Chapter 41: Jayvee's Confession

31 0 0
                                    

Pagdating sa labas ni Jayvee, agad niyang hinanap si Khei at nakita niya ito na malapit sa kotse. Nilapitan niya ito at saka kinausap. Ayaw pa ni Khei nung una humarap sa kaniya, pero hindi din niya ito natiis dahil madami siyang katanungan na gusto mabigyan ng sagot.

“Jayvee, are you serious back there?”

Tumango si Jayvee habang nakatingin sa kaniya ng diretso.

“Why now? I mean, why in front of those people?”

“Because I want them to know that you’re the person that I love.” Sabi ni Jayvee, sabay hawak sa kamay ni Khei, ngunit bumitiw itong si Khei.

“Jayvee, please stop this …

As I know you have a girlfriend already …

Are you playing with me?”

Nagulat siya sa sinabi ni Khei at napaisip, paano iyon nasabi ni Khei.

“Khei, I’m not playing with you. I’m serious…

Girlfriend? I don’t have a girlfriend … anymore …”

“Anymore? So does it mean recently you had one?” curious na tanong ni Khei,napahinga ng malalim si Jayvee.

“I think you deserve to know this, so I can assure you

that I’m really serious with you …”

“What is it?” tanong ni Khei

“5 months ago my girlfriend, Selena, and I broke up …

I fell out of love on her.. Ever since kasi nung naging kami parang hindi naman talaga naging kami

dahil nung araw na sinagot niya ako, yun din yung araw na iniwan niya ako…”

“Iniwan?” nagtaka si Khei , tumingin sa mga mata niya si Jayvee, at huminga ng malalim.

“Iniwan niya ako para mag-aral sa ibang bansa …

Naiintindihan ko naman na kailangan niya sundin ang pamilya niya…

Pero sana man lang pinaglaban niya ako, saka nung huli nasakal na ako sa kaniya

gusto niya kasi parati siya ang nasusunod parang ang turing niya sa akin isa sa mga

empleyado niya, na dapat sumunod sa lahat ng gusto niya ….” Sabi ni Jayvee.

Hindi maiwasan ni Khei na maawa sa kwento ni Jayvee, pero naisip niya na baka talagang nagpapaawa itong si Jayvee. Hindi naman kasi siya sigurado kung nagsasabi ito ng totoo, o baka kasama iyon sa drama niya para mapapayag siya sa gustong mangyari ni Jayvee na maigng sila.

“Siguro, iniisip mo kaya ko ito sinasabi para maawa ka sakin…

Hindi Khei, sinasabi ko ito para maunawaan mo ang dahilan kung bakit

mas pinili kita sa kaniya…

Aaminin ko, nung time na nagkakagusto na ako sa iyo,

siya pa ang girlfriend ko, pero naramdaman ko na hindi ko na siya mahal

dahil hindi na ako masaya sa kaniya, pero kapag ikaw ang kasama ko

makita lang kita ang saya-saya ko na …” sabi ni Jayvee, na seryosong seryoso.

Tiningnan ni Khei si Jayvee, at saka binuksan ang pinto ng sasakyan niya at saka sumakay dito. Nagulat si Jayvee dahil sa biglang pagpasok nito sa loob ng sasakyan, at biglang pinaandar ito ng mabilis papalabas sa parking lot ng restobar. Walang nagawa si Jayvee, kundi pagmasdan na lamang ang sasakyan ni Khei papalayo sa kinakatayuan niya.

Ang hirap pala kapag yung bagay na kinakatakutan mong mangyari ay nangyari na sayo, kahit pa yun din yung bagay na matagal mo ng inaasam na mangayri. Parang yung kay Khei, matagal na niya gustong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Jayvee sa kaniya, at ngayong nalaman na niya ang totoo natatakot naman siya, dahil nagdududa siya kung totoo nga ba ang lahat ng nangyayari o panaginip lamang ang lahat.

Habang nagmamaneho si Khei, hindi niya alam kung saan siya pupunta, ayaw naman niyang umuwi dahil sigurado mag-iisip lang siya ng mag-iisip kung uuwi siya, dahil mag-isa lang siya sa unit niya. Hindi din naman niya magawang pumunta kay Rye, dahil alam niyang valetine’s day for sure nasa date iyon. Mas lalong hindi niya magawang lapitan si Cheche, dahil sigurado aasarin lang siya nito. Medyo walang sense kasi kausap si Cheche, pagdating sa mga ganoong klaseng bagay. Kaya naman pumunta na lang siya sa tabi ng dagat,ilang oras din siyang nagmaneho para lang makarating dun, from the city to the nearest province na makikita mo ang tabing dagat.

Pagkadating doon ni Khei, agad siyang lumabas ng sasakyan at nilanghap ang sariwang hangin. Tumingin siya sa relo niya atnakita niya na 2:00 AM na pala, lumipas na ang araw na pinaka-aayawan niya. Medyo malamig doon, dahil madaling araw at nasa tabing dagat pa siya, kaya naman akap niya ang sarili niya habang bumalik sa ala-ala niya ang mga nangyari kanina sa kanila ni Jayvee. Pilit niya binibigyan ng explanation ang lahat ng nangyari sa kanila, pero talagang naguguluhan siya. Sa totoo lang, gusto ni Khei si Jayvee, pero natatakot siya dahil kung nagawa nga nito hiwalayan ang girlfriend niya dahil sa nagkagusto ito sa kaniya, maari din itong gawin ni Jayvee sa kaniya sa oras na magkagusto na naman ulit ito sa iba.

-------------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon