Chapter 50: Attack

7.4K 228 3
                                    

Chapter 50: Attack

*********

Kinakabahan talaga ako! Parang malaki yung chance na matalo ako. Siguro ay dahil kalaban ko si Violet? Pero hindi naman siguro siya ganun ka lakas.

Nagulat ako nang biglang nagkaroon ng tigre sa tabi niya. Woah. Isa siyang summoner!!!

"Tiger, attack her!" Sigaw niya.

Hinanda ko na ang aking sarili nang sumugod sa'kin yung tiger. Nanlilisk ang mga ito nito. Nakalabas pa yung pangil at tumutulo pa yung laway. Eeeew.

"Fire shield!" Gumawa ako ng fire shield na medyo malayo sakin.

Nanlaki ang mga mata ko nang tinalon niya lang ang shield na ginawa ko.

Waaaaah unbelievable!

"Fire blades!" Bigkas ko.

Nagkaroon ng isang fire blades ang kamay ko. Pagbato ko nun sa tiger ay bigla dumami yung mga fire blades ko.

Nagulat ako nang walang epekto iyon sa tiger. Hindi manlang nasugatan!

"OH NO! KASALUKUYANG NAG LALABAN NGAYON SILA FIERA AT VIOLET! SINO KAYA ANG MANANALO SA KANILA?!" Sigaw ng emcee. Oo emcee na. Napagod yata kakasigaw yung head master.

Mas lalong umingay yung paligid.

"Fire tiger!" Bigkas ko.

Nakalikha ako ng isang tiger na gawa sa apoy. Nag salubong yung fire tiger ko at tiger ni Violet at nag bungguan ang mga ito.

Ang resulta?

Naging abo yung tiger niya! Wahahaha!

Nanlisik ang mga ni Violet. "How dare you to turned my tiger into ashes?!" Nanggagalaiting sabi nito.

"Yun lang ba ang kaya mo?" Nang hahamong sabi ko naman.

Sus. Hindi naman pala siya ganun kalakas. Maybe mahina yung nakalaban niyang creatures at contestants kanina kaya niya natalo.

"Hinahamon mo talaga ako!"

*BOOOOGSH*

"AAAAAAAAHHHHHH!!!!!!" Nagulat kami nang biglang may sumabog. Hindi dito nanggaling iyon sa contest kundi sa...

ACADEMY?!

"UMAATAKE ANG DARK SIDES!" Sigaw ng mga fairies.

Oh my god.

*BOOOOGSH*

*BOOOOGSH*

*BOOOOGSH*

Sunod-sunod na pagsabog ulit ang naganap. Unti unti nang nawala yung maze.

Agad akong umalis ng field at hinanap sila Patty. Ang gulo ng paligid kaya hindi ko sila mahanap. Plus yung mga tao pa na nag tatakbuhan.

Shit asan na ba sila?!

"Fiera!" Biglang may humila sakin at niyakap ako.

"Ace?" Pabango pa lang niya ay alam ko na.

"Thanks god ligtas ka. Kailangan na natin umalis dito!" Sabi niya.

"Sandali sila Patty?!"

"Nanduon na sila sa loob ng academy. Ikaw nalang ang hinihintay namin."

Lumipad kami gamit ang kapangyarihan ni Ace para makapasok sa academy. Hindi kami pwedeng dumaan sa gate ng academy dahil duon umaatake ang mga dark sides. Pumunta na duon ang head master pati ang magic council upang pigilan ang mga dark sides sa pag atake.

Wala kasing magic Barrie ang nakapalibot sa academy kaya sinamantala ito ng dark sides.

Pero sana ayos lang sila Patty.

"Fiera!" Agad akong niyakap ni Patty nang magkita kami sa corridor.

"Ayos lang ba kayo?" Tanong ko. Andito nga din pala si Luke.

"We're fine. Ikaw ba?"

"Ayos lang din ako."

Buti naman ay walang nangyari sa kanila.

*BOOOGSH*

Napayuko kami nang biglang may malakas na sumabog. Mas malakas pa kaysa sa kanina.

"Anong nangyari?!" Ako.

"Mukhang tinuloy na talaga ng dark side ang pag atake nila. Mag handa kayo!" Sabi sa'min ni Ace.

*BOOOOGSH*

May sumabog nanaman. Nakita nalang namin na butas ang magkabilang pader ng academy. At nag sisipasukan na ang mga dark sides. Nagkalat din ang apoy sa paligid.

Patuloy ang sigawan at takbuhan ng mga estudyante.

"Ito na na ba ang war?" Wala sa sariling tanong ko.

"Hindi ko alam." Sinagot ni Ace.

"Mag hiwa hiwalay tayo. Luke magsama kayo ni Patty, kami naman ni Fiera." Sabi ni Ace.

Tumango naman sila Luke at Patty. Nilabas na ni Patty ang sword niya bago sila sumugod sa mga dark sides.

"Dito ka lang sa tabi ko. Wag kang lalayo ok? Ayokong mapahamak ka." Sabi ni Ace sa'kin.

I nodded. Binalot ko na ng apoy ang dalawang kamay ko. Sumugod na kami ni Ace sa mga dark sides.

"Mamatay na kayo!" Sigaw ko. Pinag susuntok ko yung isang dark side gamit ang umaapoy kong kamay.

Agad naman itong naging abo. Si Ace ay patuloy parin sa pakikipag laban. Lima lima pa nga ang kinakalaban niya.

Tuloy tuloy parin ang pag pasok ng mga dark sides sa dalawang wasak na pader.

"Fire tornado!" Bigkas ko.

Sa isang iglap ay nakalikha ako ng dalawang apoy na tornado na humaharang sa dalawang pader na wasak kung saan dumadaan ang mga dark sides.

Tignan natin kung makapasok pa kayo.

*BOOOOOGSH*

Tumalsik ako ng biglang sumabog ang paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang mawasak ang matataas na pader ng academy.

Oo as in! Wasak! Tumba!

"Fiera!" Biglang tumabi sakin si Ace.

"Hindi na ligtas dito. Padami na sila ng padami! Iaalis na kita dito." Sabi niya bago niya ako binuhat at lumipad.

"Teka! Iiwanan natin sila?! Ayoko!" Humiwalay ako kay Ace. Dahilan para mahulog ako.

Nilagyan ko naman ng malakas na apoy ang mga paa ko kaya dahan dahan akong lumapag sa lupa.

"HAYA!" Tinadyakan ko yung isang dark side na balak akong saksakin.

"Kamusta Fiera?" Napatingin ako sa lalaking nag salita.

Ang dark king.

"Ang kapal naman ng mukha mong tawagin ako! Hoy hindi tayo close! Pwede ba umalis ka na at isama mo na din ang mga panget mong alagad!" Sigaw ko sa dark king.

Mala demonyo itong tumawa. "Hindi ko gagawin iyan. Dahil ito na ang oras ng pag bagsak ng mystinious academy!"

"At sa tingin mo mag tatagumpay ka?!"

Ngumiti ito ng nakakaloko. "Oo, sapagkat gagamitin kita."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and comment po ^___^

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now