1: Kathryn Bernardo

2.9K 46 14
                                    

Kathryn's POV

*BEEP BEEP BEEP*

*BEEP BEEP BEEP*

Takteng alarm na to. Ayoko pa gumising!

Tinakpan ko mukha ko gamit ang unan ko...

ang ingay kasi eh! -____-

"Kath! Anak, gising na! 5 o'clock na o!" Sigaw ni mama saakin.

Hay. Sige na nga. Malate pa ako. Hirap na. First day pa naman.

"Gising na 'ko, ma! Ligo na po ako." Reply ko sa kanya, bago pumasok sa banyo ko.

--

Ako nga pala si Kath. Full name? Kathryn Chandria Manuel Bernardo. Ako ay fifteen years old at nakatira sa States (US). Obviously, pinoy ako.

Nagtatagalog nga diba?! =))))))) 

Pero I moved to the US last year kasi gusto ni mama dito ako mag-aral. Mas marami daw ang opportunities dito kesa sa Pinas eh. 

Sophmore (second year of high school) na ako, pero first year ko palang this year na pumasok sa totoong school dito sa States. Homeschooled kasi ako nung freshmen year ko. Medyo late na din ako dumating eh. Sina mama at papa dito na nakatira. Mga three years na rin silang nakatira dito. Naiwan ako sa lola ko, hanggang naayos nila yung mga papeles ko. 

Dumating ako end of September last year. Ayaw daw ni mama na mahirapan ako magadjust sa bagong country, tapos late pa ako sa school year, so pinahomeschool nalang niya ako. 

--

"Kath, breakfast na! Bilisan mo, nak. Bus mo umaalis ng 6:20 a.m." 

Nako ma... oo na po. -____- paulit ulit naman eh.

Bumaba ako at binaba ang backpack ko sa isang silya sa dining room namin. Kumuha ako ng bowl at milk, tapos corn flakes at inilagay ko sa bowl. Tapos kinuha ko yung sandwich na ginawa ni mama mula sa counter at inilagay sa gym bag ko.

Oo nga pala! Nasa volleyball team din ako. Sa JV (junior varsity) ako naglalaro. Last year naglaro din ako, pero di para sa school since nakahomeschool nga ako, pero naglaro ako ng "club volleyball". Di kasi full year mga sports nila dito. Weird nga eh. Sana volleyball nalang all year pero hindi eh. :( 

TIme check6:08 A.M.

You and I CollideWhere stories live. Discover now