If this was a Movie

23 2 0
                                    

Inspired po ito kay Taylor Swift and her song.

If this was a Movie

Mabilis akong tumatakbo papunta sa aming gagamiting bus para sa Fieldtrip namin sa Baguio. Ala una ng madaling araw ang dapat na alis namin pero dahil sa bagal kong kumilos ay nahuli na ako. Hindi ko na nga nagawang suklayin ang mahaba kong itim na buhok.

Habang papalapit ako sa bus ay natatanaw ko na ang aming teacher na nakapamaywang. Siguradong bago ako makapasok sa bus ay sermon ang aabutin ko. Bakit ba kasi kailangang madaling araw kami umalis?

"Anong oras na Ms. Vasquez?" tanong nito pagkatapat ko sa kanya. Tinignan ko ang aking relo at sampung minuto na akong late.

"Sorry po, Miss" umiling lamang ito sa pagkadismaya bago ako pinapasok sa loob.

Hindi na ako magtataka kung minumura na ako ng aking mga kasama sa bus sa kanilang isip dahil sa kabagalan ko. Dahil kung ako ang nasa posisyon nila ay baka napatay ko na sa aking isipin ang late.

Naghanap ako ng mauupuan at mabuti na lamang ay meron pang bakanteng pwesto sa pangatlong upuan sa dulo. Napakaswerte ko pa at wala akong katabi kaya makakaupo ako sa may tabi ng bintana.

Pagkatapos masigurado ni Ms. Salas na kompleto na ay nagsimula ng umadar ang bus. Pinatay ang mga ilaw sa loob ng bus para makatulog ang gustong matulog. Dahil hindi naman ako dinadalaw ng antok ay naisipan ko na lang na makinig ng music para naman maaliw ako habang nakatingin sa aming dinadaanan.

Napangisi ako noong nagsimulang tumugtog ang If this was a Movie ni Taylor Swift.

"Paano ka naka-move on ng ganoong kabilis?"

Sa loob ng anim na buwan ay halos paulit-ulit kong naririnig ang tanong na iyan. At sa ilang beses na itinanong sa akin ang tanong na iyon ay sinasagot ko lamang sila ng ngiti at kibit balikat. Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Paano mo ba masasabi na naka-move on ka na? Na nakausad ka na? Na nakabangon ka na? Na tanggap mo ng wala na?

Sabi ng iba nakamove-on ka na kapag hindi mo na iniisip si Ex. Sabi ng iba nakamove-on ka na kung wala ka ng pakialam sa ex mo. Sabi ng iba nakamove-on ka na kung tinatawanan mo na lang ang lahat ng nangyari. Sabi ng iba nakamove-on ka na kung tanggap mo na sa sarili mo na wala na.

Napakaraming signs na pwede mong mabasa sa internet at mga libro na nagsasabi kong paano malalaman na naka-move ka na. Maybe some are true while some are just hypothesis. Siguro nasasabi nila iyon dahil 'yon ang naramdaman nila noong naka-move on sila. Siguro nasasabi nila iyon dahil nakakita nila 'yon sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Minsan akala natin dahil sa mga karanasan natin ay eksperto na tayo sa magulong laro ng pag-ibig. Na minsan ay hindi natin alam na nadidiktahan na pala natin ang damdamin ng iba. Na minsan pinangungunahan na natin sila.

"Nakamove-on ka na"

"Sa wakas graduate ka na sa sakit, bes"

"Salamat naman at narealize mo na"

But we all forgot that it was easy to pretend. It was easy to pretend that you didn't care even you do. It was easy to pretend you didn't give a fuck. It was so easy to laughed even if you are dying inside. If was easy to say you move on but the truth is you can't even move an inch.

Nakamove-on ka na ba?

Ilan beses ko na rin iyang tinanong sa sarili ko. Minsan kapag tinatanong ko ang sarili ko niyan ay bigla na lang nag-uunahan ang mga luha ko. Minsan naman galit na galit ako. Minsan sasagutin ko ang sarili ko ng oo. Minsan natatawa na lang ako. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sarili kong tanong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If this was a MovieWhere stories live. Discover now