-14-

101 3 0
                                    

Zoe POV--

Bago kami pumasok may nilagay munang papel sa kamay namin, sabi pa nung babae wag daw tatanggalin, e pano kung nabasa? Tsk!

“Oh pano girls? Enjoy kayo a? Kita-kita tayo mamayang lunch, tatawag nalang ako Zoe okay?” sabi ni Ate.

Nagtataka naman akong tumingin sakanya. “Hindi tayo sama-sama?” tanong ko kay Ate.

Umiling siya “Nope, para maenjoy niyo. Kaya niyo na yan!” sabi niya, tumango lang naman sila Zyra.

“Okay.” Walang gana kong sagot.

Ngumiti naman si Ate “Ingat kayo a? Wag kayong maghihiwalay-hiwalay.” Sabi niya. At naglakad na silang tatlo, tss mga bilin naman niya parang bata lang kami a?

Naglakad-lakad na kami yung tatlo naghahanap na ata ng unang sasakyan tahimik lang sila e.

“dun tayo?” sabi ni Zyra na nasa tabi ko, nakaturo siya dun sa Grand Carousel, paano ko nalaman? May nakalagay e. -___-

Alam niyo naman yun diba? Mga kabayo yun baka di niyo alam.

“Pambata naman ata to.” Sabi ni Sab, ngayon pa nagreklamo kung kelan nakapila na kami. Tsk!

“ngayon ka pa aangal, nakapila na tayo!” Sabi ni Charmz. Nabasa niya ba iniisip ko?

“Okay lang yan bata pa naman tayo e. Haha, bebe Papicture naman” sabi ni Zyra. Inabot niya yung iPad niya kay Charmz. Sakin niya dapat iaabot kaso lumipat ako sa likod ni Sab. Nakakatamad kayang Picturan siya. -___-

Nung matapos kami sumakay dun sobrang sising-sisi si Zyra tss.

“Ano ba naman yun? Umay naman! Ganun lang pala yun tss.” Sabi niya habang nakasimangot. Ano bang ineexpect niya na lilipad kami pag dun kami sumakay? Psh!

“Ginusto mo yun diba?” sabi ni Sab na nang-aasar yung Tono, di naman na siya kinibo ni Zyra.

Madami kaming Rides na nasakyan, pero pansin ko puro pambata palang tulad nung Bumbling Boulders, parang teacup siya. Then sa Up, up and away. Gusto nga sumakay ni Zyra sa Bouncing boulders, Air pterodactyl kaso hindi naman daw pwede pambata na daw kasi yun. Tss kaya ayun nauwi kami sa Picture hanggang sa makarating kami sa Flying Fiesta.

“waa Let’s ride it again” sabi ni Zyra pagkababa namin tss nakakaenjoy siya pero nakakahilo takte!

“Tara dali.” Pagsang-ayon naman ni Charmz, tapos tumango si Sab. Psh pano na ko?

“kayo nalang CR lang muna ko babalik ako dito.” Sabi ko, tumango naman sila kaya umalis na ko. Nakakahilo na kasi grabe.

Ang layo pala ng C.R dito tae lang, buti nalang nakita ko kaagad. Pagpasok ko wala namang masyadong tao. Di naman ako naiihi, nalalagkitan lang ako dahil sa pawis sa mukha ko. Buti nalang may Wet Tissue na binigay si Ate kanina.

Habang naglalagay ako ng Face Powder, may babaeng pumasok ng C.R na halos wala ng damit. Kita na po kasi ang dibdib tapos nakaSkirt siya ng napakaikli tss grabe lang dapat sa Club to hindi dito. =___=

Hay ang sama nanaman ng iniisip ko. Makalabas na nga lang!

“Zoe?” napalingon ako sa gilid ng Pintuan ng CR nung may tumawag sakin at paglingon ko nakita ko si Rabbit tss ang Babaerong kaibigan ni Xian. Tsk!

“Tyler.” Sabi ko ng walang gana, tas nag-umpisa ng maglakad, kassi naman ang dami kayang nakatingin sakanya mukha siyang artista dahil sa shades niya tss.

Sumunod naman siya sakin mabagal lang din lakad niya “Ikaw nga yan, mataray e. Haha sino kasama mo? May ka date ka no?” sabi niya.

Huminto naman ako sa paglakad tsaka humarap sakanya. “Family. Wala.” Sagot ko sa tanong niya tsaka naglakad na ulit.

“Hon? Where are you going?” boses babae, napalingon ako ng bahagya kaya nakita ko siya, siya yung babae dun sa CR tas nakatingin siya kay? Tyler?

“tss, Flavor of the week?” sabi ko ng mahina pero alam kong narinig ni Tyler. Malapit lang naman kasi siya sakin e.

“haha galing mo a? Wag ka maingay.” Bulong niya din sakin.

“Who are you?” tanong nung babae sakin.

Lumapit naman dun si Tyler “Hon, si Zoe. Friend of mine.” Sabi ni Tyler tas kumindat pa. Kelan pa kami naging magkaibigan nito? Tss

Tumango naman yung babae, tas tinignan ako mula ulo hanggang paa. “ah, i see. Hello i’m Shaira his--” di ko na siya pinatapos, wala naman akong paki e tss!

“Flavor of the Week.” Tuloy ko sa sasabihin niya, natawa naman si Tyler. “Zoe is the name, sige Nice to meet you Shaira. Babae hindi tayo magkaibigan loko ka! Ge see you when i see you.” Sabi ko tas nag-umpisa na ulit maglakad. Narinig ko nalang na nagpaalam na si Tyler sakin habang natatawa bago ako makalayo ng tuluyan sakanila.

Pagbalik ko dun. Kakatapos lang nila, sakto din yung pagtawag ni Ate. Kakain na daw muna kami bago maghiwa-hiwalay ulit kaya pumunta na kami dun sa sinabing lugar ni Aate, medyo natagalan kami kasi hinanap pa naman kung saan banda.

--

Ayoko na LOL~! PaUD lang ulit dagdag Pages HAHAHAxDD BELATED HAPPY VALENTINE’s pala. <3

Si Tyler sa Side~ :))

CrazyLittLeJhoyce<3

They call it LOVE (Hold)Where stories live. Discover now