Chapter 37: Nightmare

8.4K 185 83
                                    

_____________________________________________________

"Hiro... Hiro..." humihikbing saad ng pamilyar na tinig.

 

Hindi man nakikita ni Hiro ang mukha ng nagmamay-ari ng tinig na iyon, alam niyang nahihirapan na din itong huminga sa klase ng matunog na pag-iyak nito. Ramdam niya ang bigat na dinadala nito sa dibdib na animo'y pasan ang buong daigdig.

 

Magkagayunman, unang beses pa lamang niyang makita ang dalaga na umiyak nang ganun. At hindi niya din alam kung ano ang posibleng rason kung bakit. Kunot-noong nilingon ni Hiro ang dalaga upang siguraduhin ang mga hinalang bumabagabag sa isipan niya.

 

"C-Charlotte?" nauutal pa ring saad ng binata nang mapagsino kahit tumugma ang hinala niya.

 

"Hiro..." mas lalo pa itong humagulgol at tuluyan nang tinalunton ang dalawang metrong espasyo nila bago siya niyakap ng mahigpit. "Hiro..."

 

Agad siyang nanigas sa biglang pagyapos ng dalaga. Unang beses pa lamang iyon nangyari kaya hindi din siya agad nakahuma sa gulat. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Gustuhin man niyang itulak ito na madalas niyang gawin sa dalaga ay bigla siyang nag-aalangan dahil sa kasalukuyang sitwasyon nito.

 

"A-Anong n-nangyari?"

 

Bigla, tila hindi na alam ni Hiro kung paano makikipag-usap dito. Tila may bikig na din sa lalamunan niya at nawalan na ng saysay ang mga katagang nais niyang sambitin.

 

Hindi sumagot si Charlie na patuloy lang sa pag-iyak. Mas lalo lamang hinigpitan nito ang pagyakap sa kanya na tila doon na lamang humuhugot ng lakas.

 

Sa huli ay napapabuntong-hiningang kinalma ni Hiro ang sarili. Marahan niya ding hinagod ang likod ng dalaga upang pakalmahin din ito sa pag-iyak.

 

Pero hindi niya napaghandaan ang sumunod na pangyayari.

 

In an instant, Hiro felt a tinge of bolted electricity run through his nerve endings sa simpleng pagkakadikit ng mga katawan nila ng dalaga. Bigla ang pagsalakay ng kaba niya at ang hindi maipaliwanag na mabilis na pagtibok ng puso. Bago pa siya nakapag-isip ay mabilis niyang hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga at itinulak ito palayo sa katawan niya.

 

Hindi niya naiwasang sigawan si Charlie.

 

"Ano bang nangyari?! Hindi ka naman sumasagot eh!" nakataas ang boses na saad ni Hiro upang pagtakpan ang nararamdaman.

 

Tinignan siya ng dalaga sa mga mata na hilam ng mga luha at agad ding iniwas ni Hiro ang paningin dito.

 

"Si Daddy mo kasi... Pinagalitan ako..." saad nito sa pagitan ng mga hikbi at bigla na naman itong humagulgol.

 

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon