Valentines na! Bitter ako!

327 10 0
                                    

Valentine's na! Bitter ako!

forgottendaydreamer


Copyright © 2014 by ForgottenDayDreamer

All Rights Reserved 2014. No parts of this story can be reproduced or transmitted in any forms or by any means, electronic, mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without a written permission of the author, except where permitted by law.

PLAGIARISM is a CRIME!


"Guys, what do you think will happen sa valentines kaya?" napalingon naman ako sa mga nag-uusap habang kinikilig ko pang classmates. Tsk, kainis bakit ba kasi kelangan pang pagusapan yang tungkol sa valentines na yan? Feeling ko tuloy ako yung pinag-uusapan nila.


"Hoy Valentine! Usi ka na naman dyan!" sabi nung bestfriend kong si Tasha. Okay, ako talaga yung tinatawag nya ah, hindi yung occassion tuwing February 14. 


"Hindi ah. Kala ko kasi ako yung tinatawag eh. Sorry naman,  kasalanan ko bang nakaka-gigil yung pangalan ko? Ha." pairap kong sabi sabay lapit sa kanya.


Okay to make things clear, Valentine ang pangalan ko. Valentine Gutierrez. Ang babaeng pang-valentines at pabebe ang pangalan na taon taon namang walang date at never nagka-love life. Sophomore na ko pero ni isang lalaki sa school wala yatang nagkaka-crush sakin. Hindi ko nga alam kung dahil ba pangit ako o mabaho ako kaya ganon. 


So ayun, taon taon din akong bitter dahil sa bwisit na pangalan ko. Ang lakas kasing mang-asar eh! Valentines nga ang pangalan, wala namang ka-valentine. 


"Oo na! Samahan mo na nga lang akong bumili sa canteen!" sabi ni Tasha. Tss, papasama lang palang bumili nasigawan pa ako. Sabagay, what's new naman diba? Sanayan lang.


So dumaan kami sa room ng ex-boyfriend nya. Well actually, malamang ay dadaan talaga kami dun kasi kung sa kabilang hagdan pa kami bababa, mas matatagalan pa kami. Kaawa-awa naman 'tong isang 'to. Kung ako bitter dahil walang lovelife, aba mas bitter 'to dahil NAWALAN ng lovelife kung kailan magva-valentine's na!


"Ang hirap talaga kapag araw araw kumakain ng ampalaya ano? Masyadong BITTER!" yep, pinagdukdukan ko na bitter sya. Hahaha. Aba kung siya ang evil witch ng buhay ko, ganon din ako sa kaniya. Wahahaha.


"Che! Bestfriend ba talga kita ah? Inaaway mo nalang ako lagi!" sus, nag-emote pa! Kapag ba siya ang malakas mang-asar nage-emote ba ako?


"Oo. Ano ba 'yan, di ka parin nasanay sa akin? Pambihira talaga." sabi ko at lumakad na kami muli papunta sa canteen.


Pagdating namin sa canteen, bumungad sa amin ang isang dagat ng mga estudyante. Uhm, okay medyo OA ako sa part na 'yon pero ang dami talagang tao! Bakit anong meron? May artista ba? Wala namang nabanggit yung mga teachers.

Valentines na! Bitter ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon