Chapter 15 - The Confrontation

6.7K 79 10
                                    

 (A/N: Gusto niyo po ba mag pa dedic? Comment lang here ^^ Sayang naman kasi yung isang chappy kung walang nakadedic. Sa ngayon dedicate ko muna kay "shalene" thanks sa pag-vote ate!!)

~*~

Chapter 15 - The Confrontation

"Miss. Saang room po si Louella Herrera? Ay. Kasal na ata siya e? Basta paki-hanap Louella. Kanina lang sinugod dito?"

"Ay Ma'am! Baka po nasa Emergency Room pa."

"Ay Sige po doon na lang kami pupunta." sabi ko doon sa babae tapos tumingin ako kay Renzo "Eh ikaw? Yung iyo muna puntahan natin" tumingin siya sa akin at ngumiti. hm? tapos nilagay nya sa batok nya yung kamay niya.

"Hindi ko alam pangalan nun e"

"Ay ganon? Text mo yung friend mo."

"Sabi ko nga. Tara sa ER muna."

--

pagkadating namin doon nakita ko si Ate Juliet at Kuya Romeo. Nakabalik na pala si Kuya Romeo? Pero teka? Bakit ganun yung mga itsura nila? Para namatayan. Teka nga? Ano bang nangyayari?

"What happen?" tanong ko sa kanila. Tumayo naman si Kuya Romeo at lumapit sa amin, tinap niya yung balikat ni Renzo at tinulak yung wheelchair palapit kay Ate Juliet.

"na heart failure siya"

"WHAT?! May sakit sya sa puso? Kelan pa? Bakit?"

"Nung naaksidente ata siya dati. Diba magugulatin siya at tsaka konting takbo lang, ang bilis paligi ng tibok ng puso niya. Akala natin dati noong naglalaro tayo, napapagod lang siya, yun pala malala na noon. Nalaman lang nina Tita noong naaksidente siya." sabi ni Ate Juliet.

Kaya pala tuwing nagla-langit lupa kami dati lagi siyang umupo sa isang tabi at time-pers daw! Eh loka-loka pa naman ako noon. Kahit nagta-time-pers siya hahabulin ko pa rin, kaya ayun tatakbo ulit siya. Ang sama ko. Nagsisisi tuloy ako >o<

"Nasaan siya?" tanong ko kay Ate Juliet.

Umiling si Ate Juliet at tumayo. "Bukas mo na lang siya dalawin. Baka mahawa ka pa sa ibang pasyente."

"No. Hindi pwede. Kahit saglit lang? Please?" napa-sigh naman si Ate at tinuro nya yung isang room na may isang lalaking nakatalikod at may isa pang babae na-naka-side view. Maybe a yaya? May kandong kasing bata e.

Runaway Groom -- (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon