Chap 3. First KISS agad?

47 1 0
                                    

May 20, 2013, Monday

May klase uli kami pero wala kami ginagawa, di ko na masydo matandaan kung ano ginagawa namin basta ang alam ko nasa skul kami kasi may pasok.

May plano kasi kami tatlo nila tin-tin, feng at ako na uminom ngayon may dahilan pero hindi ko na maalala, magkatext pa din kami ni Sam hanggang sa matapos ang klase at deretso kami nila tin-tin at feng sa apartment ko para makapsimula na uminom para di kami gabihin kasi may pasok pa sa ojt bukas, sabay ang summer class ko at ojt, hahahaha.

Nabanggit ko kay Sam na iinom kami at nasa apartment na kami at malapit na magsimula, nagkukulitan kami na kung pupunta siya e makukuha na niya ung premyo niya sa akin, kasi nga umabot siya ng 12 midnyt na gising pa at magkatext kami.

Mejo nahihiya pa ako na umoo at papuntahin siya at nagdadalawang isip din ako kasi nga may gf at bf siya tapos kakabit ako, pero dahil sa mapilit siya at uuwi din daw kasi siya sa bahay nila kaya okay na okay talaga na pumunta siya sa apartment ko.

Nasabi ko na kay tin-tin at feng na darating si Sam, at nung susunduin ni tin-tin si Sam sa lrt e sumabay na si feng kasi uuwi na din siya dahil matagal pa ang byahe niya, naubos na din kasi namin ung isang bote kaya pagkadating ni Sam e ang sarap ng higa ko sa kama, nagulat talaga ako na talagang pumunta siya, natuwa ako pero natatakot kasi mali to e,

Nakaisa pa kaming bote ng matapos e nagpahinga muna kaming tatlo dahil babyahe pa pauwi si Sam, dahil sa dalawa ung double deck nsa kabilang kama si tin-tin at kami naman ni Sam ay magkasama sa kabilang kama, patay ang ilaw kasi matutulog kami kahit saglit lang, pero naguusap kami tungkol sa pagpunta niya at sa premyo niya dahil madilim at malabo ang mata ko di ko siya makita, magkayakap lang kami habang nakahiga.

Hindi ko maalala kung paano naging kiss ung premyo niya, nahihiya pa ako kasi talaga pero dahil sa nakainom, hinalikan ko siya, smack lang naman kasi ung lang ang alam at kaya ko, pero nagreklamo siya na un lang daw un, pinatulan ko na ano ba gusto niya, di daw niya masabi, tas ayun siya na ung humalik sa akin hindi lang basta halik un, hahay! tas magkayakap lang kami, maya maya umalis na kami tatlo para ihatid siya sa sakayan pauwi sa kanila.

Nung pabalik na kami ni tin-tin sa apartment e inasar ako na magkaholding hands na daw kami ni Sam, hinawakan niya kasi kamay ko nung tatawid na kami tas hindi ko na binitawan hanggang sa makasakay siya, hahaha. landi landi lang noh? inasar din niya ako na nagkiss kami di ako makapagsinungaling kaya sinabi ko na oo nagkiss kami kiss lang naman e, normal naman un pero samin dalawa hindi kasi may gf at bf siya.

KINABUKASAN

May 21, 2013, Tuesday

Pagkapasok ko sa ojt masaya ako kasi di ako makaget over sa kiss namin ni Sam kagabi, ganun agad agad e, walang alam sila feng, gemma at bryan, si tin-tin lang, tas nung lunch e nagkatext na kami ni Sam at nagsabi siya na akala niya ako daw ung kayakap niya matulog ikikiss pa daw sana niya buti napansin niya na kapatid niya, natatawa na lang ako sa kanya, dahil half day kami pumunta kami sa bahay nila Josh isa din sa kabarkada namin dahil malapit sa ojt namin, magkatext pa din kami buong maghapon at uminom sila gemma, bryan at josh, pahinga kami ni feng kasi 3 days straight na kami umiinom,

hanggang sa makauwi ako magkatext kami, aalis sila at may swimming kasama ang pamilya, nagbibiruan pa kami na bilhan niya ako ng pasalubong, :D naopen ung topic na magkatext kami, kung hindi daw binigay ni tin-tin sa kanya ung number ko imemessage niya ako sa fb, ang taray! ahaha. tinanong niya pa ako kung hindi daw ba niya kinuha number ko e may plano ako na kunin ung sa kanya, napaisip ako kasi hindi ko talaga alam, ang nasabi ko na siguro oo pero hindi agad baka paglipas ng ilang araw at baka minessage ko siya sa fb, hihihihi.

Baka matulog napagusapan namin ung kiss nung gabi, pinagsisisihan ko daw ba un? sabi ko hindi, ginusto ko din naman un at aminado ako na naglaladian talaga kami at mali ko talaga, e may gf at bf siya tapos ako single pumapayag na ganun, ang gago ko di ba?

........................................................................

weew! ang landi lang talaga, pero ung sa paghingi ng number, di ko talaga alam isasagot nun sa kanya kasi ang totoo di ko talaga pansin nun, napansin ko talaga siya nung nagkatext na kami na malambing siya e kasi nanlalandi, tska hindi siya pasok sa mga type ko sa babae, kasi ang type ko ung maliit tapos petite, e siya mas matangkad sakin tapos hindi payat at hindi mataba, kaya parang suntok sa buwan talaga,

Hindi na lang sana ako naging TANGA. (true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon