One Shot- Part 1

1.1K 23 7
                                    

Haellor Park's Note: Hello, hi. :)) Moshi-moshi sa mga Japanese, Anneyong sa mga Korean, Ni Hao sa mga Chinese, at kung ano-ano pang salita ang nag-eexist sa mundong ito bilang pagbati.

Unang-una sa lahat. Sorry!  Yan po ang una kung masasabi sa inyo sa hindi pagtupad ng promise ko. Mianhae, gomenasai!

Pangalawa. Thank you!  Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya. 5K reads lang po ang hinihingi ko pero dinoble niyo.

Pangatlo. Grabe, natouch ako sa comment mo!  Tumalon po talaga ako sa tuwa ng mabasa ko ang comment mo na napakahaba. Ang kaso, ng makita ko, 1 month ago na siya. :( Kaya heto ako ngayon, hinihintay mo pa rin ba ang UD ko?

Pangapat. Fiction lang ito!  Alam ko po na may mga HENZO jan pero katuwaan lang po naming mga pro-HICO. Be open-minded na lang.

Panghuli. Dedicated ko to sa lahat ng mga HICO. Magsama-sama po tayo dito at sana maging kaibigan tayong lahat.

Ayan,ang haba na ng note ko! XD Mag enjoy po tayo sa pagbasa. Maiyak, magalit, matuwa, malungkot at masaktan.

P.S: Bago niyo basahin, pinapaalalahanan ko lang kayo baka kasi maguluhan kayo ng konti. Ang age po nina Hope at Mico dito ay 25 na. Haha, matured na sila pero wala kayong mababasang kamanyakan dito. Understand?

--

100 Steps To His Heart Fan Fiction

100 Steps To Mico's Heart

A one-shot love story of Hope Yazon and Mico Layola

Written by: iaHP28 (Haellor Park)

--

Two years. Two years na ang nakalipas simula ng araw na yun. Two years ko na rin pinapamukha sa sarili ko kung gaano ako katanga pagdating sa pag-ibig.

*Ding Dong*

Napabalik ako sa katinuan ko ng may biglang nag doorbell. Sino naman kayang timang ang bibisita saakin sa oras na ito? Hello, its already 9:30 P.M.

Inis kung binuksan ang ppinto. "Distorbo, kita na ngang natutulog na yung tao!"

"HOPE~!" nakakabingi niyang sigaw at niyakap ako ng mahigpit to the point na hindi na ako makahinga. "Na-miss talaga kita."

"Teka..." sabi ko at pinipilit na makawala sa yakap. "Sino ka ba?" tanong ko. Hindi ko pa kasi nakikita ang mukha niya kaya natural lang na magtatanong ako.

"Ay, bruha!" sabi niya at binitawan ako bigla. "Two months lang akong nawala tapos --"

"MIKS~!" this time ako naman ang sumigaw at niyakap siya. Na-miss ko ang baklang to! "Sorry kung di kita nakilala. Ikaw kasi eh, bigla-bigla mo nalang akong niyakap.Hahaha!" sabi ko. "Teka, kelan ka nakauwi?"

Binigyan niya lang ako ng tingin. "Pasok muna tayo, Hope?" sarcastic niyang sabi at tumawa naman ako. "Hay naku Hope, hindi kapa rin nagbabago." naiiling niyang sabi.

"Eh ikaw din naman ah. Tignan mo bakla ka pa rin." pang-aasar ko sa kanya. "Akala ko nga makakahanap ka ng girlfriend doon sa Canada."

Bigla naman siyang nandiri sa sinabi ko. "Yuck.Eww.Duh.Never.Ever."

"Hahahah, oo. Never nga talaga. Talo mo pa nga ako eh." sabi ko. "Teka, alam na ba ni Chelsea na nakauwi ka na?" pag-iiba ko ng topic. Miss ko na rin ang bruhang yun. Palagi siyang busy sa work niya eh.

"Ay oo nga pala!" parang nagulat naman siya. "Sinusundo pala kita dito. Naghihintay si Chelsea sa condo niya, hahaha! Nakalimutan ko."

"Huh? Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100 Steps to Mico's HeartWhere stories live. Discover now