CHAPTER 33. WHAT A COINCIDENCE

692 9 2
                                    

Blaze POV

nagising ako ng umaga kasi susunduin ko sila liza sa bahay nila. pupunta kami sa Rest house namin sa tagaytay naandun kasi si mom and dad. si ate susunod kasama ung fiance niya na hanggang ngayon di ko pa rin kilala..

after nun ay pumunta na ko sa bahay nila liza. you know what Guys. im so happy with liza.. kung dati pinakawalan ko pa siya pero ngayon hindi na mangyayari un.. mahal na mahal ko si liza.. so gay ba? haha.. 

"good morning po tita" bati ko sa mom ni liza ng makapasok ako sa gate nila. nagdidilig kasi siya ng mga flower.. 

"ooh ikaw pala iho. pasok ka. nasa kusina ung magina mo" sabi ni tita. at pumasok na ko sa loob.wala pala ung dad ni liza nasa abroad na naman daw.. engineer nga pala un.. pumasok ako sa kusina at nakita ko rin si kuya lance.. nakipag apir lang siya sa kin.. bati na kami nan ni kuya..haha

pagkatapos kumain namin nila liza ay umalis na kami para maaga kaming makarating. malayo din kasi ang tagaytay sa manila.. ang saya nga ni kiel ei.. makikita na niya ang lolo at lola niya.

mga ilang oras ay nakarating na kami sa rest house

bumaba ako at pinagbuksan ko ng door si liza.. binuhat ko rin si kiel

"WOW.. ang ganda blaze" medyo nalungkot ako sa blaze lang ang tawag niya sa kin.. pero namangha siya sa dami ng flowers naandito.. mahilig siya sa pink rose.. honestly sa kin nga galing ung pink rose na binibigay ko sa kanya with letters.. 

napangiti na lang ako sa kanya habang iniikot niya ang mata niya sa paligid.. sinalubong na agad kami nila mommy and daddy nasa door na sila

"Mom, dad" tawag ko.

"anak. i miss you so much son" sabi ni mommy. and kiniss niya ako sa cheeks.

"ahm mom i want you to meet my girlfriend liza and our son kiel" pakilala ko sa magina ko

"aba tignan mo nga naman tong anak ko ang ganda pumili ng babae. " biro ni daddy

ngumiti lang si liza" hello po. good morning" sabi ni liza.. tapos nagbeso beso sila.. kinuha naman ni mommy si kiel sa kin

"halika na pasok muna tayo. ang cute cute naman ng apo ko" sabi ni mommy.. napangiti na lang ako.. nakaakbay ako kay liza.. kasi kanina parang kinakabahan siya. tapos sa kotse tanong siya ng tanong sa kin kung mataray ba daw si mommy. haha. nagustuhan naman siya ni mom and dad.

"mga anak kumain na kayo dito." yaya ni mommy

"busog pa po kami. kumain po kami bago umalis" sabi ko

"ayy siya pahinga na muna kayo. at mukang pagod na pagod kayo sa byahe.. nagtext ate mo. mamaya pupunta ate mo kasama ung fiance niya.. next month na daw ang kasal" sabi ni mommy

"next month? bakit parang ang bilis. di ko pa rin kilala ko ung fiance niya" sabi ko kay mommy

"nako anak. ang gwapo ng mapapangasawa niya. at may trabaho na naman ito. mamaya makikilala mo siya" sabi ni mommy at umakyat na kami sa taas.

"Blaze iisa lang kwarto natin" tanong ni liza. natawa naman ako dun.. 

" oo. ayaw mo nun makakatabi mo na rin ung mapapangasawa mo soon" biro ko sa kanya.. hinampas niya lang ako.. si kiel na kay mommy. tuwang tuwa siya sa anak ko.

"kila ate na kasi ung isang guest room kaya iisa na lang.. sa baba na lang ako matutulog mamaya. kayo na lang jan ni kiel sa taas" sabi ko sa kanya.. 

hindi na siya nagsalita.. humiga na lang siya sa kama. pagod na ang baby ko.. "blaze anak mo ha.. magpapahinga lang ako" sabi ni liza.. and then un pinikit na niya ung mga mata niya.

LIZA POV

nagising ako naririnig ko ung ingay ni kiel at ni blaze.. naglalaro sila.. 

" mommy" sigaw ni kiel ng makita niyang gising na ko. nagsmile na lang ako

"babe. dadating na sila ate. kakain na tayo ng dinner mamaya." sabi ni blaze.. ang haba pala ng tulog ko..hayy naglinis muna ako ng katawan.. gusto kong maligo pero ang lamig dito sa tagaytay.. nagmamadali na rin ako. naligo naman ako kaninang umaga kaya hindi ako mabaho ha.. 

argh ano ba yan.. nasa bag pa ung mga damit ko. at naka bathrobe lang ako. nasa labas si blaze.. tss bahala na.. walang malisya to... lumabas ako ng Cr. and then naglalaro pa rin sila.. nakita ko naman nakatingin si  blaze sa kin. 

"tutusukin ko yang mata mo blaze" sabi ko kay blaze.. 

"ano. masama ka bang tignan" sabi niya.. pilosopo talaga tong lalaking to

"labas. magbibihis lang ako" sabi ko na lang sa kanya

"tara baby.. iwan na natin si mommy. " sabi ni blaze. at lumabas na sila,.. nagdress lang ako tapos ayun light make up . tapos un na.. magkikita na ulit kami ung ate ni blaze..hayy medyo nahihiya ako.. kasi alam niyo na... 

ilang oras ay bumaba na ko. at nakita ko sa may sala si blaze and kiel. ung mommy naman ni blaze nasa kusina nagpprepare ng food. dumiretso naman ako dun.

"tulungan ko na po kayo tita" sabay kuha ng placemat. 

"alam mo iha. ang swerte ni blaze sayo kasi sobrang bait mo. nakikita ko sa mga mata mo.. " sabi ni tita..

"hehe. salamat po tita. swerte din po ako sa anak niyo. dahil alam ko pong mahal na mahal niya po kami ng anak ko" sabi ko. tapos ayun nagkwentuhan na kami. ung bata pa si blaze.. haha.. nakakatuwa kausap si tita.

umakyat mo na ko sa taas para tawagin si blaze.. umakyat din kasi sila, magbibihis daw.. 

sabay sabay na kaming bumaba.. habang papalapit ako sa kusina. naririnig ko ung tawanan. at kinakabahan ako.

"ATe" bati ni blaze.. nakatalikod kasi ung ate niya tsaka fiance niya. pero likod pa lang kilala ko na.. lumingon silang dalawa.

O_O

"ooh ayan na pala. ang apo ko. upo na kayo iha." sabi ng mommy ni blaze.

"LIZA." sabi ni kuya

"KUYA" sabay naming sabi ni blaze.

"TITO" sabi ni kiel

omygosh. si kuya lance ang fiance ni ate belle,

"wait. magkakilala na kayo" tanong ni tito. daddy ni blaze.

"yes tita.. this is liza my sister" formal na pakilala ni kuya. 

"so funny. what a coincidence.. girlfriend ng kapatid ko ang kapatid mo babe" sabi ni ate belle kay kuya lance while laughing,.

"and wait.. sabi na.. nung birthday mo.. sabi ko familiar ka kasi nakita na kita sa bahay namin with lance.. and sabi ni lance.." di na nagpatuloy si ate ng sumingit si blaze

"na naligaw siya. un pala ung ate. haha.. nakakatawa nga ei. buti nakita ko tong babaeng ito". sabi ni blaze.. agad naman sumangayon si kuya.. kinabahan talaga ako dun as in.. baka rin malaman ni kuya ung naging issue sa min ni laze. di pa nila alam un.. remember the DARE OR DARE GAME.. hayy..

________________________________

PABITIN GUYZZZ.. 

AUTHOR NOTE;

GUSTO KO PO SANANG HUMINGI NG SORRY SA BAGAL NG UPDATE DAHIL MADAMI PO AKONG GINAGAWA AS IN ARAW ARAW,. ARAW ARAW NA ASSIGNMENT TAPOS PROJECT. TAPOS NEXT HELL WEEK KASI MIDTERM EXAM NA NAMIN. KAYA PAGPASENSYAHAN NIYO NA HA.. NAIISTRESS AKO EI.. HAHA.. SORRY TALAGA GUYZ.. KUNG SINO MAY QUESTION.. MESSAGE ME LANG POWHZ.JEJE.. 

COMMENT AND VOTE GUYZ..

PS;

NAMISS KO KAYO.. SWEAR

DARE OR DARE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon