Pangatlo

316 2 1
                                    

Tahimik na ang paligid at kami na lang ang maingay sa masikip na kalsada. Full moon kaya sapat na samin ang liwanag na galing sa buwan para magsaya sa isang maboteng usapan.      

 Tinakpan ng mabilis ni Rommel ang mukha niya para mapigilan ang pagsuka. Lasing na si Rommel. Namumula na ang mukha at mata.  Tinuloy niya ang usapan namin sa end of the world, illuminati conspiracy, alien abduction, concert ni katy perry, kaseksihan ni katy perry, abortion, pulitika, hanggang sa pag-ibig.

 Bumanat na din ang isa pang lasing.“Hoy, valedictorian! Nasusuka ka na? Buntis ka yata eh. At tsaka luma na yang elevator at escalator na quote mo. Napag-iiwanan ka na ng panahon. Ito, na lang oh. Ang pag-ibig parang tae, Kapag dinilaan mo magiging ice cream. Tapos lagyan mo ng toppings, yung tae ng daga at itlog ng ipis. Tapos inum ka pururot.” Tuluyan ng sumuka si Rommel. Nagbukas ng isang tigpipisong cheepy si Patrick. Inubos. Nagbukas ulit. Inubos. Magbubukas pa ng isa,,..

  “Ui, boy pulutan. Tama na yan. Tang ina talaga nito oh, di ka na nag-ambag eh.” Hinila ko ang cheepy. Binuksan ko at ibinuhos sa bunganga ko. Nagbukas ulit ako. At ibunuhos sa bunganga ko. Isa na lang ang cheepy na natitira. At kailangan ako ang makaubos nito.

   Slow motion. Gumalaw ang kamay ni Patrick na ang plano ay dakmahin ang nag-iisa na lang na pulutan. Kasabay nito ang pagbuhat niya sa katawan papunta sa lamesa. Alerto ako, agad kong inatras ang lamesa para di niya maabot. “Ooohhh gagooo, aaakin naaaa tooooowwwww..” Narinig ko pa ang mabagal at slowmo ding boses ko. Pero hindi pa tapos ang action scene. Hinila niya din ang lamesa pero hindi ako bumitaw, na siyang dahilan na pareho kaming napatumba at nasa gitna na naming ang cheepy.

   Nag-chinese get-up siya at umakma ng eagle style stance. Tumayo naman ako at nagpagpag ng sarili ko sabay akma ding parang magboboxing. Paikot akong tumalon para bigyan siya ng flying kick  pero masyado akong mabagal. Nasangga niya ito sa kaliwa niyang braso. Sinundan ko naman ng mga mabibilis na suntok sa kaliwa at kanan. Drunken master pala ang kalaban ko at langaw lang na umiilag-ilag sa mga hataw ko. Hanggang sa nasangga niya ang kamao ko sa palad niya. Inikot niya ang kamay ko at namilipit ako sa sakit.

  “Hindi ka magtatagumpay sa masama mong plano Patrick!” Ginamit ko ang kanan kong nakasaradong kamao para ipahalik sa mukha niya. At nayupi ang pisngi sabay ang pagkabangga niya sa sementadong pader.

   “Yun lang ba ang kaya mo Spongebob?” Pang-aasar ni Patrick. Balewala lang ang buong lakas kong pagsuntok sa kanya.

   Kapwa kaming bumibwelo para makagawa ng isang energy ball. Umastang humuhulma ng kung ano sa dalawang palad. Sabay-sabay pa kami sa aming pagsigaw.

   “Kame..”

   “Kame..”

    “Hame..”

   “Hame..”

   “Haaaaaaaaaaaa!!!!???” Par, totoo ba ‘tong sinasabi ni Rommel na liligawan mo si Roselle bukas? Kahit amoy kanal pa yang hininga mo at may hang-over ka pa?” Tanong ni Patrick saken habang inaabot ang huling cheepy.

   Bumalik ako sa ulirat ko.  Tulala pala ako sa kawalan kanina pa at kathang isip lang ang fighting scene. Lasing na din yata ako. “Anong ha? Eh ikaw nga ‘tong tulak ng tulak sakin nung isang taon pa para ligawan si Roselle tapos nagtataka ka ngayon? Ano, lasing na kayong lahat?”

   “Biro lang pare. Hehe. Goodluck na lang sa pangliligaw at more birthdays to come. Karibal mo na si Sylestre. Nauna na siyang mangligaw sayo tatlong oras ng nakakaraan.” Malungkot na pagbabalita ni Patrick.

Sa Aking DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon