Chapter6

89.1K 2K 161
                                    







Kakaalis lang ni Boss Jin. Pumunta na siya sa restaurant niya kaya wala na naman akong gagawin ngayon. Paikot-ikot lang ako na hindi malaman ang gagawin. Ano kaya ang pwede kong pagkaabalahan?

“Atasha!”

Napalingon naman ako sa tawag na 'yon.

“Bakit po, Manang Celia? Saan niyo po ito dadalhin? Ako na lang po ang gagawa nito.” pagpiprisinta ko.

“Ano ka bang bata ka! Kaya ko na 'to. Tinawag lang kita kasi tumawag sa akin si Jin. Mamaya raw may magsusundo sa'yo rito. Sasamahan mo si Jin sa pupuntahan niya.” aniya. Isasama ako? Saan naman kaya 'yon?

“Okay po, Manang. Pero ako na ho ang gagawa nito. Kayang-kaya ko na 'to. Gawin niyo na lang ang iba niyo pang gagawin.” sabi ko at inagaw ang itim na basurahan.

“Oh siya, salamat talaga. Marami pa nga akong gagawin. Huwag mong kakalimutan 'yung sinabi ko sa'yo ha?”

“Opo, Manang. Sige po, ilalabas ko muna 'to.”

Inilabas ko na ang bitbit ko at dinala sa malapit na bakanteng lote kung saan nilalagay ang mga basura. Iniwan ko 'yon para kapag may dumaan na truck ng basura, kukunin nila 'yon.

“Hey miss!”

Lumingon naman ako kung saan may lalaking nakatingin sa akin. Maputi, mas matangkad sa akin at chinito.

“Bakit? May kailangan ka ba?” tanong ko. Eh bakit ko tinatanong kung may kailangan siya? Baka hingian pa ako ng tulong nito.

“Wala naman. Bago ka lang ba sa bahay na 'yon?” turo niya sa bahay ni Boss Jin.

“Oo. Sige, aalis na ako. May gagawin pa kasi ako.” palusot ko. Naglakad na ako ngunit narinig ko siyang tumawa kaya napatingin na naman ako sa kanya.

“Sa susunod na makita kita, sa bahay ko na ikaw nakatira. Pakakasalan kita, Miss beautiful!” sigaw pa niya sabay flying kiss.

Napailing na lang ako at tinalikuran na siya. Sira ulo yata 'yon. Ngayon lang ako nakita pakakasalan na ako.

Pumasok na ako sa loob at tumulong kay Manang Celia. Ayaw ko naman matulog lang. Mas mabuti na rin 'yung wala silang masasabi sa akin. Malaki naman ang sasahurin ko kaya ayos lang na tumulong ako.

*****
Nag-aayos na ako ngayon dahil malapit na raw dumating ang susundo sa akin. Light blue na off shoulder at white pants lang ang suot ko. Nag-alangan pa nga akong isuot 'yung pants kasi butas-butas. Hindi naman pwedeng nginatngat 'to ng daga o kaya sira. Si Boss Jin ba pumili ng mga damit ko?

Isinuot ko na rin ang flat shoes na ibinili rin ni Boss sa akin. May mga high heels pa nga kaso hindi ako gumagamit ng mga 'yon. Nang regaluhan nga ako noon ni Samuel nang ganong sapatos, pinanghahampas ko lang kapag may ipis sa kwarto ko. Hindi ko kasi kayang gamitin 'yon.

Sakto namang tapos na akong mag-ayos nang may kumatok sa pinto. Binuksan ko agad 'yon.

“Nandiyan na ang sundo mo.” ani ni Manang Celia.

“Sige po, aalis na ako Manang.”

“Mag-ingat ka ha?”

“Opo.”

Nagmadali akong lumabas ng bahay. May nakita naman akong sasakyan at ang driver ni Boss Jin na naghihitay sa tapat n'on. Binuksan lang niya ang pinto na hindi man lang nagsasalita. Ngumiti na lang ako at pumasok na.

Sa kalagitnaan ng biyahe, napasabay na lang ako sa pagkanta nang buksan ng driver ni Boss Jin ang radio nitong sasakyan.

Nanananana nanananana~
Wow Fantastic Baby~

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Where stories live. Discover now