The Perks of Riding Jeepney

114 0 0
                                    

Everyday normal na itong sinasakyan ng mga mamayang Pilipino. Kahit saang sulok ng bansa meron nito. Sino pa bang normal na tao ang hindi nakakasakay nito at hindi sasakay? Masaya kaya sumakay sa jeep dahil unang—una mura yung pamasahe. Php 8.00 yung minimum fare at Php 7.00 para sa mga estudyante at wag naman sanang itaas pa.

Ano pa nga ba?

Malakas din ang hangin, sagap mo lahat ng dumi, usok, at baho pag nakasakay ka sa jeep. Kahit takpan mo yung ilong mo ng panyo o face towel, no choice ka dahil malalanghap mo pa rin yung polluted air—especially kung taga—Metro Manila ka. Normal na lang yun. Sino ba namang hindi pa nakaamoy diba?

Another normal thing na may mga driver na sobrang bilis magpatakbo. Akala mo nakikipag—unahan kay Kamatayan at gusto ka ring idamay sa sobrang bilis magpatakbo. At heto pa, bigla na lang kakambyo pakaliwa o pakanan na parang sila lang ang sakay. Kaasar diba? Kahit takot na takot ka na, hindi mo din masambit kasi yung ibang mga pasahero mukhang ini—enjoy pa ang sobrang bilis na pagpapatakbo dahil nagmamadaling pumasok. Ilang beses ko nang nasambit na sana ligtas akong makababa at sa madaming beses na yun, wala pa namang nangyayaring aksidente. Pero hindi mo din naman maiaalis na minsan okay yung nakakamatay na jeep para lang di malate sa trabaho o sa school. Titiisin mo na lang talaga ang takot mo.

Paano naman kung ang driver ng jeep ay para namang karo ng patay ang pagpapatakbo? Yung tipong bawat may mga jeepney stop ay hihintuan nito? Kahit wala namang gusto sa kanyang sumakay, pipiliting maghintay ng pasahero. Nakakabwisit lang diba? Ito yung masasabi mong buwaya sa pasahero. Parang pinagsisihan mong sumakay sa kanya dahil malalate ka na sa trabaho mo o sa klase mo. At panay na ang mura mo o pagsasabi ng mga hindi magagandang bagay sa driver.

Mentioning ‘hindi magagandang bagay sa driver’ ay kung sa tinagal—tagal mong nagbabayad ng pamasahe mo ay magugulat ka na lang na kulang ang sukli sayo o di kaya ay kulang pa daw binayad mo! Dios mio! Kasasabi ko lang na wala sanang pagtaas pero meron na silang pagtaas na ginawa kahit wala pa namang sinasabi ang LTFRB. Bwisit lang! At ito na yung mga nakakaasar na maririnig mong nag—aaway yung pasahero at driver. Mukha lang ewan.

Dadagdag pa ang inis mo kung hindi mismo sa driver ay sa kundoktor dahil panay ang sabi ng ‘usog’. Halos magsumiksik ka na nga sa pwesto mo para makaupo lang yung pinapasok. Parang gusto pa ata nilang talunin ang pwesto ng mga pasahero sa MRT/LRT.

May mga insidente pa na nagpapara yung pasahero sa hindi naman jeepney stop. Eh kahit naman sino magagalit pag gusto mong bumaba pero ayaw ihinto ng driver. Ngunit minsan gamit—gamit din ng common sense mga ate’t kuya. Hindi ka maaring bumaba na lang kung saan—saan. Okay sana kung babayaran mo yung penalty sa mga driver, eh magkano lang ba ang kinikita nila tapos mahuhuli pa diba? Kawawa naman. Yung mga ganoon minsan nasisigawan ko na para maging aware, baka walang nagsasabi sa kanila kaya mga ignorante sa batas.

Hindi lang yan ang kagandahan sa pagsakay sa jeepney. May mga pagkakataon pa na may makakatabi kang manyak na mga lalaki (especially for girls). Kunwari may kukunin sa bulsa pero hahaplos lang pala sa gilid ng legs o malapit sa dibdib mo. Ang sarap lang talagang buhusan ng muriatic acid ang pagmumukha nila. Ganoon na ba talaga sila kahayok sa sex at pati ba naman sa jeep feel nilang mangmanyak? Meron pa silang trick na kunyari nilalamig sa jeep at yun pala itatakip lang nila yung jacket sa kamay nila para hindi halatang nangmamanyak. May iba naman malaking bag ang gamit pero ganoon pa din naman, mga manyak din. Mamatay na kayo! Grrr…

Hindi pa diyan natatapos, may mga lalaki pa na hindi na talaga makatiis na hindi makapaglabas ng nararamdaman! At sa pwesto mismo nila, doon sila mag—mamasturbate. I’m sorry pero madaming incident na ganyan. Parang pwede ba! Hindi namin gustong makita na magmasturbate kayong mga lalaki. Mahiya naman kayo!

Kokonti na lang pala ang mga nahihiya ngayon na mga lalaki dahil iilang beses na maawa ka na ang babae ang sasabit sa jeep! Oo may ganoon na at dumadami na ang mga manhid or rather ungentle man. Nakakaawa kung paano mo makikita na yung babae ay either nakahawak sa rail sa gilid or uupo malapit sa labasan ng jeep. Ang masaya pa nito, walang mabait na lalaking nakaupo ang maaawa sa kanya. Walang hiya ulit kayo!

Isa pang mga walang hiya din ay hindi lang lalaki kundi kayo ding mga babae! Actually para naman ito sa lahat. Sorry. Pero please lang… wag niyo namang gawing motel ang jeep na halos magyakapan na kayo at maglaplapan kaharap sa ibang mga pasahero. Magkaroon naman kayo ng delicadeza na mahiya na parang ayaw niyo ng maghiwalay. May proper place para gawin ang mga ganoong bagay. And mind to tell you for your sake, jeepney is a means of public transportation. Nagsusumigaw yung word na PUBLIC at hindi private! Lichi lang.

Ang ibang bagay pa dito, makakasakay ka ng babaeng sobrang haba ng buhok. Nakakainggit dahil feel na feel pa ang malakas na hangin na dumadampi sa balat nito. Ang kagandahan diyan, napupunta na sa mukha mo yung buhok niyang masakit sa mukha. Oo! Kahit gaano pa yan kaganda, once na tumama yan sa mukha mo masakit yan. Gusto mong i—try ko sayo? Yung iba naman hindi makaramdam na yung buhok niya ay mahaba at obvious na obvious na yung katabi nito ay panay na iwas. Kaya nga minsan, pag may ganito either kakalabitin ko yung katabi ko na ayusin yung buhok niya o di kaya kunwari masasabit sakin ang ilang hibla ng buhok niya pero ang totoo sinasadya ko lang yun para makaramdam. Eh putek naman kasi, ang manhid—manhid lang!

Ang mabuti pa dito, paano kung yung buhok ng katabi mo ay mabaho at makain mo pa ng hindi sinasadya? Kadiri diba? Mas nakakadiri kung makikita mong parang nagiging christmas lights yung ulo nito. Alam mo kung bakit? Dahil may mga parasites sa ulo nito na tinatawag na lisa, kuto at kuyumad. Yuck lang talaga! Mahawaan ka pa diba? So panay na kamot mo sa ulo niyan at may parasites ka na din. Kadiri!

Yan yung mga totong experience ko sa jeep. Dapat talagang pagsabihan na yang mga manhid na ate’t kuya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MANHID KA BA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon