Sa mga nakarelate lang kayo..

1K 10 3
                                    

May mga bagay na gusto mong maabot, may mga bagay naman na gusto mong bitawan. Parehong masakit gawin pero ang pinaka masakit nga lang gawin eh, yung naabot mo na siya pero kinakailangan mo parin siyang bitawan dahil nakahawak ka na pala sa iba.

Minsan, mangangarap ka kasama ang isang tao, at kahit hindi mo sinasadya, may mga pangarap talagang hindi mo matutupad kasama ang taong yun. Dahil hindi lang talaga laan sa inyo yung pangarap na yun.

LOVE DOESN’T MEAN 

- dapat ganito ka

- dapat ganyan ka

- gusto ka ganito ka 

- gusto ko ganyan ka

LOVE SHOULD MEAN

- kahit ganyan ka

- kahit ito ka

- kahit ano kapa

Sabi nila pag may nawala, siguradong may dadating. Sabi ko naman, Di bale ng wag silang dumating. Wag ka lang mawala sa akin

Pahalagahan mo kung ano ang meron ka. Dahil yung ibang nasayo na, ipinagdadasal pa ng iba.

Minsan may nagtanong sa akin, paano daw kaya kapag nawala ka? Napa-isip ako, naluha. Natakot ako bigla. Tapos sabi niya, “Wag mo nang sagutin, sa mata mo pa lang halata na. Di mo talaga kaya.”

Mahina ang taong hindi kayang panindigan ang kanilang inumpisahan kaya wag mong sasabihing mahal mo ang isang tao. Kung ikaw mismo ang mang iiwan.

Tagalog QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon