Kabanata 6

12 0 0
                                    

Annyeonghaseyo! Enjoy reading.
5 votes, 5 comments for this chapter  and follow my account. Gomawo!!! 😃😃😃

"Bilisan mo nga! Ang kupad mo eh, malelate tayo nyan!" nakakainis daig pa ang pagong!

"Ang sakit kaya ng paa ko!" sabay pout sakin agad naman akong lumapit para icheck ang paa nya. Nabigla naman ako ng makitang namamaga na ito.

"Ano ba yan! Bakit biglang lumala yan?"

"Di ko lam, huhuhu makakalakad pa ba ko Nickx?" umandar nanaman ang kaartehan.

"Oo! Nakakaakyat ka nga dito sa 2nd floor eh tapos tatanungin mo ko nyan? Asan utak mo?" singhal ko.

"Ang mean mo." sabay pout.

"Tss wag kang maarte ha! Halika na aakayin kita papunta sa clinic" medyo nahirapan kami dahil limitado lang ang galaw namin. Baka pati mapwersa ng husto ang paa nya at lalong mamaga.

Wala naman si sir tutal sabi nya--teka may substitute nga pala sya patay? Baka mapagalitan ako! Nako naman sumabay kapa kase Montereal!

Clinic

"Nurse namamaga kasr yung paa nya pakiasikaso nalang ha" akyong aalis na sana ko ng hawakan nya ang kamay ko.

"Dito ka lang please?"

"May klase ako? Baka nandon na yung substitute ni sir pagagalitan ako." paliwanag ko na lalong nagpasama ng mukha nya.

"Sige iwan mo ko dito di na kita kakausapin" sabay higa sa bed patalikod. Ano ba naman!!!! Nagulo ko tuloy ang buhok ko sa sobrang inis sa nangyayari.

"Sigi na umalis kana! Baka magalit yung substitute ni sir! Iwan mo nako dito hindi naman ako magagalit eh!" sarkastikong saad nya pa. Hindi pa sya galit nya? Baluga!

Napabuntong hininga tuloy ako.

"Tatamaan ka talaga sakin kapag napagalitan ako ng substitute ni sir!"

"Wala pa naman yung sub ni sir okay? Wala tayong klase sa kanya kaya wag kang magalala, dito ka lang! Alagaan mo ko!" Seryosong sabi nya at hinigit ako paupo sa tabi nya saka pumikit. Sinubukan kong hilahin ang pagkakahawak nya sa kamay ko pero ayaw nyang bitiwan haysss.

Ilang minuto pa ang itinagal namin doon at ipinaliwanag ng doctor na kailangan lang ipahinga ang paa nya. Maaaring napwersa ng husto kaya namaga. Kaya sobrang arte at pababy nanaman ng damuho.

"Pupunta ako sa sunod na klase ko at ikaw jan ka lang!" sabi ko sa kanya at kinuha na ang bag ko. Hindi naman sya umangal kaya dumiretso nako sa pintuan palabas.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

QUIZ

Dumaan ang isang oras at natapos na rin ang pagdidiscuss ni sir. Mabuti nalang at pumasok ako dahil nagpasurprise quiz sya hanep diba? Kakatapos lang ng exams nagpaquiz agad!.

Mabuti nalang at nasa mood akong makinig at nakakuha ako ng mataas na score. Naalala ko tuloy ang damuhong iyon, nawalan sya ng isang quiz ngayon. Pero malabo namang hindi sya bigyan ng specialization ni sir.

De NovoWhere stories live. Discover now