Epilogue

11.4K 573 153
                                    

HIS POV

"Ano na plano mo niyan pare?" tanong ng kaibigan kong si Lester sakin.

"I dont know dude. Hindi ko talaga alam" sagot ko naman.

"Sabi ko sayo sabihin mo na" singit naman ni Derrick.

"Naunahan ako ng takot" sagot ko naman habang kinakalikot ko yung gitara ko.

Sabado na, at ngayon ang gig namin. Inis na inis talaga ako sa sarili ko, hindi ko dapat siya iniwanan ng ganun. Nagpaliwanag dapat ako ng maayos. Pero p*ta naduwag ako eh!

"Guys pwesto na!" sigaw ni JD, ang host ngayong gabi.

"Tara na dude" aya ni Seth sakin bago i-tap yung balikat ko. Tumango nalang ako at napabuntong hininga bago tumayo. Pinulot ko na gitara ko sabay pumunta na sa stage.

"JC let me sing one song" bulong ko sa lead vocalist namin. Pumayag naman siya. Sinabi niya na din sa ka banda namin.

Pumwesto na ko. Medyo madaming tao ngayon,pero hindi ko sila makita kasi nasaakin yung ilaw...

"I hope you're here" bulong ko sa sarili ko bago ako magsalita sa mic.

"This song is dedicated to the girl i'm inlove with. Galit siguro yun sakin ngayon. Pano ba naman. Buong pagkakaibigan namin nagpanggap akong bakla" narinig kong nagsitawanan yung iba kaya naman napailing nalang ako. "Nung kelan nalaman niyang lalaki ako. Hindi ko kasi napigilan" nagsitawanan nanaman sila ng nagets nila ang ibig kong sabihin. "But I only did that para mapalapit sakanya. Kakaiba talaga kapag tinamaan ka eh. It makes you do impossible things. Kaya, Kath. Para sayo to. Mahal na mahal kita" 

"Ikaw na ang may sabi..." ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang lahat. "Na ako'y mahal mo rin, at sinabi mo, na ang pagibig mo'y di magbabago" 

Naalala ko nung sinabi niya na ako lang ang magiging bestfriend niya at mahal niya ko. Nangangarap akong sana sinabi niya yun ng lalaki ako at hindi nagpapanggap na bakla.

"Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo ?"

This past few days. Sinusubukan kitang kausapin. Pero wala. Dedma.

"Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba"

Naaalala mo pag may lumalapit sayo na lalaki? Nasasaktan ako Kath. Di ko lang mapakita. Kaya pagtalikod mo. Ayun! Resbak abot nung mga lumalapit sayo. Mahal kasi kita eh.

"Di ba nila alam? Na tayo'y may sumpaan? Na ako'y sayo at ika'y akin lamang"

Siguro ako lang nag iisip nun. Basta sayo lang ako Kath. At akin ka nalang sana. Sana mapatawad mo na ko.

Tahimik lang na nakikinig ang audience, humihiyaw sa tamang oras, yung iba ay sinasabayan pa ko habang ako nag d-drama sa loob ng ulo ko. Itinapos ko na din ang kanta at tatayo na sana nang may biglang nagtakip sa mata ko.

"Ang emo mo! Para kang bakla" bulong nito sa tenga ko. Agad kong itinanggal ang mga kamay niya ng marealize ko kung kaninong boses yun.

"Kath" hindi makapaniwalang sabi ko at wala ng sabi sabi pa ay inihila ko na siya papalapit at niyakap ng mahigpit "Mahal kita" bulong ko.

"Mahal din kita" sagot naman niya. I smiled, and she smiled back. 

"You're mine?" ang kapal din ng mukha ko para magtanong pero sa ngayon wala akong pake. She stood on her toes, wrapped her hands around me.

"I'm yours" and then we kissed.

Love can make you stupid decisions, I dont know how stupid this situation is but in the end I got my girl. And I will never let her go this time. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My gay boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon