Debt

1.8K 55 0
                                    

PAGKATAPOS ng klase, tinanggihan niya ang alok ni Larkin na ihatid siya. Kailangan niyang sumama kay Francia sa mall dahil magwi-withdraw pa raw ito. Nagprisinta pa ang kaklase na samahan siyang pumili ng cellphone.

"Hindi ko alam na magkaibigan kayo ni Francia?" ani Larkin. Nakasunod sa kanya ang lalaki palabas ng classroom.

"Nagkakwentuhan lang. Inaya niya ako sa mall. Gusto kitang isama kaso nakakahiya."

"Kung sabagay. Paano ka pag-uwi, eh di mag-isa ka lang?"

"Sus naman 'to. Ang tanda ko na, kaya kong umuwi mag-isa," aniya.

"Baka gabihin ka. Ugali n'yong mga babae na kahit walang bibilhin kayang umubos ng oras kakaikot. Paano kung mawili ka?"

"Praning lang?" pang-aasar niya sa kaibigan. Ayaw niyang i-entertain ang pagsasa-palaka ng puso niya.

"Marunong naman akong tumingin sa relo. S'yempre aagahan ko ng uwi. Makukurot ako ni Nanay sa singit 'pag ginabi ako."

"Susunod ako sa mall. Basta pag-uwi ihahatid kita."

"No need," singit ng isang boses mula sa likuran. Nalingunan nilang pareho si Francia. "May driver ako, ihahatid namin siya sa kanila. Okay na?"

"O, narinig mo ha. Kaya umuwi ka na." Si Elie.

Napakamot sa batok si Larkin pero tumango naman. "Text mo 'ko 'pag nakauwi ka na."

"Opo."

Hatid pa niya ng tingin si Larkin. Hindi niya namalayan na natagalan siya sa ginagawa. Kundi pa siya pabirong siniko ni Francia ay hindi siya mahihimasmasan.

"Ang layo na eh, sobra namang titig 'yan."

Natawa si Elie, hindi napigil ang pag-iinit ng pisngi. Pero agad ring nabura ang ngiti niya nang harangin ng Captain ng Volleyball Team si Larkin. Kumapit si Roxanne sa braso ng lalaki at sumabay sa paglalakad nito.

"Naku patay tayo d'yan. Mukhang trip din ni Foxy Roxy ang iniirog mo," komento ni Francia.

"Foxy?" litong tanong niya. Hindi niya magawang hiwalayan ng tingin ang dalawa.

"Hindi mo alam? Bansag 'yun sa kanya. Tuso si Roxanne, magaling dumiskarte para makuha ang gusto. Tingin mo naging Team Captain 'yun dahil magaling siya?"

Napanood na niya minsan kung paano maglaro si Roxanne. Hindi man siya fan ng sport, agree siya kay Francia.

"Tara na nga, Fran. Baka gabihin na tayo," ani Elie.

HINDI RIN naman sila nagtagal sa mall. Nokia 1110 ang napili niya. Bumili na rin siya ng bagong sim card. Siguradong magugulat si Larkin. Wala naman kasi siyang binanggit na magpapalit siya ng number.

Kagat na ang dilim nang tumigil ang kotse ni Francia sa bahay nila. Alas sais pa lang, wala pa ang Nanay niya. Si Aling Dolor lang ang siguradong madadatnan niya ngayon.

Kadalasang pinapauna ito ng uwi ng Nanay niya para maghanda ng hapunan. Pagkatapos ay saka naman uuwi sa sariling bahay nito ang babae. Siyempre hindi ito uuwing walang dala. Sapat sa apat na tao ang ipinapaluto ng Nanay niya.

"Salamat sa paghatid," sabi Elie nang makababa.

"Walang anuman. Text text na lang ha. See you sa Lunes."

"Sige. Salamat ulit," aniya. Iyon lang at umalis na ang sasakyan ng kaklase.

Pagpasok niya sa bahay ay nagulat siya sa nadatnan. Pinapaypayan ni Aling Dolor ang Nanay niya.

A Lot Like Love (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon