Ghost Hunting

24.8K 368 426
                                    

"Hay naku Steph! Kahit kailan kill joy ka talaga. Iikuting lang naman natin ang buong building.." -Patty

9pm na ng gabi nasa school pa rin ang magbabarkadang sina Steph, Patty, Yasmin, Brent, Tristan, at Mark. Sanay na sila sa pag-uwi ng gabi dahil sa mga dance practices.

"Oo nga! Andito naman kami oh. Sumama ka na kasi!" -Tristan

"Bilis! Baka makita pa tayo ni Manong guard.." -Mark

..

"Oo na! Pero sandali lang tayo ha. Gusto ko nang umuwi." -Steph

Naglakad na silang anim papunta sa lumang building. Haunted ang gusaling iyon kaya walang gustong sumubok na puntahan ito pagpatak ng dilim. Maging ang mga gwardiya'y iniiwasan ito.

Nangunguna sa paglalakad si Patty Samantalang nagpapahuli naman si Steph.

"Gosh.. So creepy! I really don't like this. " -Yasmin

"Ang arte mo! Bakit ka pa ba sumama?!" -Brent

" Oh. Tama na! Nag-aaway na naman kayo." -Patty

" Ang arte kasi nitong si Yasmin." -Brian

" Nakakatakot naman kasi talaga! Alam nyo bang may nagkwento sa kin dati na super duper haunted ang building na yun.. Tapos may nag ghost hunting din daw dati dun tapos nung nandoon na sila, Sinapian daw yung isa nilang kasama.." -Yasmin

" Wag ka ngang ganyan! Di naman yan totoo.. For sure, gawa-gawa mo lang yan.." -Steph

" NO! Totoo laha-" -Yasmin

" Guys! Stop.. Malapit na tayo." -Patty

" Kasi naman.." -Yasmin

" Ssshhhh... Wag na kayong maingay!" -Tristan

Kinuha ni Patty ang flashlight sa bag niya.. Bubuksan na sana niya yung flashlight ngunit ayaw nitong gumana.

" Errrrr.. Bakit ayaw??" -Phoebe

" Akin na nga!" -Tristan

Pag switch on niya ng flashlight,

" Aaaahhh!"

May dagang dumaan.

" Guys chill.. It's just a rat.." -Tristan

Nagpatuloy sila sa paglalakad papuntang building..

Nung nandoon na sila, umakyat sila sa taas. Nang biglang may narinig silang..

Umiiyak na babae

" Aaaah! Ano ba yan?!!" -Steph

" Aw sorry.. May nagtext lang sa kin." -Patty

" Steph naman! Di ka na nasanay sa message alert ni Patty.." -Brent

" Ang weird naman kasi, sa dinami-rami ng ringtones, yan pang umiiyak na babae!" -Steph

" Sorry.." -Patty

Nasa second floor na sila ng biglang gumalaw ang trash can sa tabi ni Mark.

"AAAAAaaaaaahhhhhh!!!"

Nagtakbuhan silang lahat pababa.. Nadapa si Steph. Pero nagtatakbuhan pa rin sila.

" Guys wait!!!" -Steph

Lahat sila nakababa na maliban kay Steph. Na sprain ang paa niya kaya naglakad nalang siya pababa. Nagdadasal na sana balikan siya ng mga kasama niya.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Kaya mas binilisan nya ang paglalakad.

Nung pababa na siya, may nakita syang babaeng nakaputi sa hagdan. Tinatawag ang pangalan niya. Kaya tumakbo siya pabalik..

" Aaaaaaahhhh! Ayoko na.. Please.. Tulungan niyo ako.. Patty, Yasmin... San na kayo??" -Steph

Habang naglalakad, napansin nyang may gunting sa bintana ng isang mga classrooms. Hindi sya nagdalawang isip na kunin ito. Bumalik sya sa hagdan. Nandoon pa rin ang babae. Naglakas-loob syang lapitan at saksakin ito.

Paulit-ulit.

Umaasang maglaho ito.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, biglang dumugo ang babae at bumagsak.

" Ha? Paanong? Akala ko..... Pano nangyari ito?" -Steph

Nabitawan ni Steph ang gunting at tumakbo pababa nang biglang..

..

.

.

.

.

" SURPRISE!!! " -Patty, Mark, Brent, at Tristan

" Ha?? " -Steph

" Pinagplanuhan namin ang lahat ng ito. " -Tristan

" Ano???" -Steph

" Sinadya kong patunugin yung phone ko kanina.." -Patty

" Sinipa ko yung trash can kanina nung doon pa tayo sa taas. " -Mark

" B-bakit?..." -Steph

" At tsaka yung white lady..." -Brent

Napatigil si Brian nang may nakita syang dugo sa kamay ni Steph.

" Anong nangyari sayo??" -Brent

" Teka teka!! Sino ba siya? " -Steph

" Si Yasmin... " -Brent

" Ano?? Bakit???? Pero..... Nasaksak ko si Yasmin." -Steph

" Ano??? " -Mark

" Napatay ko si Yasmin... " -Steph

Ghost HuntingOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz