Chapter 41 - Fix you

38 1 0
                                    

You are loved more than you will ever know by someone who died to know you.

Yup, dedicated 'to sayo. Salamat! :) @sarangbaekim

Cha's POV

Valentine's Day

Tumingin ako sa orasan at nakitang malapit ng mag-alas otso ng umaga.

Gising na ako pero parang ayaw ko pang bumangon.

Iniisip ko si Vince.

Iniisip ko si Andrei.

Aissh. >_>

Nakakainis.

Bakit ba kasing Valentines ngayon?

Last year, tinapos namin ang ilang series ng Big Bang Theory at maghapon, magdamag kaming nasa bahay lang tapos ngayon lalabas kami para kumain. Anyway, kakain lang naman kami sa labas ng lunch at dinner. At hindi ito 'Date'. Normal sa magkaibigan ang kumain at manlibre paminsan minsan di ba? Nagkataon lang talaga na Valentines at halos lahat ng magkasamang babae at lalaki na kumakain sa labas ay date na tinuturing.

* nods

Biglang nagvibrate ang phone ko sa tabi ng lamp shade. Si Andrei nagtext. Bumati ng 'good morning' at pinaalala na susunduin niya daw ako ng mga 10am.

Hayss. Okay. Kailangan ko ng bumangon tlaga.

Tumayo na ako, inayos ang higaan at tsaka nagsuklay ng konti.

Paglabas ko ng pintuan, napaaray ako dahil may nasipa akong isang box.

Ano naman 'to?

Royal blue ang kulay nito at medyo malaki. May ribbon din na kulay silver.

Si Vince ba ang nagiwan nito dito?

Aish. >_>

I examined the box and noticed that my name is written on it.

Para sakin?

Binuksan ko ito at namangha ako.

Isang box na puno ng rosas na iba-ibang kulay.

Ang gandaaaa!

Napangiti ako ng bongga. Seryoso. Haha.

Ang babango pa nito at sobra talagang ganda. Unang beses kong nakita ng ganitong mga kulay ng rose.

Pakulo talaga ni Vince. Hay nakowww. Umagang-umaga, napapangiti ako.

Pero teka, nasan siya?

Nagpunta ako sa kusina para silipin siya pero ni anino niya ay wala.

Sunod ay sa living room, pero wala rin siya dun.

Nasan 'yun?

>_>

Sunod ko siyang hinanap sa kwarto niya. Kumatok ako pero walang sumasagot.

Kumatok ulit ako at tinawag ulit siya. Pinihit ko ng konti ang door knob at nabuksan ko 'to ng konti.

Aba, hindi siya naglo-lock ng pinto? O naiwan niyang bukas?

"Vince? Bukas ang pinto mo?" sambit ko habang unti-unting sinisilip ang kwarto niya.

Walang Vince.

Nasan na siya?

Nakaramdam ako ng inis.

Matapos niyang magbigay ng ganoon sakin bigla-bigla naman siyang aalis.

Wala siya sa bahay.

Iniwan ako. Sabi pa naman niya wala siyang pasok ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Only Exception (Slow update)Where stories live. Discover now