Chapter 4

18.3K 1K 218
                                    

#RTVillainess04


FOR A STRAIGHT week, palagi kong binibigyan ng moment ang dalawa tuwing lunch. Because that's how the story goes!

Mukha rin namang wala 'yon kay Austin at Jamila dahil wala naman silang sinasabi. Nasanay na rin sila siguro? Kasi since, three days ago, nagkukusa na silang magtabi at sabay na bumili ng lunch. I even saw Austin waiting for us, one time.

Nakangiti akong naglalakad sa hallway ngayon habang papunta sa first subject ko. Nauna si Jamila papasok sa akin ngayon, kaya mag-isa lang ako.

"Hey!"

Napasinghap ako nang muntik na akong bumangga sa isang naglalakad kung hindi lang maagap si North at hinawakan ang braso ko.

"What are you thinking that you can't notice that you are about to bump to someone?" his forehead creased.

"Si Austin at Jamila," I blurted out pero agad kong natutop ang bibig ko dahil doon.

Ilang araw na rin nagtatanong si North kung bakit ba lagi akong nakatanaw kila Austin at Jamila pero hindi ko siya sinasagot at iniiba ko na lang ang usapan. I also made sure na hindi ko babanggitin ang pangalan ng dalawa . . . nabigo nga lang ako ngayon.

"Aren't you engaged to Austin? Bakit parang masaya ka pa yatang nakikita siyang may kasamang iba?" matabang na wika niya.

"W-Wala! At saka, hindi pa naman confirmed kung matutuloy ang engagement namin!" umiwas ako ng tingin. Napaawang ang labi ko nang bigla akong may naisip kung bakit siya curious na curious. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at naawa ko siyang tinignan.

"Anong tingin 'yan?" inis na tanong niya.

"Are you jealous of seeing them together?" kunwari'y gulat na tanong ko pabalik.

"Of course not!" medyo pasigaw niyang sagot.

"Do you like Jamila?" diretsong wika ko. Hindi siya sumagot at napatakip ako sa bibig nang may ma-realize na naman. "Wait . . . Don't tell me you like Austin instead?!"

Napaatras siya sa sinabi ko at tinignan ako na parang na-offend ko siya sa tanong ko.

"I'm straight as fuck, Chantal!"

Nakahinga ako nang maluwag doon at napahawak pa ako sa dibdib ko sa lakas ng dagundong ng dibdib ko. Phew. Kinabahan ako doon ah. Akala ko naligaw na 'yung kasarian ni North.

I have nothing against him changing his sexual orientation but . . . sayang kasi e.

"Then, you like Jamila?"

'Di ba? 'Yon lang 'yon? Dineny niya 'yung kay Austin pero hindi kay Jamila. Oh gosh! I feel bad for North.

Kaso bakit parang napaaga naman yata 'yung nararamdaman ni North kay Jamila? Supposed to be, North will realize his feelings for Jamila in the "hatid-pauwi" scene.

I gasped. Which is today!

Today, I will meet the famous twin models. Lily and Jeremy. Sila dapat ang kasama ni Brielle sa pagpapahirap ng buhay ni Jamila dahil lang sa gusto siya ni Austin. Sila rin ang susulsol kay Brielle na gawin ang mga 'yon, kahit na nagiguilty na si Brielle.

Yes. Dapat titigilan ni Brielle ang paggulo sa buhay ni Jamila, pero dahil siya nga ang kontrabida. Tinuloy pa rin niya.

"North, nasusundan mo 'yung slides?" bulong ko sa kanya.

Hindi ako makakopya ng notes dahil sa bilis mag-next ng professor namin. Sumuko na lang ako at sinara ang binder ko.

Sinundot ko sa braso si North na hindi ako kinikibo at seryoso lang na nakatingin sa harap.

Reforming the Villainess (Reincarnation #1)Where stories live. Discover now