Last Part of FINALE

1.7K 48 25
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL?

By: TrenzEbor

FINALE part 2 ( last part )

Tiningnan ni Trenz ang babaeng nakahiga sa braso n'ya. Mahimbing ang tulog nito.

Huminga s'ya ng malalim. Pinasadahan ng palad n'ya ang buhok nito.

"Mahal din kita. Mahal na mahal."

Sunod n'yang ipinatong ang palad n'ya sa kaliwang dibdib nito. Dinama ang puso ng dalaga.

Nang bigyan s'ya ni Yezhua ng kapangyarihang magpasya para sa hinaharap ni Meree, gamit ang mahihiwagang pahina mula sa aklat nito. Nalula s'ya sa gusto n'yang mangyari.

Nakasaad sa papel na ibinigay sa kanya ni Yezhua, na ang kasalukuyang katawan ni Meree ay nakatakdang masira. Iyon ang 'di n'ya mababago. Ngunit magagawa n'yang bigyan ito ng kaluluwa kapalit ng eksistensya n'ya.

At ipadala sa mundo ng mga tao. Upang duon maipagpatuloy nito ang normal na buhay gaya ng hangad n'ya para dito.

Hindi na s'ya nag-aksaya ng panahon.

Gamit ang isang pahina, gumawa s'ya ng kontra kasunduang pinirmahan nya sa aklat ni Zafiro.

Ang ikalawang pahina ay ginamit n'ya sa paggawa ng kasunduan para sa apat na hari.

Kasunduang magagamit din sa pag trap kay Zafiro.

Gamit ang powder of distraction n'ya. Ini-reverse n'ya ang bisa nito at ginawang powder of restoration.

Ginamit n'ya si Carolina, na nababasa ni Zafiro ang naiisip.

Pinalabas n'yang pinatay n'ya si Yuls. Upang iyon 'din ang makita ni Zafiro.

Ang pulbos na isinaboy n'ya kina Carolina, Trenz at Yuls ang nagdala sa tatlo sa espasyong pansamantalang titigilan ng kaluluwa ng mga ito.

Ang plano niya para kay Meree ay lumawig hanggang sa mga kaibigan nito.

Ayaw n'yang mapunta si Meree sa lugar na walang kasama.

Kaya, sa basbas ni Yezuah. Sumilip s'ya sa talaan ng tagasundo. At duon n'ya nalamang may pitong kaluluwa na susunduin sa iisang oras.

Napag-alaman din n'ya na may mga pagkakataon na ang kaluluwa ng isang tao ay hindi na nais pang bumalik sa kanyang katawan, ngunit ang katawang iniwan nito ay maaari pang gamitin ng ibang kaluluwa.

Trabaho ng death angel na mamili ng mga kaluluwang gustong pumalit sa mga ito, upang magamit pa ang walang malay na katawan na naiwan.

Nagkakaroon ng munting paligsahan ng mga kaluluwang gustong makabalik pa sa lupa.

Upang maisakatuparan n'ya ang plano. Kinausap ni Trenz ang Death angel.

"Bakit susunduin mo na ang mga kaluluwang 'yan kung ang katawan nila ay magagamit pa naman?"

Tanong ni Trenz sa Death Angel.

"Binigyan ko sila ng babala ng kamatayan. Sa pamamagitan nu'n nagawa kong pamiliin sila. Kung babalik pa sila o hindi na. Pinili nila ang huli."

"Paano kung magbago ang isip nila. Kung sa pagsundo mo ay hindi sila sumama"

"Nakapirma na sila sa aking talaan."

"Ganu'n ba? Nakapili ka na ba ng kaluluwa na ipapalit sa kanila?"

"Alam ko na iyan ang iyong sadya. Kinausap na ako ni Yezhua tungkol d'yan. Ibinibigay ko sa'yo ang pribilehiyong makapamili."

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Where stories live. Discover now