Chapter 34: Unexplainable Feeling

640 19 25
                                    

Chapter 34: Unexplainable feeling

** Misha's POV

"Mimi! hinahanap ka ni Zach." – Winter

Napatingin naman ako kay Myco. Ano ginagawa niyan dito? At bakit niya ako hinahanap? Nakatingin lang din siya nang seryoso sakin.

"Can we talk?" - tanong ni Myco sakin.

"About what?" - tanong ko din sa kanya.

"About yesterday." matipid na sagot niya sakin.

Nagulat naman ako. It's not what I expected it. Dapat ba naming pag-usapan ang ganun? Pero siguro nga dapat talaga namin pag-usapan yung nangyari kahapon. Nasaktan kaya ako sa mga sinabi niya. Kaya nga ko umiyak diba? Duh! =___=

"S-Sige." nauutal na sabi ko.

"I'll wait for you in the parking area." at umalis na siya.

Sinundan lang ng mga mata ko ang paglabas niya ng pinto ng library.

Nang maalala kong may sinasabi pala si Ian kanina. Pero naputol ni Winter yung pagsasalita niya.

"Uh, Ian.. You were saying?" tanong ko sa kanya na parang ikinagulat naman niya.

"Ha? A-Ah.. Wala.. Sige una na ako, Misha." pagpapaalam niya tsaka umalis.

Ewan ko lang pero pansin kong parang ang lungkot-lungkot niyang tignan. Naawa tuloy ako sa kanya. Yun bang parang natalo siya sa isang napakahalagang laro. Pero ano naman kaya yun?

"Mimi.." - pamukaw ni Winter

"Bakit ka pumayag sa sinabe ni God Of Seduction?!" - tanong ni Autumn na parang tutol sa pagsang-ayon kong mag-usap kami ni Myco babes ko.

"Tsaka anong nangyari kahapon? Bakit kelangan niyong pag-usapan?" – Maddie

"A-Ah? A-Ano kasi.. Uhm.. W-Wala.. Hehe. "

Tinignan naman nila ako ng isang makahulugang tingin. Yun bang "wag-ka-na-magkaila" look. Tatlo pa sila. =____=

"Tsk. Oo na. Ganto kasi ang nangyari.."

Nikwento ko naman sa kanila ang nangyari. Eh wala akong choice eh. 3 versus 1? Talong talo ako. So ayun  kelangan kong magkwento.

"..syempre nasaktan ako dun. Buti na lang talaga dumating si Ian nun. Basa na ko ng ulan. Kung di siguro dumating si Ian baka hindi ako nakapasok ngayon kasi nilagnat ako."

"Waaaaaah! Ang bad talaga ni Zach! Shet lang ang walang ganti! Tara na Autumn! Resbakan natin!"

Bago pa man sila makatayo ay pinigilan na namin sila ni Maddie.

Forever And Beyond [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon