5 Kasagutan

14.2K 402 14
                                    

"Kaya mo na?" Paninigurado ni Aira.

"Kaya ko na, salamat." Ngiti naman ni Skyler.

Hindi na sya inalalayan ng nurse sa paglalakad. Kayang kaya na nya at hindi na sya paika-ika katulad noong nakaraang linggo matapos tanggalin ang natitirang cast nya.

"Pano ba yan, wala na ako bukas." Medyo malungkot ang tono ni Aira habang naglalakad sila sa hardin, "Nakuha ko na kaninang umaga yung sweldo ko eh. Pinapadismiss na ako ni General."

"Magkikita pa naman tayo eh." Pagaassure naman ni Skyler, "Hangga't nasa bansa ka pa, promise, bibisitahin kita, tatawagan, itetext, kakamustahin."

"Wag kang magpromise." Napatigil naman si Aira.

Hinarap sya ni Skyler, "Ayaw mo ba?"

Napailing si Aira, bakit nga ba nya nasabi yun? "Syempre gusto ko."

"Wala ka bang tiwala sakin?" Hinawakan ni Skyler ang kamay ng nurse pero agad nya itong binawi.

"Wag.."

"Bakit?"

"Ayokong..."

"Ayaw mong?"

Napailing si Aira. Hindi sya sigurado kung anong gusto nyang gawin. Gusto nyang manatili ang closeness nila ni Skyler pero gusto nya na ring mapalayo dahil nahuhulog na ang loob nya dito.

Hindi na nakapagpigil pa si Skyler at niyakap nya ang nurse.

"Skyler?" Nanginginig ang boses ni Aira. Kailangan nyang magdesisyon kung mananatili ba sya sa buhay ni Skyler o lalayo na sya?

"Bakit parang natatakot ka?" Bulong ni Skyler sa nurse, "May nasabi ba akong masama? May nagawa ba ako?"

Natawa si Aira at napasinghot kasi parang tutulo na yung sipon nya. Ganun kasi sya kapag naiyak, "Yun na nga ang problema eh. Wala kang ginagawang mali."

"Ha? Uy, bakit ka umiiyak?" Nagpanic naman si Skyler dahil ayaw nyang makitang umiiyak ang nurse. Pakiramdam nya may nagawa syang nakasakit dito.

"Ang manhid mo!" Naiinis na pinagpapalo ni Aira ang braso ni Skyler.

Tumingin sa paligid si Skyler at napangiti nang makitang sila lang ang tao sa garden. Bumitiw sya sa pagkakayakap kay Aira saka ito siniil ng halik sa labi.

Halata naman ang gulat sa mukha ni Aira at napahawak pa ito sa labi nya na tila hindi makapaniwalang hinalikan sya ng sundalo.

"Sinong manhid?" Ngiti ni Skyler, "I like you Aira, I really do. And I want to make this work."

Natameme si Aira sa ginawa at sinabi ng sundalo. Paano pa sya lalayo kung ito na mismo ang lumalapit sakanya? Ito na mismo ang umamin?

Napangiti si Aira at saka hinalikan pabalik si Skyler. Smack lang at saka nya ito niyakap, "Akala ko.."

Natawa si Skyler, "Akala mo ano?"

"Akala ko di ka pa nakakamove on kay ex."

"Matagal na yun, Aira." Seryosong sabi ni Skyler, "Sobrang tagal na nun."

"Eh bakit ka tulala after mo sya makita sa park?" Alanganin na tanong ni Aira, "Tapos pumayag ka pang pumunta sa reunion nyo ng high school friends mo."

"Aaminin ko, naguluhan ako nung nakita ko ulit sya. Pero kasi Aira, anjan ka na eh. Natatakot akong magmahal ulit after I caught her cheating on me, pero dumating ka and I thought, maybe this time, I can love again."

Napangiti si Aira sa sinabi ni Skyler, "Talaga?"

"Talaga."

Kinabukasan, hindi na kailangan si Aira sa bahay ng mga Olivares kaya umuwi na sya sa apartment na tinitirhan nya. Tinangka pa ni Skyler na ihatid ang nurse pero pinagbawalan sya ng dalaga dahil hindi pa nga ito lubusang gumagaling. Ibinigay nalang ni Aira ang address sa sundalo at sinabing bumisita nalang si Skyler pagkatapos nito magtherapy.

Nagpatuloy si Skyler sa therapy nya sa sumunod na linggo. Habang nasa ospital sya ay nakikipagkita sya kay Aira na bumalik na sa pagtratrabaho doon.

"Aira?" Tawag ni Skyler sa nurse after ng therapy nya.

"Sky? Bakit?"

"Merienda tayo?" Alok ni Skyler.

"Busy pa ako Sky eh." Iling ni Aira, "Pero pwede ako mamaya after ng shift ko."

Napangiti naman si Skyler, "Dinner?"

"Sure."

Umuwi muna si Skyler para makapagpahinga, ilang oras pa naman bago ang tapos ng shift ni Aira.

Nakangiti si Skyler habang nakatitig sa kisame ng kwarto nya. Hirap syang makatulog, kahit idlip nahihirapan sya dahil muli, mas maganda na ang katotohanan kaysa sa mga panaginip nya.

Napatigil sya sa pagpapantasya nang maalala si Claudia. Tumayo sya at kinuha yung picture nila sa cabinet nya.

Tinitigan nya ang mukha ni Claudia. Kahit pumikit sya ay kabisado nya parin ang hazel brown na mata ng dalaga, ang matangos nitong ilong at ang mga labi nitong mapupula.

Napailing nalang si Skyler dahil sa pinagiisip. Itinago nalang nya ulit ang picture sa ilalim ng mga damit nya saka pumunta ng banyo para maligo.

Natagalan sa shower si Skyler kaya pagkatapos nya ay saktong dalawang oras nalang ay lalabas na si Aira kaya naghanda na sya. Naisip nyang ngayon na tanungin si Aira kung pupwede ba nya itong ligawan.

"Skyler?"

Napatigil si Skyler sa may sala. Andito na pala ang ama nya.

"Dad." Nagmano si Skyler sa General na ama.

"San ka pupunta?"

"Makikipagkita po sa kaibigan ko. Dinner." Ngiti ni Skyler. Hindi sya nagsisinungaling pero di rin naman nya sinasabi ang buong katotohanan.

Tumango tango ang ama nya, "Mabuti naman at nakikipagsocialize ka na ulit."

Ngumiti si Skyler, "Syempre po dad."

"Kailan mo balak bumalik sa serbisyo?"

Napaisip si Skyler, "Wala pa po kasi akong balak bumalik agad. Gusto ko pa po munang magpahinga after...alam nyo na po yun."

Tinanggap naman agad ng ama nya ang sagot nya, "Sige, magpakasaya ka muna. Kapag gusto mo nang bumalik sabihin mo kaagad sakin, pwede kitang ipaassign nalang sa Villamor para di ka na malayo."

Nagtaka si Skyler, inaalok sya ng ama ng tulong? Eh unspoken rule na yun sa pamilya nila na walang magtutulungan sa trabaho. Tanda pa nya, 'Kung gusto mong umangat, magsikap ka.'

"Dad, kaya ko na po ang sarili ko."

Napangiti ang ama nya at tinapik sya sa balikat, "Yan, yan ang anak ko!"

Nakahinga ng maluwag si Skyler, sinusubukan lang pala sya ng ama nya.

"Sige na, Sky, baka malate ka pa sa lakad mo."

Nagpaalam na si Skyler at saka tinungo ang ospital. Sakto lang naman ang dating nya dahil kakalabas lang ni Aira.

"Hey," Bati ni Skyler.

"Hey," Bati din ni Aira at saka humalik sa pisngi ng sundalo, "San tayo?"

"San mo gusto?"

"Kahit saan."

Nagisip saglit si Skyler, "May Jollibee jan malapit."

"Skyler naman eh.." Reklamo ni Aira. Nung minsan kasing nagmerienda sila ay dun sila kumain. Parang ang pangit naman kung dun ulit sila kakain.

Natawa si Skyler, "Joke lang. Eto naman. Dun tayo sa isang restaurant na favorite ko."

"Saan?"

"Medyo malayo pero worth it naman, pwede tayong mamasyal after." Paliwanag ni Skyler, "Sa MOA sya, La Olivia."

Pumayag nalang si Aira, "Sige, dun tayo."

Mabilis ang biyahe nila kahit na rush hour na dahil alam ni Skyler ang mga pasikot sikot sa Manila. Hindi naman din nila napansin ang oras dahil nagkukwentuhan sila sa biyahe.

Pagkaparada ng kotse ay pinagbuksan ni Skyler si Aira ng pintuan.

"Salamat." Ngiti ni Aira.

"You're welcome." Sagot ni Skyler.

"Diba dapat, 'walang anuman' ang reply mo?" Tanong ni Aira atsaka sya kumawit sa braso ng sundalo.

"What's the difference?"

"Ba't nageenglish ka ngayon?"

"Wala, trip ko lang." Nakangiting sagot ni Skyler.

"Goodevening, table for two?" Tanong ng waiter pagkapasok nila ng restaurant.

"Yes please, Familia Olympia member. Ares, first house." Opisyal na sagot naman ni Skyler.

Narinig ng manager ang sinabi ni Skyler kaya nagmadali itong lumapit sa dalawa, "Ares, first house?"

"Yes."

"This way, please." Ngiti ng manager at saka sila dinirect sa isang table for two na halatang mas maganda ang pagkakaarrange kumpara sa ibang table.

"Ano yun?" Tanong ni Aira sakanya pagkaalis ng manager na pinalagyan ng champagne ang mga baso nila.

"Secret, sasabihin ko din sayo next time." Kindat ni Skyler sa nurse.

Dumating na yung waiter dala dala ang menu. Hindi pa nakakakain sa ganoong restaurant si Aira kaya si Skyler na ang nagorder para sakanila.

"Kamusta naman yung trabaho mo?" Tanong ni Skyler.

"Alam mo naman yung ginagawa ko eh." Ngiti ni Aira, "Ikaw? Kamusta ka? Nahirapan ka ba sa therapy kanina?"

"Hindi naman. Kaya ko na. Next week matatapos na ako sa therapy and I'll be good as new." Ngiti ni Skyler, "Bakit ayaw mong magkwento?"

"Ang boring kasi ng maghapon ko eh."

"Boring ka jan? Nakakatulong ka kaya sa mga may sakit!"

Napangiti ang nurse nang hinawakan ni Skyler ang kamay nya, "Chansing ka ahh."

"Di naman."

Dumating na yung mga inorder nila kaya kumain na sila. Gutom na gutom na rin naman na si Aira dahil sa pagod kakatrabaho maghapon.

"Nga pala, kanina tinanong ako ni dad kung kelan ko balak bumalik sa serbisyo." Sabi ni Skyler.

"Eh anong sabi mo?"

"Wala pa akong plano eh. Ayoko pa munang bumalik."

"Malalayo ka sakin kapag nagtrabaho ka na ulit." Nalungkot naman si Aira, "Mindanao yun, andito ako sa Manila."

Nagisip saglit si Skyler, "Pwede namang dito nalang ako magpaassign sa Villamor eh."

Nagliwanag naman si Aira, "Talaga?"

"Di ako sure kung kaya ko pang bumalik ng Mindanao after what happened."

Inabot ni Aira ang kamay ng sundalo, "Sky.."

Ngumiti nalang ang sundalo nang may maalala, "Binyag nga pala nung anak nung ka-team ko. Ninang daw ako. This weekend na pala yun!"

"Talaga?"

"Yeah."

Nagkwentuhan nalang sila hanggang sa matapos sa pagkain. Pagkabayad ng bill ay dinala ni Skyler si Aira sa tabing dagat.

"Sarap dito." Lumanghap ng sariwang hangin si Aira pero napahimas naman sya sa braso nya. Napansin ito ni Skyler kaya inoffer nya ang long sleeves na blouse nya sa nurse.

"Salamat."

"Wala yun." Umakbay nalang si Skyler kay Aira.

"Ang sexy mo ahh." Natatawa si Aira sa itsura ni Skyler. Naka tank top nalang ito kaya kitang kita ang hubog ng katawan. Sa malimlim na ilaw ng bay walk ay naaaninagan din ni Aira ang mga peklat sa katawan na natamo ni Skyler sa helicopter crash.

"Psh. Eto lang eh." Walang pakialam na sagot ni Skyler.

Naupo sila sa seawall. Matagal nang nakalubog ang araw kaya madilim na't kumikislap na ang mga bituin sa langit.

Tinrace ni Aira ang mga peklat ni Skyler sa balikat, napapaisip sa dami ng pinagdaanan ng sundalo sa Mindanao. Naaalala pa nya noong unang dumating sa ospital ang sundalo, wala itong malay at ang daming nakakakabit na tubes dito.

"Anong iniisip mo?" Basag ni Skyler sa katahimikan.

"Yung mga pinagdaanan mo." Tahimik na sagot ni Aira, "Ang dami mong marka sa katawan ohh."

Kinuha ni Skyler ang kamay ng nurse at itinuro ito sa peklat nya sa palad, "Eto, naaalala ko pa, nakuha ko noong nahiwa ako habang nagkocombat training kami. Medyo tanga ako sa paghawak ng kutsilyo kaya ganyan."

Natawa si Aira at naimagine si Skyler na nahiwa ang sarili.

Itinuro naman ni Skyler ang keloid sa kaliwang siko, "Eto nung nadapa ako sa bike dati. Seven years old lang ako. Pinagalitan pa nga ako ni mommy kasi ayaw nyang pinapabayaan ko yung katawan ko."

"Di nga?" Naiimagine ni Aira ang isang seven year old na Skyler na nakasakay sa isang pink na bike.

"Oo."

Hinaplos haplos ulit ni Aira ang mga peklat ni Skyler sa balikat nya, "Eto nakuha mo nung crash na."

Tumango lang si Skyler at nanginig pa ng onti nang mapahawak si Aira sa bandang batok nya.

"Aira?"

"Bakit?"

"Pwede ba akong manligaw sayo?" Tanong ni Skyler.

"Di ka pa ba nanliligaw?"

Humarap si Skyler sa dalaga, "Ganun?"

Natawa lang ang nurse, "Akala ko nanliligaw ka na? Ang sweet mo na kasi sakin after mong umamin eh."

"Eh kelan mo ako balak sagutin?"

"Kelan ka magtatanong ng maayos?" Hamon ng nurse sa sundalo.

Umupo ng maayos si Skyler at hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga. May sasabihin sana ito pero natigilan sya at kinuha ang dogtag necklace nya. Tinanggal nya ang isang dogtag at saka inilagay sa kamay ng nurse, "Aira, take this."

"Anong gagawin ko dito?"

"Alam mo ba kung bakit dalawa ang dogtag ko?" Tanong ni Skyler.

Umiling si Aira, "Bakit?"

"Kasi madalas binibigay namin yung isang dogtag sa partners namin, parang kontrata namin na babantayan namin ang bawat isa. Na hindi namin hahayaang mapahamak ang bawat isa."

Napangiti si Aira, alam na nya kung anong sinasabi ng sundalo.

"Binibigay ko sayo yang isang dogtag ko kasi gusto ko ikaw ang maging partner ko. Gusto ko ikaw ang magbabantay sakin kasi for sure babantayan kita. Aira, hindi kita sasaktan, di ko hahayaang mapahamak ka. Will you be my girlfriend?"

Ano pa bang isasagot ni Aira? Eh andito na si Skyler, inooffer ang sarili nya.

"Alam mo ba kung anong sabi nila sa panliligaw?" Nakangiting tanong ni Aira sa sundalo.

"Ano?" Nagtataka naman ito.

"Hindi ang panliligaw ang pinatatagal kundi ang relasyon."

Napatigil si Skyler na para bang pinoprocess pa ang sinabi ng nurse, "Talaga?"

Tumango si Aira, natatawa sa di makapaniwalang reaksyon ng sundalo. Parang ang clueless kasi nito tingnan.

"Sinasagot mo na ako?" Paninigurado ni Skyler.

"Ang slow mo ahh. Pano ka naging captain agad ha?"

"Di nga? Sinasagot mo na ako?" Paguulit nito.

"Oo. Sinasagot na kita!"

Nagtatalon naman sa tuwa si Skyler.

"Hoy! Umayos ka nga! Pinagtitinginan na tayo oh!" Saway ni Aira at hinila si Skyler para maupo ulit sa seawall.

Kumalma na si Skyler at saka naman niyakap si Aira, "I love you."

"I love you."

The Cadet GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon