Time check : 6:45 pm
Location : #11-S 779 street Brgy 082 Pangungusap City
nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay ni Suomi .
nakapatay yung mga ilaw except dun sa may pinto .
"ganda ng bahay ah"
sabi ko .
"timang , di kaya"
"oo kaya ,"
"ewaan , tara pasok ka muna"
"wag na , ano ka ba ?"
"dali na , I insist . mamaya pa kasi dadating si Ate eh . mga 9pm pa . wala akong kasama"
"ganun , next time na lang , ang laki laki mo na eh , di mo na kailangan ng kasama"
kahit gusto ko din naman talaga , umayaw na ko .
nangangamba kasi ako baka di ko mapigilan na sabihin sa kanya na ako si Simsimi ng simsimi.com
playing safe muna ko .
"dali na please ?"
nilapitan niya ko at hinawakan yung kamay ko .
pag tingin ko sa mukha niya , naka pout siya .
haaay ang cute -_____-
"pasalamat ka cute ka"
yan na lang nasabe ko .
"YEY ! hahahaha . tara dali !"
at hinila niya ko papasok ng gate papunta sa pinto .
di nga ko nagkakamali .
SOBRANG GANDA NG BAHAY NIYA .
as in .
ayokong idescribe .
baka mamaya puntahan niyo siya at nakawan .
kawawa naman yung Suomi my loves ko .
umupo muna ko dun sa sofa .
"feel at home ,"
sabi niya .
pumunta ata siya sa kusina .