na si Bb. Alcantara ngunit hindi siya nag iisa. Kasama niya ang isang mukha ng bago sa paningin ng lahat. Kanya-kanyang bulungan ang lahat at ang iba naman ay pinasadahan ito ng mapanuring tingin.

Tumikhim ang guro upang mapukaw ang atensyon ng lahat. "Okay class, siya nga pala ang bago niyong kaklase." Nagsitayuan naman ang iba mga halatang nagpapabibo ang iba naman ay nanatili lang sa kanilang pwesto.

"Kindly introduce yourself, hijo." Saad ni Bb. Alcantara sa huli. Tumango naman ang huli sa guro bago bumaling sa lahat.

"Hi. I'm Lester Park." Matipid nitong pagpapakilala. Pagkatapos niya magpakilala ay hindi magkandamayaw ang ibang mga babaeng kaklase. Ang iba ay halata ang saya na tila ba ay natupad ang isa sa mga gusto nila.

"So Park? You mean you're a half korean?" Tanong ni Aiko Venice. Nagsitinginan naman sa kanya ang kanyang mga kaklase at gumuhit ang makahulugang ngiti. Inirapan niya nalang ito, issue.

"Yes. I am half korean." Sagot  naman nito.

Tumango nalang si Aiko Venice at di na nagsalitang muli.

"Okay I guess there's no more question so Mr. Park," Sabay harap ni Bb. Alcantara sa nasabing estudyante. "Welcome to our section." Matamis na ngiti nitong sabi.

Tanging ngiti at pagtango lang ang sagot nito.

Nabigla naman ang lahat ng umihip ang tila malamig na hangin at siya namang pagkamatay ng apoy sa kandila na nakatirik sa desk ng pumanaw na kaklase. Nabaling ang atensyon ng lahat dito at bahagya pang napasigaw ng kusa itong matumba at malaglag sa sahig.

Pigil ang hininga ng lahat ng gumulong ito at tila mga gulat at napasinghap ang iba sa natapatan nito. Bahagyang yumuko ang lalaki upang pulutin ang kandila. Nakatuon ang atensyon sa kanya ngayon.

"I'm glad to be here." Saad nito at gumihit ang mapaglarong ngiti sa labi.

***

Anna's PoV

"Hindi ko gusto ang isang yun. Sobrang yabang porket may lahi lang siya, eh hilaw naman." Napatingin ako sa asungot na nagsalita sa likod ko. Recess na kasi at nandito kami sa canteen. Nilapag niya ang isang chicken sandwich sa harap ko at isang softdrinks na nasa lata.

"Sino ba?" Tanong ko kahit may ideya na ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Sino pa ba? Edi yung half tao, half ailen na yun." Sabay turo niya ng table na inuukupa ni Lester Park kasama ang iba naming kaklase na interesado sa kanya. "Akala mo kung sino, ito namang mga kaklase natin kulang nalang lumingkis sa hilaw na yun eh mas lamang naman ako ng ilang paligo dun. Koreano lang yan, pero mabaho rin tae niyan tsaka mukha kayang bading. Diba Mnemosa?" Mahaba niyang lintaya at bahagya pang yumuko para makapantay ang mukha ko. Tinitigan ko siya ng masama. Para siyang babae sa kadaldalan. Siningkitan ko siya ng mata.

"Alam mo Alexus, sa haba ng sinabi mo, mas mukha kang bading." Pag amin ko at sinimulang kainin ang libreng chicken sandwich ko. Nakita ko naman ang bahagyang pagtulis ng nguso niya na parang batang inagawan ng candy.

"Anong bading? Hoy baka nakakalimutan mo Anna Mnemosa, ang mukhang 'to? Maraming babaeng nahuhumaling dito." Depensa niya.

"Ang ingay mo." Tiningnan ko siya na parang tinatamad. Bakit ba laging nakabuntot sakin ang isang to? Sa pagkakaalam ko wala akong kaibigan. And I don't remember having one, I'm fine with my own.

"Maingay lang ako pero di ako bakla." Hindi ko nalang siya pinansin. "Tsaka para kahit papano eh nagsasalita ka naman, sobrang tahimik mo kaya dati."

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na gusto ang tinutungo ng usapan. Tumayo na ako at umalis.

"Anna!"

"Anna!" Naramdaman kong hinawakan niya ang pulso ko to stop me from walking. "Saglit lang, akala ko ba magkaibigan na tayo? " Napailing ako at humarap sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa pulso ko.

"You're not my friend Edward and I'm not your friend either, and I will never be." Saad ko at muling nagpatuloy sa paglalakad. Alam kong pinagtitinginan kami kanina but I don't give a damn. First of all, buhay ko 'to. I know I was rude to him but what can I do? This is me. I don't have friends in the first place. That's what I hate in having friends, they demand attentions they want commitments. I feel that they're invading my whole life and privacy and it's really suffocating. I hate people. I hate attentions.

Nagpatuloy ako maglakad palabas sa lugar na 'to, kaso ng bubuksan ko na ang pinto kusa itong bumukas at bumungad si Vedalje. Saglit na nagtama ang paningin namin, napangisi ako ng siya ang unang magbawi ng tingin at nagtuloy sa pagpasok. Napailing nalang ako at nagpatuloy na sa paglabas.

Para akong nakahinga ng maluwag ng makaalis sa lugar na yun. 

Phantasm: Death or RuinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon